Chapter 4

15 1 0
                                    

Devi Catalione Sinead

Nakaupo lamang ako sa sofa ng condominium ko habang nasa harapan ko naman si Thaddeus na hindi parin maipinta ang mukha.

Nanatili lamang akong tahimik sa buong minuto at ingat na ingat sa mga galaw na gagawin. The hell! Baka mag tantrums na naman siya pag isang maling galaw ko lang.

"Y-yuen." agaw pansin ko dito ngunit nanatili parin ang lamig ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. I sighed.

"Pwede naman akong bumisita dito pa minsan-minsan, ikaw ang una kong pupuntahan. I promise that. Hindi kita kakalimutan, at 'saka it's 4 years lang naman then pwede na akong magcontinue dito." I hissed, he's looking at me intently.

Tumayo ako at bahagyang lumapit sakanya, lumuhod ako at hinawakan ang kamay niya at deretsong tumingin sa kanyang mga mata.

"I badly want to reach my dreams, Yuen. I want to be a Doctor. Please allow me." pagmamakaawa ko dito.

In the very first place, alam ko naman ang mga consequences kung aalis ako dito. Yun nga lang, hindi ako puwedeng basta-basta na lang aalis ng hindi nag papaalam, lalong lalo na kay Thaddeus. He's the one who help me afterall, he supported me, even guide me. Siya yung laging nasa tabi ko sa tuwing nahihirapan ako.

"Mali bang sundin ko ang puso ko?" paglalaban ko pa. Bahagya ring kumati ang ilong ko senyales na namumula ito at malapit na sa pag-iyak, dahil kung hindi ako mag da-drama ay hindi talaga 'to effective sa kanya.

Bumuntong hininga ito bago hinawakan ang mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

"Ano bang sinabi ko kanina, Catalione?" seryosong ani nito, tila naguluhan naman ako at nakanganga lang.

Shet! Ba't ang gwapo kahit suplado?

Erase! Erase! Masyadong malandi!

"You will not accepting the offer, Devi. Papaaralin kita dito and that's final." masungit na ani nito, tila nawala naman ang urge ko na magmakaawa sa kanya. Tumayo ako habang nakakunot ang mga noo at namewang sa kanyang harapan.

"Ikaw, Yuen ha! Namumuro kana sa akin. Daig mo pa si Daddy kung makapagsalita ka ah, 'tsaka ba't ba ako nangongonsulta sa desisyon mo? Pwede ko namang tanggapin iyong offer ni Prof. Kung iniisip mo na tatakbuhan kita dahil sa dami ng utang na loob ko sayo, wag kang mag alala, Yuen! Pag naging Doctor na ako, bigyan pa kita ng malaking mansion with a trip to Joji Island ticket pa with your wife. Pwede ko naman kasing tanggapin yun agad at hindi na sana ako nagpakahirap para mapapayag k—"  I lost my word when I felt a soft thing in my lips.

Nanatili lamang nanlaki ang mga mata ko habang patuloy na gumagalaw ang kung ano sa labi ko. His eyes are close while kissing my precious lips. He bite my lower lip that made my mouth open a bit, enough for him to enter his tongue. Nanlaki ang mata ko ng magsimula na itong maglikot sa loob. His kiss are full of anger, it's a bit rough. Nakalasa ako ng dugo nang tumigil ito sa paghalik sa akin.

Tangina! Ba't hindi ako nag protesta agad?

BA'T PARANG SARAP NA SARAP AKO?!

"That's better. My kiss can shut you up. Masusunod ang gusto ko, Devi Catalione." ani nito bago tumayo at ngumisi pa sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Pero ayaw kong mas lumaki ang utang na loob ko sayo. Sayang yung opportunity kung hindi ko tatanggapin. Payagan mo na ako!" pamimilit ko dito kahit na pulang-pula na ang mukha ko pero umiling ito.

"Hindi ka kahit kailan man naging pabigat sa akin. I'm a Decatoria, Catalione. Kayang kaya kong gawin ang gusto ko." saad nito na nakapamulsa. Handang handa na itong umalis kaya mas lalo pa akong nainis.

"Ano ba, Yuen?! Gusto ko ngang lumabas ng bansa at mag-aral! Why you can't understand me?!" pagmamaktol ko pa.

"Papaaralin kita, Sinead. No more buts." ani nito at naglakad na papalapit ng pinto,

Wala akong nagawa at napatanga na lamang sa likod niyang papalapit na ng pintuan 'tsaka ko pa lang napagtanto ang ginawa niya kanina sa akin. Patakbo akong lumapit sa kanya.

"Walang hiya ka! Hinalikan mo pa ako ahh!" Hiyaw ko habang nanginginig ang mga labi, muling rumihestro sa isipan ko ang nangyari kanina. Lumingon ito sa akin at ngumisi.

"You liked it." mayabang na ani nito bago nawala sa harapan ko. Nang dahil sa inis ay malakas kong isinara ang pintuan at naglakad pabalik.

Nagustuhan ko nga.

————

"Caty, sigurado ka ba? Baka magalit na naman si Thaddeo sa akin." Tatianna approach me. Kinakabahan kasi ito at baka baliwalain na naman ni Thaddeo ang gagawin niya.

"Hindi yan ako ang bahala sayo and besides, Yuen is there so there's nothing to worry about baka sa akin pa malagot iyang si Thaddeo." saad ko at umirap pa.

Ramdam ko ang panlalamig ni Tatianna ng hawakan ko ang kanyang kamay at hinila papasok ng garden kung saan ang tambayan ng mag kakapatid at mag pipinsan.

"Sila Tati!" sigaw ni Thaddius ang bumungad sa amin pagpasok pa lamang. Ang magkakapatid pa lamang ang nadatnan namin pagpasok duon. Thaddeus Yuen is looking at me intently, suddenly I got conscious of my pose. Damn.

"Thaddius boy!" pagbabaling ko ng atensyon kay Thaddius.

Noong nakaraang linggo pa ang nangyaring halikan sa pagitan namin at ngayon ko lang ulit siya nakita. Pagkatapos ng halik, ganun na lang yun? Hindi na nagparamdam?

Nakipag-apir ako kay Thaddius at umupo sa kanyang gilid ngunit bago pa mangyari yun ay agad ring umeksena si Thaddeus.

"Devi Catalione." seryoso at ma-otoridad nitong saad. Tinignan ko ito, ang mga mata niyang parang nagsasabing pag-uupo ako sa tabi ng kapatid niya ay patay ako. Napakamot na lamang ako sa aking ulo bago lumipat sa tabi niya.

Damn you, Decatoria! Ba't mo ba ako napapasunod?

"Selosong Thaddeus, tsk tsk tsk!" agad na umeksena ang kanyang mga pinsan na kakapasok pa lamang ng garden. Iba talaga ang lahi ng mga Decatoria. Their genes are so oh!

Anyways I'm not tamed by their beauties. Except. Grr! Thaddeus, anong ginagawa mo sa akin!

Napalipat ang tingin ko sa kakaupo lang na si Gunner. Hmmm? My instinct never fails me. There's something fishy. Panay ang tingin nito kay Tatianna na palagi ring naguguluhan dahil araw-araw nalang itong napapatingin sa kanya pag papasok na sila sa tambayan.

"Stop looking at him. You're grining!" maktol ng isang maligno mula sa gilid ko, mahina lamang ang boses nito ngunit nababakas ang pagkainis.

"Huh?" nakakunot noo kung ani sakanya ngunit ri-nolyohan lamang ako nito ng mata na ikinagulat ko.

"Aba ba't mo ko sinusungitan?" malditang tanong ko sakanya, bahagya kong itinaas ang aking kilay. Litaw na litaw ang pagiging maldita sa aking mukha.

Inismiran lamang ako nito at agad iniwas ang paningin sa akin at itinuon nalang ang atensyon sa kanyang mga pinsan.

Nakakainis! Ang sungit sungit pero pogi pa din!

————


Fate Deception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon