Chapter 7

18 1 0
                                    

Devi Catalione Sinead

Sa mga nagdaang araw mas lalo lamang akong nawalan ng gana simula nang makita ko ang eksenang iyon. I have several absences at nagpatuloy yun hanggang ngayon.

What's the point of studying ba kung hindi mo rin naman gusto ang course mo? One more thing, siguradong lilipad lang ang isip ko sa klase.

Napaigtad ako dahil sa gulat nang biglang tumunog ang telepono ko. The old man's name on the screen. Tamad kong sinagot ang tawag at nilagay sa tenga.

"Hell-" hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ko nang bigla itong pumutol.

"What's happening to you? Hindi ka pumapasok sa klase mo! Akala mo ba hindi ko malalaman, Catalione!" naparolyo ako ng mata kahit alam kong hindi niya iyon nakikita.

"I can manage myself, Dad. Kung tinawagan mo lang ako para utusan na ipagpatuloy ang pag-aaral ko, sorry. I don't take orders specially when it comes to you. I'm no longer your daughter mula noong umalis ako sa pamamahay mo." nanatili lamang mahinahon ang boses ko pero alam kong nababatid niyang naiinis ako.

"Ana—" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita at pinutulan siya ng tawag.

What he's about to say? Anak?

Asa ka naman, Catalione. Kailan ka ba niya tinuring na anak. Halos sarili nalang nga niya ang iniisip niya.

I sighed. I felt so lonely. Umalis na si Tatianna at nagpakalayo layo simula noong nakumprima naming buntis nga siya. Declan already know about what's going on. Nadatnan niya kasi kami sa unit habang hawak hawak ni Tati ang pregnancy test.

Hindi naman siya nagtanong ng marami since ayaw niyang manghimasok pero ganun nalang ang pagkagulat ko ng mag offer itong ihatid si Tati at hanapan ng matitirahan. I'm wondering about his reasons. He's not close to her, they're formal to each other.

But whatever is his reason, I'm thankful for his help. Kinaumagahan pa siya naka uwi sa unit at sinabing sinamahan niya si Tati sa apartment na nilipatan niya dahil mag-isa lang siya at delikado. I also find out na sa Palawan pala siya nakakita ng pwedeng matirahan at tagong tago ito.

Saglit pa akong nag-isip isip kung ano ang pwedeng gawin ngayong araw. It's friday in the morning at kanina pa nagsimula ang klase ko na hindi ko na naman sinipot. I'm planning to drop out. Maghahanap ako ng med school na pwede ako makapag-aral.  Gusto ko sa malayo.

Agad akong naligo at nag-ayos. Hindi na ako nag abalang kumain pa dahil mag d-drive thru ako.

Bumaba na ako ng hagdan at naglakad papalapit sa pintuan pero hindi pa ako nakalapit ng bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Declan at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng sumunod ang 'di inaasahang tao.

"Where are you going?" Declan asked while creases his forehead. Panaka-naka akong tumingin sa kanya at sa taong nasa likuran niya.

I miss him. So much.

"Ahh m-may lalakarin lang. Excuse me na, Declan. I don't want to ruin my mood." pakikiusap ko dito pero tinignan lamang ako nito ng masama.

"Sit, Devi Catalione. We need to talk." pamimilit nito pero inilingan ko siya. Nilampasan ko silang pareho at lumabas ng pintuan.

I miss his captivating eyes. He always decept me with those stares.

"Devi Catalione." natigilan ako sa paglakakad ng marinig ang boses niya. Hindi ko ito nilingon at ramdam na ramdam ko ang mabibigat na hakbang niya patungo sa akin.

I suddenly felt anxious. Kinakabahan ako baka kung anong magawa ko pag nasa harap ko na siya. Baka mayakap ko siya ng wala sa oras.

Ramdam ko ang paghila nito sa aking braso at agad na ipinaharap sa kanya. Kinunotan ko siya ng noo.

Hindi ako pwedeng bumigay. I'm not marupok naman. May pinanghahawakan ako at ayaw kong basta basta na lang maniwala ulit sa kanya.

"How long?" tanong nito.

"Huh?" hindi ko siya maintindihan kaya iyon lang ang tanging nasabi ko.

"I will wait. I miss you." ani nito. Mapupungay ang kanyang mga mata, nilapit niya ang mukha sa akin. Napapikit naman ako ng maramdaman ang paghalik niya sa noo ko.

Gusto kong umiyak. Para akong nangungulila sa kaniya.

Pagmulat ko ay tanging likuran nalang niya ang nakikita ko. Naglalaksd ito pabalik sa kung saan siya kanina, sa loob ng unit kasama si Declan.

Tumalikod na ako at naglakad. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang. Nangangatog na ang mga tuhod ko ngunit sinikap kong wag bumigay.

Nang makarating sa parking lot ay agad kong hinanap ang kotse ko at pumasok sa loob. Pag-upo ko pa lang ay nailabas ko na agad ang sama ng nararamdaman ko.

I lost him, I guess. I lost my family, Tatianna is far away from me now. Kahit na alam kong magkaibigan kami ay hindi ko parin maiwasang hindi maging malungkot, but I understand. She has some problems to face too. And I has mine too.

Nagsimula na akong mag drive at dumaan lang sa McDo  at nag order ng pagkain. Nagpark muna ako at kinain ang inorder ko at pagkatapos ay nagsimula ulit na mag drive.

I'm planning to have a long drive right now. I want to live independent, walang Declan na aalalay sa akin. Mas lalong lalo na walang Thaddeus Yuen na mag- aalaga sa akin.

"Psh."

May pahalik halik pa siya sa noo ko. Parang di umakay ng isang babae sa 7/11 ah.

Nag drive lang ako ng nag drive, until I saw a Med School, binasa ko ang karatula na nasa labas. 'Donovan Doctors Hospital'. Kung paano ko nalaman na tumatanggap sila ng mag-aaral ay nakita ko lang 'to sa internet noong isang araw.

Bumaba ako ng kotse at bahagyang lumapit sa isang guidelines para sa mga mag t-transfer or mag eenroll. Binasa  ko ito.

Kailangan kong isubmit ang mga papeles ko sa dating school, a parent/guardian consent. I still have money naman sa credit card ko at malaki laki iyong ipon ko tamang tama na sa pagbayad ng whole year tuition fee.

Maghahanap lang ako ng pwede kong matirahan dito at saka ko aasikasuhin ang dapat kong asikasuhin bago lumipat.

"I guess, this is a change. For the better."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate Deception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon