Chapter 5

10 1 0
                                    

Devi Catalione Sinead

Nakamasid lamang ako sakanila nang biglang tumayo si Tatianna mula sa aming harapan. Sabay naman kaming lumingon sa kanya ni Yuen, nangunot ang aking noo ng makita ang makita ang isang box ng cookies na kinuha niya mula sa kanyang bag.

"Gusto mo? Maghanap karin ng isang Tatianna." natawa ako ng asarin nito si Thaddius na ngayon ay nakasimangot na.

Sweet things is his favorites. Mostly pag gawa ni Tatianna. Napangisi ako ng naglakad na ang kaibigan ko sa gawi ni Thaddeo na ngayon ay hindi maipaliwanag ang kanyang reaksyon.

He's looking intently at Tatianna. Nasagip ng tingin ko si Gunner na nakatitig lang kay Tatianna, bahagyang sumagi sakanyang mata ang galit at sakit pero pumikit ito at umiling.

Napakunot ang noo ko at tinitigan ito, naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya rin ito napatingin sa akin na agad niya namang iniwas. Napailing na lamang ako at ipinagsawalang bahala ang tumatakbo sa aking isip.

"Why are you looking at him?!" maktol ulit ni Yuen ng maagaw nito ang atensyon ko. Nagkibit balikat nalang ako at itinuon ang pansin sa ginagawa ni Tatianna.

"Thaddeo, cookies from my heart." sabi nito, her voice are so sweet but her action is surely nervous. Kilalang kilala ko na itong babaeng 'to.

Napatawa ako ng mahina na ikinailing ni Yuen mula sa aking tabi, he simply encircled his arms into my waist. I just rolled my eyes, hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya.

Besides, I like it how he hold my waist. Malandi ka, Catalione!

Natigilan ako ng itapon ni Thaddeo ang box ng cookies sa kalapit na basurahan, hindi nakaimik si Tatianna. Bahagyang nag init ang dugo ko. How dare him?!

"Kuya." tawag pansin ni Thaddius.

Pilit akong kumakalas sa yakap ni Thaddeus ng pinipigilan ako nitong makawala mula sa kanya. What's his problem ba?

"Get off me, Thaddeus Yuen. He need a slap!" pagpipilit ko ngunit hindi niya ako hinahayaang makawala sa kanya.

Napatingin ako ulit kay Thaddeo, nakatingin ito kay Gunner at agad na bumuntong hininga. Malamig ang kanyang mga mata.

"I will never like you, never." ani nito kay Tatianna. Hindi ko na alam kung paano ako nakawala sa mahigpit na kapit sa akin ni Yuen.

Binalot na ako ng galit kaya dalidali akong lumapit kay Thaddeo at malakas siyang sinampal. Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Yuen at hinawakan ang kamay ko. Galit ako at alam ko ngayon sa paningin nila ay ibang-iba ako.

"Porket isa kang Decatoria gaganyanin mo na si Tatianna? Hell no. Tatianna is my precious and no one will never ever can hurt my bestfriend. Naiintindihan mo ba ako, huh Thaddeo?!" nagpupuyos sa galit na ani ko. Nag-init lalo ang ulo ko ng hindi ito sumagot, napatitig lang ito sa akin. Walang sumubok na magsalita, nanatili lamang sila sa kanilang puwesto.

Ang duduwag ng mga Decatoria!

"Hintayin mo, Thaddeo. Hintayin mong mapagod si Tatianna sayo at kapag tinigilan ka na niya, hinding hindi mo na siya makikita. Tara Tati!" hinila ko na si Tatianna papalayo sa lugar na iyon. Hindi na ako nakinig ng tawagin ako ni Thaddeus.

Isa rin 'yun. Pare-parehas lang sila ng kapatid niyang may sapak sa ulo! Nakakainis!

"Caty." naiiyak nitong tawag sa akin ng makalayo na kami sa lugar na iyon. Napabuntong hininga ako, Tatianna is special to me. Hindi ko kayang makita siyang ganito.

"Don't cry Tati, he's not worth it for your tears.I know a place." saad ko sakanya, hindi ito umimik kaya hinila ko nalang siya.

Dinala ko siya sa Night Bar na nakita ko lang noong isang araw, nadaanan ko kasi ito ng maglakad lakad ako. First time ko rin na makapasok sa isang Bar.

"We're 21." ani ko sa guard ng haharangan na sana kami nito. Hawak-hawak ko lang ang kamay ni Tatianna hanggang sa makapasok kami. Dinala ko siya sa may Counter at pinaupo.

Gusto ko lang ang uminom ngayon dahil feeling ko ay nadadala rin ako sa problema ni Tatianna. Nasasaktan rin ako sa kinahahantungan niya, I will stay by her side no matter what.

"Hard drinks, Kuya." agaw pansin ko sa Bartender, agad naman nitong inasikaso ang order namin.

"Enjoy this night, Tati." paalala ko sakanya. Gusto kong makalimutan niya muna ang nangyari ngayong araw.

Binigay na sa amin ang alak na agad ko namang tinungga. Unang lasa pa lang parang lasing na agad ako. Naubos ko ang isang baso na ibinigay sa akin ng Bartender, umikot agad ang paningin ko pero nasa huwisyo pa ako.

Sa pangalawang baso ay ramdam ko na ang tama nito sa akin, what's new? I have a low tolerance in alcohol eversince. Kaya hindi ako hinahayaang makainom ni Declan lalong lalo na si Yuen dahil madali akong malasing.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papuntang dance floor at hinayaan si Tatianna na mag-isa sa counter. I will enjoy this night. No Decatoria in my mind.

"Hey! You caught my attention. Are you?" biglang lumitaw sa akin ang isang chinito at morenong lalaki. Halatang halata ang pagiging elegante sa kanyang pananamit. Napangisi na lamang ako.

I know how much I gain attention at the crowd. Baka nga sa isang ngiti ko lang ay mangisay kaagad sila.

"Caty." I only said my nickname since it's the first time that I met him.

"I'm Charles btw. Can we dance? If you don't mind." nakangiti ito sa akin habang tinuturo ang dancefloor.

"I would like the idea." sagot ko dito at tinanggap ang kamay niyang nakaabang sa akin. Bahagya pa akong pumikit ng makaramdam ng hilo ng magsimula na kaming maglakad.

Nagsimula na kaming magsayaw ng makarating kami duon, I really enjoy his company. Sumayaw lang ako ng sumayaw at patuloy lang sa pagtawa. Nakaramdam ako ng kamay sa aking bewang, napangisi ako. Ang bilis naman niya ata.

"You smell so sweet, Caty." bulong nito sa aking tenga, napangisi ako ulit. He's really captivated by my charms huh?.

"Catalione!" agad akong napabalik sa ulirat at dali daling umatras mula sa pagkakahawak ng lalaki ng marinig ang boses na iyon.

Why the hell is he doing here?!

I'm captivated by his eyes that full of anger. He walks manly into our direction. Madilim ang kanyang reaksyon at tangina kinakabahan ako.

Pero ang gwapo parin!



Fate Deception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon