III: Leaving
Valerie's POV
Lumilipad ang isip ko habang nakasakay sa jeep. Nakatingin lamang ako sa labas at pinagmamasdan ang mga sasakyang patuloy sa pagbyahe.
Pumara na ako at tumigil naman ang jeep sa harap ng school na pinapasukan ni Aiden. Napatingin ako sa relong suot ko atsaka ko na lamang napansin na alas tres y media na.
Umupo ako sa waiting shed at naghintay pa ng ilang minuto. Lunes ngayon at sigurado akong nandoon pa rin 'yon sa room nila at naglilinis. Tuwing lunes kasi siya naka-assign sa paglilinis.
Hindi rin naman nagtagal ay agad ko ring narinig si Aiden na tinatawag ako mula sa malayo.
"Ate kong maganda!" Tawag nito sa akin kaya naman ako'y napalingon sa kanya
Tumayo na ako at sinalubong siya ng yakap.
"Ate namiss kita." saad nito habang nakayapos sa hita ko
"Namiss ka din ni ate, tara na?" aya ko dito at ginulo ang buhok nito
Nag-umpisa na kaming maglakad pauwi habang hawak-hawak pa rin ang kamay n'ya.
"Ate nagalit si teacher ko po." sumbong nito sa akin
"Bakit naman? Malikot ka siguro 'no?" Pangkakantyaw ko rito, ngayon lang siya napagalitan ng teacher niya simula nang pumasok siya
Pakiramdam ko may sinabi 'tong kalokohan sa teacher niya kaya siya napagalitan.
"Hindi po, sinabi ko lang yung sinabi mo po kaninang umaga." saad niya
Napatigil ako sa paglalakad at napaisip saglit. Ano bang sinabi ko?
"Alin ba?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya
Wala akong maalalang sinabi ko kaninang umaga. Gusto ko nang pigain ang utak ko para lang malaman kung anong sinabi ko.
"Na kapag na-late po ako at pinagalitan ako ni teacher lagot siya sa 'yo." namilog ang mga mata ko sa sinabi ng batang 'to
Tinatakot ko lang naman eh, bakit naman sineryoso? Ano nang mukhang ihaharap ko sa teacher n'ya? Lagot ako nito!
"Jusko kang bata ka! Binibiro lang naman kita." pagkukumpirma ko sa kanya ngunit nanatili pa rin siyang nakangiti
"Wala na po nasabi ko na po kay teacher." sabi pa nito habang nakangiti ng nakakaloko
Hay nako! Sumasakit talaga ang ulo ko sa batang 'to, grabe na.
Nauna na siyang maglakad habang nakasunod lamang ang mga mata ko sa kanya. Saan ba n'ya nakuha ang mga kalokohang 'yan?
"Wait lang hoy!" Tawag ko dito at sabay ding lingon niya. Nagtatakbo ako para maabutan siya.
Hinawakan ko ulit siya sa kamay at pinagpatuloy na ang paglalakad. Malapit na kami sa bahay nang mapansin kong parang may nagkakagulo sa bahay.
Nang palapit na kami nang palapit sa bahay ay doon ko lamang nakumpirma. Nagkakagulo nga sa bahay, hindi dahil sa away kundi dahil nagmamadali silang ilabas ang mga gamit namin . . . .
. . . . gamit ko?
"Anong nangyayari?" Nagugulumihanan kong tanong sa sarili ko
Lumapit ako kay tita na nasa harap ng bahay na pinapanood ang apat na lalaki na tumutulong para buhatin at ilabas ang mga gamit ko papunta sa van na nakaparada sa harap ng bahay. Naguguluhan ako. May tatlong babaeng nakatayo sa tabi ni tita na hindi ko naman kilala.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
FantasyBata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...