VI: Ability Enhanced
Valerie's POV
Nakayuko pa din ako habang naglalakad. Andaming tumitingin sa amin. Ang iba ay tumitigil sa ginagawa para lamang yumukod na para bang nagpapakita ng paggalang. Napakadami ring tao ang nagpapabalik-balik at mga hindi magkandaugaga kung ano ba ang hinahanap o gagawin.
"Why are you hiding your face?" Napapitlag ako ng marinig kong bumulong sa tabi ko si Rhussel
"H-ha?" Nauutal kong tanong kahit narinig ko naman talaga ang kaniyang sinabi
"Are you deaf or what?" He asked with a pissed look
Hindi ko na rin alam kung bakit nauutal ako tuwing siya ang kaharap at kausap ko. Dahil siguro sa aura nitong nakakatakot at nakakapanindig balahibo.
"S-sorry." Paghingi ko ng tawad
"Tss."
Bastos.
Kapag tumalsik lang talaga sa'kin 'yang laway mo.
Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Wala ni isang nagbalak na umimik sa amin. Tanging ingay lang ng mga nagkakagulo sa paligid ang maririnig mo sa hallway.
"You shouldn't hide your face." Muli nitong bulong sa akin
Lumingon ako sa kanya habang siya ay nakitingin pa rin sa harapan.
"B-bakit?" Kuryuso kong tanong
I am assuming him to give me a compliment or something, but it wasn't it.
"Sayang ang bayad sa makeup artist." Hirit naman nito na ikinasama ng timpla ko
Akala ko naman ay kung ano ang sasabihin.
Wala sa sariling itinunghay ko ang aking ulo. Kasi nga daw 'You shouldn't hide your face.', lalo na't may kung anong mahika na ipinatong si Gwen sa mukha ko.
I can see from the back of my eye, the stares they've been giving me. I walked straight and didn't give them any single glance.
Hindi ako sanay sa mga ganitong pangyayari, sa mortal realm kasi kung sino-sino na lang ang lumalapit sa akin at nagpapakilala. Dito, ay hindi sila makalapit, at parang kasalanan pa nga yata sa kanila ang tumitig ng matagal sa akin.
Tumigil kami sa pinaka-entrance ng event place. May lumapit sa grand entrance na lalaki na nasa mid-30's na nakasuot ng black tuxedo para pagbuksan kami.
Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa stage na nasa harapan. At may lumitaw na isang babaeng nakablack dress at may hawak na mic.
"The event will start in approximately 5 minutes time, sorry for the inconvenience and thank you for understanding." Saad nito sa tapat ng mic bago bumaba ng stage
Nanatili kaming nakatayo sa harapan ng entrance, walang nagtatangkang umimik sa amin. Tanging background music lamang mula sa kung saan ang iyong maririnig. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ring nakatitig sa katabi ko. Ilusyon lamang siguro itong nararamdaman ko.
"Alam kong gwapo ako Valerie, pero hindi mo naman kailangang titigan ako ng ganyan." hirit nito na sadya ko namang ikinapula
"Para kang libro, ang kapal mo." Inis ko namang sabi dito bago ikutan ng mga mata
Rinig ko ang marahang paghagikgik ng mga nasa unahan namin. Pwes kung natatakot sila sa taong 'to, ibahin nila ako.
"That was epic, bro!" Komento ni Darwin habang tumatawa ng malakas
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
FantasyBata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...