VII: A New Beginning
Valerie's POV
"Rise and shine, magandang nilalang!" Gazel shouted from outside the room
"Hmmm" ungot ko at tinakluban ng unan ang ulo
"Bangon na! Sabay-sabay tayong kakain ngayon!" Sigaw niyang muli habang kinakalabog ang pinto ng kwarto ko
"Valerieeeee!" Mahaba at matinis na sigaw nito
Maaga pa masyado pero heto siya at nambubulabog sa akin. Para siyang pumalit kay Aiden. Sinipat ko ang orasan sa bedside table ko. Really? It's 6:12 in the freaking morning!
Tumayo ako at dire-diretsong pumunta sa pinto.
"Valer-" Naputol ang sasabihin niya ng pagbuksan ko siya ng pinto.
"Awww! Ang sakit n'on!" Reklamo nito nang matumba siya sa pagkakasandal sa pinto.
"Sorry, ang aga-aga mo kasi manggising." Paninisi ko pa sa kaniya
Lumabas na ako ng kwarto ko at pikit na dumiretso sa kusina. Sobrang bigat ng katawan at ulo ko. I don't know what's happening to me! Hindi na naalis ang sakit na ito simula nung ma-enhanced ang ability ko.
"Good morning, Valerie!" Bati sa akin ni Farah pagkadating ko sa kusina
"Morning." Walang buhay kong bati sa kaniya
Nanlalambot na talaga ang tuhod ko. Idinilat ko ang mga mata ko, malinaw naman ang nakikita ko pero umiikot ang paligid ko.
Pinilit ko pa ring maglakad hanggang sa makaabot ako sa upuan ko. Hahatakin ko na sana ang upuan nang ma-out of balance ako sa pagkahilo.
"H-hey, are you alright?" Saad ni Chester matapos akong saluhin
"Parang binibiyak ang ulo ko tapos bugbog sarado pa ang katawan ko!" Inis kong sambit at halos mangiyak-ngiyak na
"Pwede ka namang hindi pumasok ngayon, gagawan ka na lang namin ng excused letter." Walang pagaalinlangang sabi ni Farah, napakadali lamang talaga nito lalo na't baguhan pang kagaya ko ang nakakaramdam ng ganito.
"Kaya ko 'to, first day pa naman ng klase." Idinilat kong muli ang mata ko at inalalayan ako ni Chester sa pag-upo.
"Nabigla siguro katawan niyan kaya ganiyan, hayaan n'yo na muna." Singit ni Farah habang nagsasalin ng gatas sa baso at iniabot sa akin.
The Claiming Ceremony was actually 4 days ago from now. After kong magwala sa event at turukan ng pangpakalma ay idineretso nila ako sa ospital. I stayed there for 2 days and a half to keep my ability under control bago nila ako ilipat sa dorm.
May humampas ng kamay sa hapag at doon napunta ang atensyon ko. Nakailang pikit ako para umayos ang paningin ko. Naglapag ito ng isang banig na gamot sa harapan ko.
"You owe me a favor!" May halong inis at hinihingal na singhal ni Rhussel
"Huh?!" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya
Kita ko mula sa gilid ng mata ko kung paano magpigil ng tawa sina Farah na nakaupo lang din sa may hapag. Ano na namang nangyari at wala na naman akong alam?
"Don't 'huh' me! Farah ordered me to get your fvcking medicine from the clinic at 5:30 in the morning!" Inis nitong singhal habang ginugulo ang buhok sa inis
"I-is that my fault?" Takot kong tanong sa kaniya
Agad na nanlambot ang ekspresyon nito. "No!"
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
FantasíaBata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...