I: A Nightmare To Remember
Valerie's POV
Nagising akong pawis na pawis at hinihingal, mabilis rin ang tibok ng puso ko na parang akala mo'y may nagkakarerahan sa loob nito.
Nanginginig rin ang kalamnan ko damay na rin ang kamay ko. Nilulukob na rin ng takot ng buo kong pagkatao dahil dito.
"Buti naman at nagising ka na. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tita Adalia sa'kin habang hinihipo ang aking noo.
Inabutan niya din ako ng isang basong tubig at pinakalma.
"Napanaginipan mo na naman ba ito?" Tanong niya na halata mong nag-aalala dahil sa tono ng boses nito.
Nakakatakot na itong mga napapanaginipan ko. Hindi ko na maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nito. Natatakot na akong matulog dahil baka kinabukasan ay hindi na ako magising.
"Ano ba kasing ibig sabihin ng mga panaginip ko tita?" Taka kong tanong dito habang nanginginig pa rin ang kamay ko
Malungkot itong nakatingin sa akin na mistulang binabasa ang nasa isip ko. Pang ilang beses nang nangyari ito sa akin. Pang ilang beses na din akong hindi mapakali dahil dito.
"Hindi ko rin alam Valerie, mas mabuti siguro na magpahinga ka muna . . . alam kong pagod ka." Malungkot nitong saad habang pinipilit akong ihiga at kumutan.
Tinalikuran na niya ako at kinuha na ang basong ininuman ko kanina. Bago pa man siya makalabas ay may ibinulong siya na hindi ko naman masyadong narinig.
"Alam kong darating din ang panahon at maiintindihan mo ang lahat." Hindi ko masyadong narinig ang binulong ni tita sa sarili niya
Napabuntong hininga na lamang ako sa sagot niya. Alam kong may alam si tita sa nangyayari sa akin, halata mo sa mga mata niya na may tinatago ito.
Palagi na lamang iyon ang sagot niya sa akin pero kahit ganoon ay tinatanggap ko na lamang ito. Sa tingin ko ay ako dapat ang makatuklas nito. Parang may kulang sa pagkatao ko. Parang hindi ako buo. Pakiramdam ko may kulang na malaking parte sa buhay ko.
Siguro dala lamang ito ng pangungulila.
Humiga na lamang ulit ako sa kama at tumitig sa kawalan. May pasok pa ako bukas, sana naman ay patulugin ako ng maayos nito. Ayaw kong tanghaliin at paniguradong makakagalitan na naman ako ng professor ko.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko sabay na rin ng pagsilip ng isang batang lalaki doon. Nilakihan niya ang siwang ng pinto at marahang pumasok.
"Ate Riri... okay ka lang?" Napangiti ako sa nagsalitang iyon, si Aiden pala anak ni Tita Adalia
"Lika dito, tabi ka kay Ate Riri." aya ko dito habang tinatapik ang kama ko
Lumapit ito sa akin at umakyat ng kama, umisod ako ng kaunti para makahiga din siya. Isiniksik niya ang sarili sa akin at sumukob sa kumot na gamit ko.
"Ate sabi po ni mama nibabangungot ka daw po." sabi nito sa akin habang yakap ng mahigpit ang baywang ko.
Talagang alagang-alaga ako ng mga ito kahit na napakalaki ng pagkukulang ko sa kanila. Kayo na lang ang inaasahan ko sa mga panahong gaya nito.
"Hayaan mo na iyon, ang mahalaga okay si ate di'ba?" Sabi ko dito habang nakangiti at maslalo pang hinigpitan ang yakap
"Ate sad po ako, ikaw po?" Saad nito habang nakanguso at talaga namang nagpapa-cute
"Opo sad na din si ate, hinawaan mo ako eh." nakakahawa talaga ang emosyon ng batang ito, dahil na rin siguro sa sobrang close namin.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
FantasíaBata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...