IV: Magic World
Valerie's POV
Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Ano ba naman iyan alam nang may natutulog ang iingay!
Ang lambot ng hinihigaan ko, hindi naman ganito kalambot ang kama ko ah. Matamis pati ang amoy ng kwarto ko, bakit biglang nag-amoy hospital.
" 'Wag kayong masyadong maingay baka magising pagod pa 'yan."
"Shhh . . . Gising na yata."
"Sa tingin ninyo, anong magiging reaksyon n'yan?"
"She'll be surprised for sure."
"Hmmm" ungot ko dahil sa ingay
"Shh, keep your voice down."
"She thinks we're joking."
"You can't blame her, she was raised in the mortal realm."
Tumihaya ako ng posisyon dahil sa pagkangalay. Rinig na rinig ko pa din ang ingay ng mga nag-uusap.
"I feel pity for her, her aunt made her think that her parents are dead."
"I believe her aunt has a good reason."
Idinilat ko ang mga mata ko at agad kong napansin ang kulay puting kisame. Kelan pa kami nagkaroon ng kisame? Kapag gumigising ako bubong agad ang nakikita ko eh.
Napa-upo agad ako nang mapansing hindi ito ang kwarto ko. Dalian kong iginala ang mata ko at napagtantong wala ako sa bahay.
"AHHHHHHHHH!!" Nasaan ako?! Hindi ito ang bahay namin!
Tinignan ko ang kamang hinihigaan ko ngayon. Sh!t. Nasaan ba ako?! Saang lupalop ba ng mundo ako napunta?
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!" Muli akong napa-irit nang makitang iba na ang damit na suot ko.
Inang birhen, anong nangyari sa 'kin?
"Is she going crazy?" Narinig kong bulong nang kung sino
Lumingon ako sa sahig para sana tignan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nakaupo silang lahat sa sahig na parang kanina pa yata akong inaantay magising.
"Are you feeling good now?" Tanong ni Gazel habang yakap-yakap ang mga tuhod
"Nasaan ako?" 'yan ang unang tanong na lumabas sa bibig ko
Ang alam ko nasa sasakyan pa lang kami kanina. Sino nag-akyat sa'kin dito? Don't tell me?
Oh my god, nakakahiya!
Ibig sabihin isa sa mga 'to ang nagbuhat sa'kin papunta dito sa kwarto. Gosh, nakakahiya!
"To your designated room." malamig na sagot nung katabi ni Farah
"What I mean is, anong lugar?" Muli kong tanong dahil hindi ko talaga alam kung nasaan ko
"Magic World" maikling sagot naman ni Darwin
Hindi na yata talaga kami matatapos sa kaka-Magic World nilang 'yan. Hindi naman yata sila na-engkanto eh 'no?
"Pinaglololoko n'yo ba talaga ako?" Tanong kong muli na may halong inis na sa boses ko
"It's true Valerie." pagkukumpirma ni Diannara
Kung totoo man 'to. "S-si papa? Si mama?" Kasi kung totoo nga ang Magic World na sinasabi nila edi ibig sabihin buhay pa sina mama at papa.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
خيال (فانتازيا)Bata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...