[Dahyun's POV]
"Hello, Are you Mr. Kim?" Lumapit sa akin ang isang magandang babae sa kalagitnaan ng pagkain ko.
"It's me, Hi!" Pagbati ko sabay punas sa pantalon ko ng kamay ko bago tuluyang tumayo upang makipagkamay sa kanya.
"Hello, Mr. Kim." Medyo awkward ang pagbati niya sakin. Hindi pa nakipagkamay. Nakakadiri ba ako? Malinis naman na ang kamay ko eh.
"You must be Irene?"
"Hmm. Yes."
"Great, Irene. Please sit down." Kumilos ako upang i-usod ang upuan niya ngunit sa pagmamadali ko, sumala ang pagkakaupo niya dahil sa bagal kong mag-usod nito.
"Ouch! What the hell are you---?!"
"Lah, Gagsti! Sorry!" Akma ko siyang tutulungan tumayo ngunit sinampal niya ang kamay ko dahilan para mapakamot-ulo na lamang ako habang pinapanood siyang tumayo sa sarili niya.
"Mr. Kim, are you serious?!Pinagtitripan mo ba ako?" Iritableng tanong niya sakin.
"Ah. Eh. Irene, let me ex---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla niya akong sinampal sa pisnge. Ni hindi ako nakagalaw o naka-react agad sa lakas ng pagkakasampal niya.
"I have to go. I hope I'll never meet you again, Mr. Kim. You're disgusting!" Nag-walk out siya na para bang hindi niya ako sinampal.
Mabilis pa sa segundo ang pagkakalingon ko patalikod sa kanya nang madulas siya habang papalabas ng pinto. Sana hindi niya nakitang nagpigil-tawa ako. Well, kawawa naman siya. Tutulungan ko sana kaso baka masampal na naman ako.
"Aish. Dahyun, what do you think you're doing?" Biglang lumabas si Sana mula sa private room ng restaurant.
"Sana, ginawa ko naman kung anong iniutos mo sakin."
"Ang sabi ko, hayaan mo siyang ma-fall sayo. Hindi ko sinabing hayaan mo siyang mahulog sa sahig. Alin doon ang mahirap intindihin? Simpleng trabaho, 'di mo magawa!"
"Grabe ka naman. Ikaw kaya gumawa ng ipinagu-utos mo. Kala mo namang madali. Kung pwede nga lang, hindi ko gagawin 'to pero nakiusap ka. Kinulit mo ko."
"Correction, hindi kita kinulit o pinakiusapan ha. Nag-offer ako sayo, tinanggap mo naman."
"Eh kasi naman---"
"Kasi ano?" Mataray na tanong niya sakin.
"Alam mo, Sana. Hindi ko naman kasalanan na ganon pala kasungit ang Irene na 'yon. Hindi ko naman sinasadya na mahulog siya sa sahig. Nasampal pa nga ako eh. Look!"
"Deserve mo naman 'yan."
"Deserve? Seryoso ka ba? Ano ba kasing atraso sayo ng Irene na 'yon?"
"Well, she messed with me when I was 15 years old."
"Sana, 26 ka na ngayon. Ang tagal na pala noon. Ano bang ginawa niya sayo noon?"
BINABASA MO ANG
Mr. Kim's Promise | SaiDa
Fanfiction- Mr. Kim's Promise - "Hindi ko kaya 'to, Sana." "You made a promise to me, Dahyun." "Mga bata pa tayo noon. Don't take it seriously." "Do me a favor, then I'll help you." ••• Date Started: October 31, 2022 Date Ended: