4 : Boots

71 4 3
                                    

[Sana's Pov]

"What are you waiting for?"

"Hmm?" Confused na tanong ni Dahyun habang nakahinto ang kotse ko sa harapan ng bukid nila.

"Gusto mo pa bang buhatin kita pasakay sa kotse? Tatayo ka na lang ba diyan?"

"Ah. Sorry, wait lang ha. Ang aga mo naman kasi."

"Nagrereklamo ka pa. Pasalamat ka nga, dinaanan pa kita dito. Kung 'di kita dinaanan dito, malamang maglalakad ka lang papuntang meet-up place natin."

"Bakit? Concern ka sa akin?"

"Of course not. Mukhang inaantok ka pa talaga, kaya kung ano-anong naiisip mo. Look at yourself, mukha kang naglalakad na muta. Dinaanan na kita dito dahil alam ko naman na wala kang pamasahe." Alam ko naman na 'di niya afford mamasahe araw-araw, kawawang nilalang.

"Alam mo, Sana..." Matapang akong humarap sa kanya na 'di maganda ang tingin sa akin pero wala naman akong pakialam, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Oo, alam ko naman na totoo ang sinabi ko kaya bilisan mo nang kumilos. Ayoko nang kukupad-kupad. Ano na lang ang gagawin mo kung wala ako, diba? Dapat magpasalamat ka sakin eh."

"Sana, hinay-hinay lang sa pagpuri sa sarili mo dahil baka malunod ka sa sarili mong luha sa huli." Napataas ang kilay ko sa kanya. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Bilisan mo na ang pagkilos. Ano pa bang hinihintay mo?"

"Wait, okay? Mag-aayos lang ako."

"Kahit naman mag-ayos ka, wala pa rin magbabago. Mukha ka pa ring walang lig---" Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ko. Tuluyan na siyang lumakad palayo pabalik sa kubo nila.

Ilang minuto rin akong naghintay sa loob ng kotse. Sa tagal niya, nagdesisyon akong bumaba na muna ng sasakyan upang i-check kung buhay pa ba siya sa loob ng kubo nila.

"Oy!" Napalingon ako sa kung sinong nagsalita habang abala ako sa pagsilip-silip sa kubo nila.

"Are you talking to me?" Tanong ko sa kapatid ni Dahyun na nakalimutan ko ang pangalan. Nevermind, hindi naman siya mahalaga.

"Ginagawa mo diyan? Sinisilipan mo ba ang Kuys ko? Kuys! Kuys! Kuys! Binobosohan ka ata ng demonyitang 'to!" Pasigaw-sigaw pa niya kaya naman napa-pamewang ako.

"Ako? Namboboso? Are you out of your mind? How dare you call me demonyita?!"

"Demonyita ka naman talaga. Una sa lahat, masama ang ugali mo. Pangalawa, wala kang respeto sa ibang tao lalo na sa Inay namin kaya gusto kitang tirisin. Pangatlo, parang alipin ang trato mo sa Kuys ko na siyang 'di ko naman mapapalusot. Anong kailangan mo sa Kuys ko?" Aba, palaban pala 'tong kapatid ni Dahyun.

"Wala akong panahon makipag-usap sayo. Pwede bang tumabi ka diyan? Tawagin mo si Dahyun, pakisabi bilisan niya. Sayang ang oras ko."

"Bakit mo ko inuutusan? Ikaw nakaisip, ikaw gumawa."

"You----" Tinalikuran niya na ako't lumakad na palayo. Pasalamat siya't wala akong oras para ipakita sa kanya kung saan siya dapat lumugar.

Habang pinagmamasdan siyang lumakad palayo, nakakita ako ng nahulog na mangga. Babatuhin ko na sana siya kaso biglang sumulpot si Dahyun.

"Sana, anong ginagawa mo? Balak mo bang patayin ang kapatid ko? Bitawan mo nga 'yan." Inagaw niya sa akin ang manggang hawak ko bago ito tuluyang ibato sa isang sulok.

"Agang-aga, pinag-iinit ng kapatid mo ang ulo ko. Ano? Tara na! Napakabagal mo. Sinasayang mo na naman ang oras ko." Lumakad na ako kaya sumunod na siya sa akin.

Habang papalapit sa kinaroroonan ng kotse, bigla akong nadulas sa maputik na nadaanan namin.

"Sana, wait. Maputik diyan. Be care---" Rinig kong sabi ni Dahyun ngunit 'di ko na napigilan ang sarili kong humakbang sa dinaraanan namin.

"Ouch! What the---Yung boots ko!" Muntik na akong bumagsak sa putikan, mabuti na lamang nakabalanse ako nang ayos. Ayos na sana kaso napansin kong naputikan ang boots ko. Napalingon ako sa 'di kalayuan kung saan nakita kong tumatawa ang kapatid ni Dahyun. Napupuno na talaga ako sa hampaslupang 'yon.

"Chaeyoung, tama na 'yan ha!" Rinig kong saway ni Dahyun sa kapatid niya dahilan para tumakbo na ito palayo nang tuluyan. Chaeyoung pala pangalan ng hayp na 'yon.

"Ayos ka lang ba, Sana? May masakit ba sayo? Sabi ko sayo eh, maputik diyan. Tsk." Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Dahyun sa akin para i-check kung okay lang ako.

"Don't touch me. Ayos lang ako, as if namang concern ka talaga. Okay ako, pero hindi okay ang boots ko. As you can see, nadumihan ang boots ko. Bagong bili ko pa naman 'to, itatapon ko na lang. I'll buy a new one later." Sinilip-silip pa niya ang binti ko nang bahagya kung may sugat.

"Seryoso ka ba? Putik lang naman 'yan. Pwede pa 'yang linisin. Bakit mo naman itatapon?"

"At sino ka para magdesisyon para sa akin? Kapag sinabi kong itatapon na, itatapon ko na. Okay? Kung makatanong ka kung bakit itatapon ko na 'to, kala mo namang may magagawa ka. Maibibili mo ba ako ng bagong ganito? Hindi, diba?" Inis na sambit ko sa kanya dahil nagmamarunong siya sa mga desisyon ko.

"Ako na ang bahala diyan." Bigla niyang hinubad ang polo shirt na suot niya na initerno niya sa puting plain t-shirt.

"Teka, ano bang ginaga---" Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya kaya hindi ko na natapos ang sinasabi ko. Pinunasan niya ang putik sa boots ko gamit ang polo shirt na suot niya.

"See? Malinis na ulit. Teka lang, ibabalik ko lang 'tong maduming polo shirt ko sa kubo." Madali siyang kumilos kaya madali rin siyang nakabalik.

"Why did you do that?" Confused na tanong ko. Kasi naman, sinong matino ang gagamiting pamunas ang damit niya para linisin ang gamit ng iba?

"Wala lang, nagmamadali na tayo eh. Let's go." Yakag niya kaya napairap na lang ako sa kanya bago tuluyang sumakay sa kotse. Nagkukunwari na naman siyang matulungan.

"Hey. Let me tell you something. Ang ayoko sa lahat, yung nagbabait-baitan. Subukan mong ulitin yung ginawa mo kanina, tuturuan talaga kita ng leksyon."

"Instead na mag-thank you, tinarayan mo pa ako. Tsk, ikaw talaga." Matipid na sagot niya habang nakaupo sa passenger seat. 

"At bakit ako magpapasalamat? Una sa lahat, hindi naman kita inutusan na gawin 'yon. Pangalawa, hindi bagay sayo magbait-baitan. Pangatlo, mas marumi pa nga ata ang polo shirt mo kaysa sa boots kong naputikan kaya huwag mo na ulit gagawin 'yon. Baka lalo lang masira at madumihan ang gamit ko. Sa ginawa mo, hindi ko na talaga ulit 'to susuutin." Bigla siyang napasinghal sa mga sinabi ko.

"You're really something, Sana. Paano ka kaya kinakaya ng pamilya mo? I can't believe na lumaki ka nang ganyan kahit ang bait-bait ng magulang mo." Napatingin ako sa kanya nang masama.

"Hindi pa ba klaro sayo ang nakikita mo? Mukha bang kasama ko sila ngayon? Hindi, diba? Isa pang babala ko sayo, huwag na huwag mo na ulit silang babanggitin sakin. Sumasakit lang ang ulo ko kapag naaalala sila." Agad ko nang pinaandar ang kotse. Pare-pareho lang naman sila eh. Mapagpanggap, mapanlinlang, at sinungaling. Aasta sila na para bang may pakialam sila sakin, tapos pagmumukhain nila akong masama sa huli.

"Si Irene pa rin ba ang pupuntahan natin?"

"Yes. Bago tayo pumunta sa kinaroroonan niya, dadaan muna tayo ng department store. No choice na naman ako kundi bilhan ka ng susuutin mo sa pagharap muli kay Irene. This time, hindi na renta. Ibibili na talaga kita ng sandamakmak na damit para naman matuto ka nang ayusin ang sarili mo kapag may imimeet ka na ulit. Ewan ko na lang kapag 'di mo pa naayos ang sarili mo matapos kitang bilhan ng damit, sapatos, at accessories na kakailanganin mo." Paliwanag ko sa kanya na nakatingin lang sa akin.

•••

Mr. Kim's Promise | SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon