[Dahyun's Pov]
"Sana, hindi ko naman kailangan 'tong mga gamit na 'to." Pilit ko pa rin kinukumbinsi si Sana na itigil na namin 'tong paglilibot sa department store para bilhin halos lahat ng items na madaanan namin.
"Hindi mo kailangan? Pwes, ako na magsasabi sayo na kakailanganin mo 'yan." Huminto siya sandali para kausapin ako bago tuluyang lumakad ulit para ituloy ang pamimili.
"Ang gastos na natin, Sana."
"Correction, Ang gastos ko. Hindi 'ang gastos natin'. Isa pa, walang gastos-gastos sakin. Basic lang sakin bilhin lahat ng 'yan sa isang araw. Baka nga wala pang isang oras, kaya ko nang bayaran o bilhin lahat ng gusto ko eh." Pagyayabang na naman niya sakin.
"Gustong-gusto mo talagang ipinamumukha sa ibang tao na mas angat ka, right?" Curious na tanong ko sa kanya dahil palagi na lang siyang ganyan. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit marami 'tong kaaway.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Dahyun. Kung hindi mo matanggap na 'yun ang katotohanan, hindi ko na kasalanan 'yon." Napahinto ako sa sinabi niya habang patuloy siya sa paglakad. Hindi ko pa rin mawari kung pinipilit lang ba niya ang sarili niyang maging ganyan, o ganyan na talaga siya ngayon.Naalala ko yung mga panahong bata pa kami. 8 years old ata ako noon, at 6 years old naman si Chaeyoung. Maldita na siya noong 9 years old palang siya, pero hindi ganyan kalala ang ugali niya tulad ngayon.
Flashback
Naglilibot ako sa pilapil sa bukid noong unang beses ko siyang makilala. Batang-bata pa si Chaeyoung, kaya minsan lang siya pinapayagan ni Inay na sumama sa akin sa kung saan-saang parte ng bukid.
Tumatakbo siya sa bawat pilapil na mapuntahan niya habang taimtim ko siyang pinagmamasdan dahil hindi ko naman siya kilala.
Lalakad na sana ako paalis para sabihin kay Inay na may batang naligaw sa bukid namin nang biglang madapa ang batang babae dahilan para mapaiyak siya.
"Hala, Bata! Ayos ka lang ba?" Agad akong lumapit sa kanya.
"Unnieeee!" Rinig kong sigaw ng isa pang batang babae na bigla na lamang din sumulpot sa bukid namin.
"Huhuhu! Tzuyu, ang sakit!" Patuloy na pag-iyak ng batang babae na nadapa.
"Anong nangyari, Sana Unnie?!" Nag-aalalang tanong ng isa pang batang babae na sa tingin ko'y kapatid niya.
"Initulak niya ako. Huhuhu!" Nagulat ako nang isumbong niya ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
"Hala. Teka lang, hindi ko siya initu---Aray ko!" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla akong initulak ng batang si Tzuyu.
"Para 'yan sa pagtulak mo sa ate ko! Subukan mo ulit siyang itulak, ako ang makakalaban mo! Isumbong kaya kita sa magulang namin? Nandyan lang sila sa malapit. Masama kayang mang-away!" Matapang na sabi ni Tzuyu sakin. Masama daw mang-away, tapos inaway ako.
"Kung masama mang-away, bakit mo ako inaway? Hindi ko initulak ang ate mo. Nadapa siya sa pagtakbo. Promise!" Pagdepensa ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/325533106-288-k898293.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Kim's Promise | SaiDa
Fanfiction- Mr. Kim's Promise - "Hindi ko kaya 'to, Sana." "You made a promise to me, Dahyun." "Mga bata pa tayo noon. Don't take it seriously." "Do me a favor, then I'll help you." ••• Date Started: October 31, 2022 Date Ended: