14 : Permission

61 4 2
                                    

[SANA'S POV]

"Sana.."

"Sana?"

"Sana!"

"Gising ka na ba, Sana?"

"Hello, Sana." Napamulat ako sa pagkatok ni Dahyun. Agang-aga, nambubulabog.

"Good morning, Sana." Minabuti kong ipikit muli ang mata ko.

"Knock, knock. Sana, gising ka na ba?" Kunot-noo akong napamulat muli dahil sa paulit-ulit na katok mula sa labas ng kwarto ko, sabayan pa ng paulit-ulit na tawag ni Dahyun sa pangalan ko.

Inis akong bumangon ng kama bago tuluyang buksan ang pinto ng kwarto upang alamin kung anong kailangan niya.

"Ano bang problema mo? Natutulog pa ako eh, istorbo ka."

"Ay, sorry. Gusto ko sanang tanungin kung anong paborito mong pagkain, balak ko kasi sanang magluto ng agahan para makabawi man lang ako sa pag-aalaga mo sakin kahapon."

"Wala akong paboritong pagkain. Kung gutom ka, magluto ka ng gusto mong lutuin sa kusina. Isa pa, huwag mo nga akong istorbohin sa pagtulog."

"Naisip ko kasi na baka malipasan ka ng gutom 'pag 'di ka nag-agahan." Dagdag niya.

"For your information, sanay na ako sa ganitong set-up."

"Magkakasakit ka sa kaka-ganyan mo, Sana. Hindi maganda sa kalusugan 'yan. Tell me, anong paborito mong pagkain? Ipagluluto kita."

"Wala nga, diba? Hindi ka ba nakakaintindi? Isa pa, close ba tayo para mag-share ako ng tungkol sa buhay ko?"

"Ah, eh. Sige, pasensya ka na sa kakulitan ko. Ako na lang muna siguro ang bahala mag-isip ng lulutuin ko para sa'tin."

"Hindi kita pinilit o inutusan magluto ha. Baka mamaya niyan magkalagnat ka ulit tapos masisi pa ako."

"Don't worry, Sana. Ayos na ang pakiramdam ko, salamat sa pag-aalaga mo sakin."

"Sinong may sabi na inalagaan kita? Aso ka ba para alagaan? Sige nga, tahol ka."

"Corny mo naman, Sana." Pabulong niyang sabi.

"May sinasabi ka?"

"Ah, wala. Ang sabi ko, ang dilim sa loob ng kwarto mo. Hawiin mo ang mga kurtina para masikatan naman ng liwanag ang kwarto mo. Kahit ilaw sa kwarto mo, patay eh."

"Wala kang karapatang utusan ako."

"Okay." Matipid niyang sagot sabay pasok sa kwarto ko upang siya na mismo ang kumilos para hawiin ang mga kurtina.

"The hell, Dahyun? Lumabas ka nga! Sinong nagsabi na pwede kang pumasok sa kwarto ko?!"

"Ako, hahaha." Nakangiti niyang sagot sabay tawa matapos hawiin ang mga kurtina.

Sandali akong natahimik habang pinagmamasdan siyang nakangiti sakin matapos tamaan ng liwanag mula sa labas ang kwarto ko.

"Tigilan mo nga ang pagngiti sakin, naiirita ako sa mukha mo."

Mr. Kim's Promise | SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon