9 : Surprise

56 5 3
                                    

[SANA'S POV]

"Mina?!"

"Sana?!"

"Anong ginagawa mo dito, Mina?"

"Bakit ganyan ang itsura mo, Sana?" Napatingin ako sa damit kong ngayo'y basang-basa at puno ng putik.

"Ikaw, bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko rin sa kanya nang mapansin kong basa-basa rin ang damit niya.

"Isa pa, anong nangyari sa buhok mo? Napaaway ka ba, Sana? What happened to you?" Muling tanong niya.

"Trip ko lang, bakit?"

"Trip mo ang ano? Makipag-away? Sana, ayos ka lang ba?"

"Ayos nga lang ako. Tell me, anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa dumating? Akala ko nasa Canada ka? Hindi ka man lang nagsabi sakin."

"Kadarating ko lang kanina. Pumunta muna ako sa bahay-bakasyunan ng pamilya ko bago magdesisyong pumunta dito sa Penthouse mo. Surpresa sana kaso..."

"Kaso ano?"

"May nangyari kanina habang papunta ako dito."

"Tulad ng ano? Sabihin mo na kasi, hindi yung binibitin mo ako."

"May tinulungan ako kanina sa tulay, muntik tumalon kaya basang-basa rin ako ng ulan." Tulay? Muntik tumalon? Wait, parang pamilyar. Hindi kaya...

"Ikaw 'yon?!" Gulat kong reaksyon.

"Oo, ako 'yon. Wait, anong ako 'yon? What do you mean, Sana?"

"Pogi ba yung tinulungan mo?"

"Ha? Ano namang connect ng pagtalon niya sa tulay sa pagiging pogi niya?"

"Just answer my damn question, Mina!"

"Oo, pogi siya. Bakit ba? Type mo?"

"Nasaan siya ngayon? Ang sabi ng mga chismosa kanina doon, nahimatay raw."

"Nasa...Wait, anong chismosa? Kaya ba ganyan ang itsura mo? Sa mga chismosa ka nakipag-away?"

"Hindi na mahalaga 'yon. Sabihin mo na lang kung nasaan siya?"

"Nasa kotse ko."

"Bakit nasa kotse mo?"

"Ah, eh. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin, kaya nga tumatawag ako sayo kanina kaso mukhang busy ka."

"Bestie, hello? Hindi ba uso sayo ang hospital? Nahimatay, dalhin sa hospital. Simple lang, diba?"

"Eh 'di ikaw gumawa." Mabilis na sagot ni Mina sakin.

"What?!"

"Ang ibig kong sabihin, nataranta ako eh. Hindi ko naman in-expect na ganito ang sasalubong sakin kahit na kababalik ko pa lang dito sa bansa. Don't worry, humihinga pa naman siya sa kotse."

Mr. Kim's Promise | SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon