[SANA'S POV]
Sandali akong huminto sa pagmamaneho nang may mapansin akong phone sa passenger seat, hanggang sa napagtanto ko na ito pala ang phone na ibinigay ko kay Dahyun.
"Fvcking Kim Dahyun, pabaya sa gamit." Kung saan-saan niya lang inilalagay ang mga gamit na ibinigay ko, hindi niya ba alam na sobrang swerte niya dahil galing sakin ang phone na 'to?
Ihinagis ko na lang muli ang phone niya sa passenger seat bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Sobrang lakas pa rin ng ulan, gaano kalayo na kaya ang nalalakad niya?
Deserve! Hindi kasi marunong makinig. Pinapadali ko na nga 'tong plano namin, tapos pahihirapin niya pa lalo dahil lang sa bait-baitan mode niya. Naiirita lang ako sa mga ginagawa niya eh.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko, biglang tumunog ang phone ko. Sino ba 'tong tumatawag habang nagmamaneho ako? Abala eh.
Nang makita kong si Mina pala ang tumatawag, sinubukan kong 'wag pansinin ang tawag niya ngunit ayaw talagang tumigil sa pagtawag kaya wala na akong nagawa kundi sagutin ito.
On The Phone:
"Mina, what do you want? Nagda-drive ako."
"I need your help, Sana."
"Help? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Nagda-drive pa ako eh."
"Kailangan ko talaga ng tulong mo."
"Tungkol saan ba 'yan? May problema ka ba diyan sa ibang bansa?"
"Mahabang kwento, Sana. Malapit ka na bang makauwi?"
"Hmmm, Oo."
"Okay, tatawag ulit ako mamaya."
"Ano bang trip 'yan, Mina?!"
End Call
Wait, binabaan niya ba ako ng tawag? Tatawag-tawag tapos ayaw sabihin kung anong problema. Nako, bahala nga siya. Uuwi na muna ako, dahil naistress ako sa araw na 'to.
"Relax, Sana. Gusto lang naman kitang payong-an dahil maulan." Bigla kong naalala ang sinabi ni Dahyun kanina.
Sinabi ko ba kasing payong-an niya ako? Ang tulong lang na kailangan ko sa kanya ay yung pagsama niya sa mga plano ko, wala nang iba.
Bago ko pa mapaandar muli ang makina ng kotse para sa pag-uwi, nahampas ko yung steering whee dahil sa inis. Damn you, Kim Dahyun.
Nagdesisyon akong bumalik kung saan ko siya iniwan. Utang na loob niya sakin 'to, wala pang nakapagpabago ng desisyon ko sa buong buhay ko.
Tatanga-tanga kasi, pabaya sa phone. Huwag siyang mag-assume na babalik ako para sa kanya. Babalik lang ako para ibigay sa kanya 'tong phone dahil importante 'to sa future plans ko. Paano ko siya makocontact kung hindi niya hawak 'to? Diba?
Ilang minuto rin akong nagdrive pabalik, pero wala na siya sa pinag-iwanan ko sa kanya?
Saan naman kaya nagpunta 'yon? Imposible namang nag-taxi 'yon, wala naman siyang dalang pera. Imposible rin na tumawag ng tulong gamit ang phone, nasa'kin 'tong phone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/325533106-288-k898293.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Kim's Promise | SaiDa
Fanfiction- Mr. Kim's Promise - "Hindi ko kaya 'to, Sana." "You made a promise to me, Dahyun." "Mga bata pa tayo noon. Don't take it seriously." "Do me a favor, then I'll help you." ••• Date Started: October 31, 2022 Date Ended: