CHAPTER 2: Ang Pagbabalik

723 11 0
                                        

Samantha POV:

"Ma'am, saan po tayo dederetso?" tanong ni Sandara

"Sa mansyon ko tayo dumiretso. Baka malaman ni Ate kung sa bahay nila Mommy ako umuwi—wala nang surprise 'yon," sabi ko habang nakatingin sa bintana, sinusubukang iwasan ang matinding jetlag.

"Noted po. Manong, sa Forbes Makati tayo deretso," sabi ni Sandara kay Manong Edwin, isa sa mga personal driver ko.

"Sige po, Ma'am," sagot ni Manong habang iniikot ang manibela.

Tumahimik na lang ako at sinandalan ang ulo ko sa bintana, pagod at halos wala nang lakas.

And everything went black...
_____________

Irene Marcos Araneta POV:

Kabababa ko pa lang ng eroplano nang mapansin kong wala na si Samantha. Mukhang umalis na siya kasama ang mga bodyguard niya.

Ano kaya ang apelyido ng batang iyon? Mukhang anak-mayaman din—may secretary at bodyguards pa. Sana makita ko siya ulit.

Habang palabas ako ng airport, narinig ko ang usapan ng mga tao na andito raw si Kuya Bonget sa labas. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Dahil curious ako, diretso na akong lumabas.

Paglabas ko, sumalubong sa akin ang maraming tao. Una kong nakita si Luis kasama ang asawa niyang si Xandra Buenavista. Lumapit agad ako sa kanila.

"Luis!" tawag ko sa anak ko, at agad siyang lumingon.

"Mommy, andito ka na! Kanina pa kami naghihintay kaya nadumog na kami ng mga tao."

"Pasensya na, HAHA. May konting aberya kasi bago mag-take off. Anyway, tara na't puntahan sina Kuya at Manang para makaalis na tayo. By the way, hi Xandra! Gandang-ganda natin ah!" bati ko kay Xandra habang nakangiti.

"Hi, Mama! How's your flight? Kayo rin naman po, maganda—mana lang po kami sa inyo!" sagot ni Xandra.

Tumawa ako habang papunta na kami sa kinaroroonan nina Kuya Bonget at Manang. Kasama din ang asawa kong si Greggy Araneta.

"Bunso, welcome back! Namiss kita," sabi ni Kuya Bonget, kaya natawa ako.

"Miss you too, Kuya! Pero ang OA mo, ilang taon lang naman ako nawala. Hi Manang! Namiss kita, Ate!" sabi ko sabay yakap kay Ate Imee, panganay sa aming magkakapatid.

"Miss you din, Ading. Gumaganda tayo ah, like me! HAHAHA!" sabi ni Ate habang yumakap din.

Pagkatapos, lumapit naman ako kay Greggy, ang pinakamamahal kong asawa.

"Hi, hon! Namiss kita," sabi ko habang hinalikan siya sa labi. Nakakakilig pa rin kahit matagal na kaming kasal.

"Hi, hon. Miss na miss din kita," sagot niya sabay kiss.

Biglang humirit si Ate Imee.

"Respeto naman po sa mga single dito! Nasa airport tayo, hindi sa hotel, Ading!" sabi ni Ate habang nakataas ang kilay.

"Inggit ka lang, Ate! Don't worry, darating din 'yan! HAHAHA!" natatawa kong sagot.

"Hays, ewan ko sa'yo! Tara na nga, Bonget. Naghihintay na si Mommy sa bahay. Ang tagal-tagal kasi ng Ading na 'to dumating," sabi ni Ate at pumasok na sa sasakyan.

Sumunod na rin kami nina Luis, Greggy, Xandra, at Kuya Bonget.
________________

Samantha POV:

"Sam, gising na. Andito na tayo," rinig kong sabi ni Sandara.

Dinilat ko ang mga mata ko, inayos ang sarili, at bumaba ng sasakyan. Namiss ko ang bahay ko! Pagbaba ko, sinalubong ako ng mga bodyguard at ni Manang Lory.

"Welcome back, Ma'am Samantha," sabay-sabay nilang bati. Nginitian ko na lang sila.

"Welcome back, Nak! Kumain ka na ba? May hinanda akong pagkain para sa'yo," tanong ni Manang Lory, ang naging pangalawang ina ko.

Siya ang nag-alaga sa akin simula nang mawala sina Mommy at Daddy.

"Salamat, Manang, pero busog pa po ako. Magpapahinga muna ako. Napagod ako sa biyahe," sagot ko. Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Dara, paakyat na lang ng mga gamit ko sa kwarto, ha. Magpapahinga lang ako sandali," bilin ko kay Sandara bago ako umakyat sa kwarto.

Pagdating ko sa kwarto, nag-skin care muna ako bago humiga. Sinet ko ang alarm sa 6:00 PM dahil pupuntahan ko si Ate mamaya.

Isusurprise ko siya. Pagkatapos ng lahat, nahiga na ako at natulog nang mahimbing.

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now