CHAPTER 49

216 0 0
                                        

SAM POV

Pagpasok pa lang namin sa bahay, ramdam ko na agad ang pagod sa buong katawan ko. Masarap sa pakiramdam na makauwi pagkatapos ng ilang araw sa ospital. Kahit hindi pa ako ganap na okay, mas panatag na ako ngayon—lalo na at kasama ko si Ethan.

"Anak, upo ka muna ha? Ipapahanda ko 'yung kwarto mo para makapagpahinga ka na nang maayos," sabi ni Mama habang inalalayan niya ako papunta sa sofa.

"Thanks, Mom," sagot ko habang muling sumandal kay Ethan. Pakiramdam ko, kahit sobrang pagod ko, gumagaan ang lahat tuwing nandito siya sa tabi ko.

Hinaplos ni Ethan ang buhok ko. "Love, gusto mo bang ipaghanda kita ng kahit anong makakain?" tanong niya, punong-puno ng pag-aalala.

Umiling ako. "Mamaya na lang. Gusto ko lang muna magpahinga."

Narinig kong nag-usap sina Papa at Ethan, at sa tono ni Papa, mukhang medyo lumalambot na siya kay Ethan. Napangiti ako nang marinig ko ang alok ni Papa ng kape kay Ethan—hindi niya 'yon gagawin kung hindi niya ito gusto.

Dumating si Manang bitbit ang tray na may gatas at juice. "Oh, heto na ang gatas mo, Sam. Ikaw naman, Ethan, uminom ka rin kahit juice, iho."

Kinuha ko ang baso at uminom nang kaunti. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako nanghina nitong mga nakaraang araw. Napagod ang katawan ko, pero mas napagod ang isip ko sa dami ng nangyari.

Nang makita kong tahimik lang si Papa at si Tito Bong na nakatingin sa amin, parang nagkaroon ako ng ideya kung ano ang iniisip nila. Alam kong mahirap para kay Papa na tanggapin na hindi na ako bata—na may taong mahal ko na higit pa sa pamilya ko. Pero sa tingin ko, unti-unti niya nang natatanggap si Ethan.

Hinawakan ko ang kamay ni Ethan at ngumiti ako sa kanya. "Love, thank you ha?"

Bahagyang nagtaas siya ng kilay. "For what?"

"Sa lahat," sagot ko habang ipinikit ang mga mata ko. Alam kong kahit anong mangyari, basta kasama ko siya, magiging okay ako.

-------------

Matapos ang ilang linggo ng pagpapahinga, sa wakas ay bumalik na ako sa normal. Hindi madali ang naging proseso ng recovery ko, pero sa tulong ni Ethan, ng pamilya ko, at ng mga taong nagmamahal sa akin, nalampasan ko rin ito.

Ngayon, nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili ko. Excited ako, pero hindi ko rin maitatanggi na kinakabahan ako. Ang plano kong sorpresa para kay Ate Sandra at Kuya Luis ay matagal ko nang gustong gawin, at sa wakas, dumating na ang tamang pagkakataon.

"Love, sigurado ka na ba dito?" tanong ni Ethan habang nakaupo sa kama, pinagmamasdan akong nagbibihis.

Tumango ako. "Yes, love. Matagal ko nang gustong sabihin kay Ate ang totoo. Deserve niyang malaman na buhay pa ang kaniyang mga magulang."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I just want to make sure na ready ka na rin emotionally. This is a big revelation, and we don't know how she will react."

Napabuntong-hininga ako at ngumiti. "Alam kong magiging mahirap para sa kanya tanggapin ito. Pero mas mahirap kung habambuhay siyang mabubuhay na hindi alam ang katotohanan."

Niyakap ako ni Ethan nang mahigpit. "I'm always here for you, love. Kahit anong mangyari."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you, love. Let's do this."

AT THE FAMILY GATHERING

Nasa malaking dining hall na kaming lahat—ang buong pamilya namin, pati sina Kuya Luis at Ate Sandra. Masaya ang ambiance, puno ng tawanan at kwentuhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now