Samantha POV
Finally, andito na ako sa bahay ko malapit kina Tita Irene. Kita ko sa bintana ng kwarto ko na umalis na sila, kaya nag-ayos na ako ng gamit para pumunta sa kanila. May surprise akong hinanda—magluluto lang naman ako ng paborito nilang caldereta at kare-kare.
Pagdating ko sa bahay nila, nag-doorbell ako.
"Dingdong... Dingdong..."
Sakto namang lumabas si Manong Guard. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi po, Manong! Good morning!" bati ko, masigla.
"Good morning din po, Ma'am Sam! Nakauwi na pala kayo. Pero pasensya na po, wala po si Ma'am Irene. Kakalis lang nila kasama ang buong pamilya," sabi niya.
"Okay lang po! Actually, surprise po talaga ito. Ang alam lang po ni Kuya Sandro na andito ako, kaya huwag niyo pong sasabihin, ha!" biro ko habang nakangiti.
"Ah, ganun pala, Ma'am. Sige, pasok na po kayo. Si Manang nasa loob, nag-aayos siya."
Pagpasok ko, sinalubong agad ako ni Manang.
"Ay, Diyos ko, Sam! Ikaw pala 'yan! Kailan ka pa nakauwi, ha? Bat di ka nagsabi? Sana naman nag-prepare kami para sa pagdating mo!" sunod-sunod niyang sabi habang natatawa ako.
"Manang, gusto ko kasi surprise. Huwag nyo po sasabihin kina Tita Irene, ha? Magluluto lang ako para sa kanila at sa noche buena ko sila isusurprise."
"Ikaw talagang bata ka, ang sweet mo talaga. Miss na miss ka na ng Tita Irene mo! Tara, tulungan na kita sa kusina."
Sandro POV
Pagkatapos ng misa, nag-text agad ako kay Sam na paalis na kami ng simbahan. Ang sabi niya, yayain ko muna sila gumala para may oras siyang maghanda. Kaya sinabi ko kay Dad na may dadaanan muna ako.
"Saan mo gustong dumaan, anak?" tanong ni Dad habang nagmamaneho.
"Bibili lang po ng bulaklak, may pagbibigyan," sagot ko, na medyo kinakabahan.
Biglang nagbiro si Tita Irene. "Mukhang may girlfriend ka na, ha?"
Napangiti na lang ako. Hindi nila alam na para kay Sam ang bulaklak. Surprise kasi ito ng bunso naming pasaway.
Samantha POV
Natapos din kami ni Manang sa pagluluto ng kare-kare at caldereta. Nag-text si Kuya Sandro na paalis na raw sila ng simbahan pero may dadaanan pa. Kaya nagmadali na akong mag-ayos ng mga regalo sa guestroom.
Nakita ko mula sa bintana na dumating na ang sasakyan nila. Pero tahimik lang ako sa kwarto, hinihintay ang tamang oras para bumaba.
Manang POV
Pagdating nila Irene, nakita agad nila ang nakahandang pagkain sa lamesa.
"Manang, ang dami namang putahe. Sino nagluto nito? Di ba tayo-tayo lang naman ang kakain?" tanong ni Irene, halatang nagtataka.
"Ah, ako na po ang nagluto, dagdag lang sa handa natin," palusot ko.
Siyempre, hindi nila alam na si Sam talaga ang nagluto.
Samantha POV
Habang nagkakasiyahan sila sa baba, nakikinig ako mula sa kwarto. Tumawag ako kay Ate Xandra para lokohin sila.
"Hi, Ate! Merry Christmas! Miss na miss ko na kayo," sabi ko sa call.
Natahimik silang lahat, halatang nagulat.
"Sam! Uwi ka na! Miss ka na namin!" malungkot na sabi ni Ate.
"Gusto ko rin po sana, pero busy pa rin dito. Bawi na lang po ako next time."
Narinig ko ang lungkot sa boses nila, kaya mas na-excite akong bumaba para i-surprise sila.
Pagkatapos ng tawag, bumaba ako nang tahimik. Nasa kusina sila lahat, naka-back sa pinto. Lumapit ako nang dahan-dahan.
"Gusto niyo po pala akong makasama sa noche buena, ha?" sabi ko bigla.
Lahat sila lumingon, gulat na gulat.
"SURPRISE!" sigaw ko habang nakangiti.
Lumapit agad si Tita Irene, umiiyak. "Ikaw talagang bata ka! Ang tagal namin hinintay 'to!"
"Hi, Ateee!" nakangiti kong bati kay Ate Xandra sabay yakap sa kanya. Pagkatapos, lumapit naman si Tita Imee at yinakap din ako. Sunod-sunod na rin silang lahat—sina Tita Liza, Tito Bong, at ang mga Manotoc, Araneta, at Marcos boys—maliban kay Kuya Sandro.
"Hi, bubwit! Namiss kita!" sabi ni Tita Imee habang nakangiti.
"Hii, Manang Josefa! Miss you too po!" pang-aasar kong sagot kay Tita Imee, kaya sumimangot siya. Lumapit naman ako kay Mama Meldy, nagmano, at yinakap siya. Huli kong nilapitan ang kasabwat kong si Kuya Sandro, na may dala pang flowers para sa akin.
"So, son, sa kanya pala yung flowers? Eh di alam mo nang uuwi si Sam dito! Bakit di mo sinabi sa amin?" kunwaring tampo ni Tito Bong, kaya natawa na lang kami ni Kuya Sandro. Ang iba naman, nakatingin at naghihintay sa magiging sagot ni Kuya.
"Well, sorry, Pops, pero idea ni Sam 'yon. Tinulungan ko lang siya! HAHAHAHA!" natatawang paliwanag ni Kuya Sandro.
"Ay, ganon? So hindi na kami favorite na kuya mo, Sam? Kakahiya naman," kunwaring malungkot na sabi ni Kuya Alf, kaya tumawa na lang ako at yinakap siya.
"Syempre po, favorite ko kayong lahat! Pero mas favorite ko si Kuya Sandro. Hehe!" biro ko sa kanila. Bigla nilang ginulo ang buhok ko, kaya napapout ako habang nagtatawanan silang lahat.
"Tara po, kain na tayo! Gutom na po ako, eh... hehe," sabi ko sa kanila habang nakanguso. Tawanan pa rin sila, hay! Kanina ang lungkot-lungkot nila, pero ngayon, ako na ang pinagtripan.
Umupo na kami sa hapag, at pinatabi ako ni Tita Irene sa kanya. Nagdasal muna kami bago magsimula ang masayang salo-salo.
YOU ARE READING
THE REAL & ONLY DAUGHTER
FanficSamantha Buenavista / Samantha Maria Victoria Araneta: The youngest and most successful woman in the business industry Adopted sister of Xandra Buenavista Youngest daughter of Irene Marcos Araneta and Greggy Araneta The only granddaughter and girl c...
