Samantha POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nang magbakasyon kami sa Ilocos. Nakabalik na rin kami sa Maynila, pero simula noong natapos ang vacation namin, hindi na ulit kami gaanong nakakapag-usap nila tita Irene at tito dahil sa mga kanya-kanyang ginagawa. Lalo na't magpa-Pasko na—Dec 25 na bukas.
Ngayon, andito ako sa US kasi may inaasikaso akong DNA result. Bukas ko pa malalaman ang resulta, pero sigurado na akong uuwi din ako. Surprise ang plano ko kaya hindi ko pa sinasabi kahit kanino. Tatawagan ko muna si Kuya Sandro para gawin siyang kasabwat.
Convo sa tawag:
"Hi, Kuya San!" bungad ko kay Kuya Sandro.
"Hello, Sam! Miss ka na namin. Kailan ka uwi? Mag-December 25 na bukas. Mas masaya 'pag nandito ka!" sabi niya, halatang excited.
"Miss ka rin, kuya. Pero about sa pag-uwi ko, hindi pa ako sure kung kailan. Ang dami ko pang inaasikaso dito, hay," pagsisinungaling kong sabi. Kailangan kong itago ang surprise.
"Sayang naman! Buong family magsasama-sama bukas." Malungkot ang tono niya kaya natawa ako nang konti.
"Haha. Anyways, speaking of gathering, saan ba kayo magsasama-sama? Sa Ilocos ba ulit o sa bahay niyo lang?" tanong ko.
"Napag-usapan na sa Ilocos na lang daw. Alam mo naman si Mama Meldy. Bakit mo naitanong?" tanong ni kuya, halatang nagtataka.
Napatigil ako saglit. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ang plano ko o hindi.
"Sam? Andyan ka pa ba?" tanong ni kuya sa kabilang linya.
"Ah, yes! Sorry, kuya. Anyways, may kasama ka ba dyan ngayon o may malapit sa'yo?"
"Wala naman. Andito ako sa kwarto ko. Bakit? May sasabihin ka ba?"
"Well, uhhm... Oo. Pero promise, wag mong ipagsasabi. Kokotongan talaga kita pag ginawa mo."
"Haha! Sige na, spill na."
"Okay, ganito. Balak kong umuwi bukas... pero surprise sila tita at ate. Kaso baka hindi ko magawa kung ako lang mag-isa, kaya ikaw na ang kasabwat ko, HAHAHA!"
"Talaga!? Sige, payag ako! Tulungan kita bukas. Ako na rin ang susundo sa'yo sa airport. Pero ano bang plano mo?" Excited niyang tanong, parang bata.
"Ganito ang gagawin natin. Pagdating ko sa airport, sunduin mo ako. Tapos dadaan muna tayo sa bahay ko sa Forbes—yung mansion na parang walang nakatira. Sa akin 'yon, by the way, haha!"
"Ay, sa'yo pala 'yon? Kaya pala pag nadadaanan namin, akala namin abandonado. Ang ganda pa naman," sagot ni kuya.
"Yup! Pagkatapos nun, yayayain mo sila tita at ate gumala o mag-simba. Text mo ako pag nakaalis na kayo sa bahay nila tita. Ako naman, magluluto sa bahay nila para sa surprise ko. Tapos, kunwari nasa US pa ako—magre-record pa ako ng video para hindi nila mahalata. Pero in reality, nasa guestroom na ako nila tita Irene!"
"Wow! Mukhang pinag-isipan nang mabuti ah, haha! Pero sige, tulungan kita. Ingat sa flight mo at text mo agad ako pag nakarating ka na."
"Got it! Thanks, Kuya San. See you tomorrow!" paalam ko bago ibaba ang tawag. Agad akong nag-ayos ng gamit dahil mamaya na ang flight ko.
Irene POV
Andito kami ngayon sa Forbes. Simula nang umuwi kami galing Ilocos, hindi na ulit kami nagkikita o nakakapag-usap ni Sam. Balita ko, nasa US daw siya at may inaasikaso. Hanga ako sa batang 'yon—marunong na siyang mabuhay mag-isa. Sana makasama namin siya sa Noche Buena, pero mukhang malabo.
Habang iniisip ko 'yon, nagluluto muna ako para sa noche buena namin. Pagkatapos naming magsimba mamaya, ihahain ko na lang ang mga pagkain para sama-sama na kaming lahat.
Samantha POV
Nakalapag na ang eroplano sa Pilipinas. Paglabas ko ng airport, nakita ko agad si Kuya Sandro na kumakaway sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Hi, Kuya San!" bati ko.
"Hi, Sam! Kamusta ang flight?" tanong niya.
"Okay lang naman. Nakakapagod, pero smooth ang biyahe. Anyways, asan sila ngayon?"
"Andoon sila sa Forbes, naghahanda. Pupunta daw kami sa simbahan mamaya. Kaya may pagkakataon ka pang magluto sa bahay nila tita," sagot niya.
"Buti di sila nagduda sa'yo nung umalis ka?" tanong ko.
"Nagtanong nga sila, pero sabi ko may aasikasuhin lang. Tara na, baka magtaka sila kung bakit ang tagal ko. Magpahinga ka muna saglit pagdating sa bahay mo."
Tumango na lang ako at sumakay sa kotse ni Kuya Sandro. Papunta na kami sa Forbes
YOU ARE READING
THE REAL & ONLY DAUGHTER
FanfictionSamantha Buenavista / Samantha Maria Victoria Araneta: The youngest and most successful woman in the business industry Adopted sister of Xandra Buenavista Youngest daughter of Irene Marcos Araneta and Greggy Araneta The only granddaughter and girl c...
