CHAPTER 4: Discovering the Truth

597 13 2
                                        

Sam's POV

Habang pumipirma ako, naisipan kong buksan yung box. Medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Pagbukas ko, binasa ko siya ng mahina.

Dear Samantha:

Hi anak, alam kong mababasa mo ito pag wala na kami ng daddy mo. Sorry kung iniwan namin kayo ng ate mo. Sorry din kung hindi namin sinabi sa inyo ng maaga ang sakit namin, at alam kong ikaw ang pinaka-nasaktan sa inyong dalawa dahil ilang taon ka palang. Pero alam kong malakas at matatag ka. Ang kilala naming Samantha ay masiyahin, malakas, at matatag. Alam namin matalino kang bata at hindi ka papabayaan ng ate mo. Makakapagtakbo mo ng ayos ang kumpanya natin at hindi mo papabayaan ang pinaghirapan natin. Pasensya na kung nangulila ka sa amin ng daddy mo at hindi namin nasubaybayan ang paglaki mo at pagiging successful mo. Masaya kami kung nasan ka ngayon dahil alam naming pinaghirapan mo 'yan.

At may ipagtatapat sana ako, pero maiintindihan naman kita kung magagalit ka sa amin. Mahirap din naman kung malalaman mo, lalo na kung wala na kami. Hindi ko kasi kaya na makita kang umiiyak dahil doon. Ang ipagtatapat sana namin, Sam, hindi kanamin totoong anak. May nagbigay lang sa amin ng isang babae. Kala namin, papahawak lang, kasi may ihahatid daw siya. Pero inabot na ng ilang oras, hindi na siya bumalik. Kaya naisipan namin ng daddy mo na ampunin ka. Gusto rin namin magkaroon pa ng isa, kaso hindi na pwede. Kaya sobrang saya namin nung dumating ka, at tuwang-tuwa din ang ate mo noon kasi may aalagaan siya. Hindi namin kilala ang totoo mong magulang, pero kahit ganon, tinuring ka naming anak at kadugo. Hindi na importante kung hindi ka namin kaano-ano. Ang mahalaga, masaya ka, at masaya tayong pamilya.

Pasensya na kung hindi namin ito nasabi sa'yo agad. Natatakot kami na baka kamuhian mo kami at umalis ka. Hindi kaya ng daddy mo iyon. Kayo ni ate ang nagbibigay ng saya sa amin. Pasensya na kung ngayon mo lang ito nalaman. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Lagi kayong mag-iingat magkapatid. Magmahalan kayo at wag nyo papabayaan ang kumpanya natin at ang bahay. Dahil 'yan na lang ang alaala namin sa inyo. Mahal na mahal ka namin, Sam. Lagi mong tandaan 'yan.

From,
Mommy at Daddy 👨‍💼👩‍💼

Naluluha at nalilito ako habang binabasa 'yun. Bigla akong nanghina sa nalaman ko. Kaya binalik ko lang yung sulat sa box, habang nagtataka kung sino nga ba ang tunay kong magulang. Bakit parang hindi nila ako hinahanap? Hindi ako galit, lalo na kay ate. Hindi sila nagsisisi na inampon nila ako. Hindi ko makakamtan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila. Kaya sobrang saya ko na naging magulang ko sila, kahit na hindi kami magkadugo. Pero ngayon, kailangan kong malaman kung sino talaga ang magulang ko. May posibilidad na si tita ang totoo kong magulang. Kasi, kahit ibang tao, pansin na medyo hawig kami. Pero bakit parang hindi nila ako hinahanap?

Isang tanong na pumapasok sa isip ko: Kung sila nga ba ang tunay kong pamilya, hindi ko na sasabihin sa kanila. Ayokong guluhin sila. Ang mahalaga, nandiyan sila at nakikita nila ako bilang si Sam, hindi bilang anak nila. Hindi ko rin gusto magdulot ng problema kay tita Irene, lalo na't may sakit ako na hindi alam ni ate Xandra. Na hindi ko na rin alam kung bakit bumabalik. Baka nga dahil sa stress at pagod. Kaya pupunta ako kay tita Irene mamaya, para magpa-DNA test ng pasikreto. Baka doon ko malaman ang mga sagot.

Bago ako tumuloy, may tawag ako mula kay Alex.

"Ye-yes, Alex, may kailangan ka ba?" sabi ko habang humihikbi, pero sinubukan ko hindi ipahalata.

"Ok ka lang ba? Bat parang naiyak ka?"

"Ok lang ako, sinisipon lang, pero pahinga na lang din pagkatapos. May sasabihin sana ako."

"Sure ka? Pahinga ka na muna, after. Ang sasabihin ko sana, may emergency sa France. So, next week na lang tayo mag-gala, or kapag natapos na 'yung problema. Sorry ha, kakauwi ko lang."

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now