Samantha POV:
Andito ako ngayon sa puntod nila Mommy at Daddy. Miss na miss ko na sila, kaya naglagay ako ng mga bulaklak para sa kanila.
"Hi, Mommy, Daddy, super miss ko na kayo. Bakit niyo kami iniwan ng maaga ni ate? Thank you sa pagkupkop niyo sa'kin, kahit ngayon ko lang nalaman na kadugo pala ako. Pero pinaramdam niyo pa rin sa'kin na anak niyo ako. Thank you din po sa pag-aalaga at pagmamahal. Sana po okay kayo diyan at bantayan niyo kami lagi. Promise, aalagaan ko ang sarili ko, lalo na ngayon, at aalagaan ko ng maayos ang kumpanyang iniwan niyo sa'min ni ate. I love you both po," sabi ko habang humihikbi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon, lalo na't unti-unti na naman bumabalik ang sakit ko. Ayaw ko magsabi kay ate, ayaw ko nang dagdagan pa ang problema nila.
Matapos magmuni-muni, naisipan kong umalis na, pero bago ako umalis, nakita ko sila tita Irene. Kumpleto silang lahat. Sana sila na lang ang tunay kong magulang. Pero kung ganun, sa tabi na lang ako nila bilang Samantha. Ayaw ko nang dagdagan ang problema nila, mas mabuti pang kilala nila ako bilang Samantha at hindi bilang tunay nilang anak. Bago pa nila ako makita, umalis na ako at pumunta sa mansion ko.
Pagdating ko sa mansion, sinalubong ako ni Sandara na may pag-aalala sa mukha. Ano kayang nangyari sa babaing ito?
"Sam, anong nangyari sa'yo? Bat naiyak ka?"
"Wala, galing lang ako sa puntod nila Mommy. Bakit, may problema ba?"
"Actually... uh-uhm... pano ko ba sasabihin..." kinakabahang sabi niya.
"Kasi ano? Deretsuhin mo na kaya."
"Kasi, Sam, may gustong magpabagsak sa kumpanya niyo ni ate, lalo na kay Sir Greggy, at pati na sa sarili mong kumpanya. Lalo na't hindi nagpapakita ang totoong may-ari nito kaya gusto nilang pabagsakin ang kumpanya mo," mahabang paliwanag niya.
"Okay, okay, salamat sa info. Sa kumpanya ko ako na bahala. Sa Buenavista, sabihin mo kay ate ang problema, ikaw at ang kapatid mo tulungan niyo siya. Ako na bahala sa akin. Magpatawag ka ng meeting, sabihin mo utos ko bilang part ng Buenavista. Ako na bahala sa kumpanya ko, may magandang mangyayari mamaya," sabi ko habang nakangisi. May isang shareholder na traydor sa kumpanya ng CMA (Celestine Marcos Araneta), Buenavista at Araneta company. Pagkatapos kong magsalita kay Sandara, umakyat na ako sa kwarto ko at tinawagan ang butler ko para siya ang maging representative sa CMA. Hindi ko pa kayang magpakita sa ngayon kasi wala pa tayo sa exciting part.
Calling Butler John...
"Yes, Ma'am, may ipapagawa po ba kayo?" sabi sa kabilang linya.
"Hi Butler John, actually, yes. Magkakaroon ng meeting ngayon ng lahat ng stockholders at shareholders ng bawat kumpanya, at gusto ko ikaw muna ang maging representative ng CMA. Hindi pa tamang panahon para magpakilala ako sa kanila."
"Noted, Ma'am. Ako na bahala sa lahat. Mag-iingat po kayo."
"Okay, salamat, mag-ingat ka. Bye," saka ko binaba ang telepono. Humiga saglit at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
IRENE POV:
Andito kami ngayon sa libingan ni Daddy. Dinadalaw namin siya kanina, habang nagsasaya kami, may nakita ako sa bandang dulo. Parang si Sam. Tatawagin ko na sana siya, pero bigla siyang umalis. Mukhang pagod o may nararamdaman. Miss ko na yung bata. Hindi ko alam, pero kapag kasama ko siya, parang kumpleto ang pamilya ko. Komportable ako pag kasama ko siya. Sana siya na lang ang nawawala kong anak. Kung nagtataka kayo, may anak akong babae. Siya ang unica hija namin, kaso nagkaroon kami ng trahedya nung araw na nanganak ako. Hindi namin inanunsyo sa media dahil baka mas lalo pa naming hindi siya makita. Pero ngayon, patuloy pa rin namin siyang hinahanap.
YOU ARE READING
THE REAL & ONLY DAUGHTER
FanficSamantha Buenavista / Samantha Maria Victoria Araneta: The youngest and most successful woman in the business industry Adopted sister of Xandra Buenavista Youngest daughter of Irene Marcos Araneta and Greggy Araneta The only granddaughter and girl c...
