Chapter 10: 𝙱𝚛𝚎𝚊𝚔𝚏𝚊𝚜𝚝 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝙻𝚞𝚌𝚊𝚜
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may bisita sa labas. Alas sais-trenta palang ah.
"Wake up sleepy head," saad ni lucas.
"I'm up!" naiinis na sigaw ko. Nagluluto kasi ako at medyo inaantok pa. Heto naman siya at kinukulit ako. Kasama niya si Aena na patawatawa lang na nakatingin sa amin.
Nandito daw sila dahil nangako daw akong lulutuan sila. Hindi ako nangako. Niyaya ko lang sila kung gusto nila.
"Doon ka nga Lucas. Istorbo ka!" inis kong saad na nakapag patawa sa kanya. Nakakainis. How can he laugh his ass out like that. While I'm here, screaming on the top of my lungs because of annoyance. Ginugulo niya kasi ako sa pagluluto.
I cooked ginataan pero sakto lang sa kanilang apat. Hindi na ako kakain since kulang ang sahog at hindi ako gutom. Nagluto rin ako ng adobong kangkong. Very filipino right? Waffles lang ang akin at ipinagluto ko rin sila.
"Hindi ko alam kung kumakain kayo niyan o alam niyo kung ano iyan. Bahala kayo basta yan ang niluto ko." saad ko.
"I don't know what is that but I bet it's delicious." saad ni Lucas na ikinatango ni Aena.
"Baka ate namin yan." saad ni David na nakangisi.
"I wish I have an ate too." wala sa sariling saad ni Aena. Napatingin ito sa amin.
"I can be your sister naman..." saad ko.
"In law?" she said meaningfully. Naiiling nalang ako.
"Hindi naman natin kailangang maging magkapatid sa batas? Magpapaampon ka ba sa akin? Kung oo 'wag na. May mga kumag pa akong binubuhay." saad ko na para bang iba ang iniisip.
"That's not what I meant. Nevermind." natatawa niyang saad.
"Aray... Batang kumag!" saad ni Dale saka tumatawang tumakbo papunta sa amin dahil binatukan niya si David.
"Lakas ng tama mo pre ah!" saad naman ng kambal niya.
"Magsitigil nga kayo, " nakangiting saad ko.
I looked at Lucas. He's smiling a bit while helping me washing the utensils before we use it.
"Kain na kambal," pagyaya ko dahil naghaharutan ang mga ito. Tumatawa lang si Aena na nakatingin sa kanila.
Nagkanya kanya sila ng upo. Tumikim si Lucas sa inadobong kangkong. I looked at him nervously dahil baka hindi nito magustuhan... Ano naman kung di niya magustuhan Stephanie? Daig mo pa ang asawang ipinagluto ang asawa at natatakot na baka hindi nito magustuhan. Mas lalo akong naiiling sa naisip. Tapon ko kaya itong utak ko?
"It taste good." saad niya. Nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti.
"I love it." saad ni Aena. Wala namang rection ang kambal dahil sanay na sila rito. Nagsimula nalang din akong kumain hanggang sa natapos kami at niligpit ko ang mga pinagkainan.
"Ako na ang maghuhugas," presinta ni Lucas.
"Naku hindi na... Ako na!" saad ko.
"I can do that." saad naman nito.
"I didn't ask if you can," masungit kong saad. Nandoon ang tatlo sa sala nanonood. Naglalaro naman ng Call of Duty sina Aena at Dale.
"Doon ka nalang Lucas. Kaya ko na rito"
"But-"
"No buts." saad ko at nagsimulang hugasan ang mga ito. Umupo siya sa isa sa mga upuan sa bar counter at tiningnan ako habang naghuhugas.
BINABASA MO ANG
CSP#1: Behind That Mask
RomanceStephanie Alejandrino's life was messy and chaotic as hell. She's having a hard time raising her two siblings, she has a lot of taxes and tuition fees to pay, and even her parent's debt. Lucas means bringer of light... But, will her chaotic life re...