Ellise's POV
Kagabi pa ko hindi makatulog dahil sa mga nalaman ko sa pagkamatay ng estudyante ko. Inaral ko ang background ni Ashton.
Si Ashton ay laki sa puder ng kanyang nanay na may ibang kinakasamang lalaki dahil hiwalay na to sa tunay na tatay nito, may 5 kapatid at pang tatlo sya sa mga ito. Sa murang edad may record na rin to sa pulis sa kasong holdapping, carnapping, snatching lahat na ata ng may -ing sa dulo na masasamang gawain na gawa na nya.
Siguro gawa ng kahirapan, kase ayon sa mga junior agent na inutusan ko rito ay nagugulpi si Ashton ng stepfather nito pag walang nabibigay na pera araw-araw, lulong sa droga, sugal at inom ang stepfather nito. Ang nanay naman nito ay nasa bingguhan lagi.
Napailing nalang ako sa mga nalaman ko. Kulang sa aruga at kalinga ng magulang. Kailangan kong makausap to.
Sa lalim ng iniisip ko nakarating na pala ako sa room.
"Good morning class""Good morning Miss Ellise"
"You may take your seat"
"Maam, ano na pong nangyare sa kaso ni Jane" ang tanong sa akin ni Quinn. Ang chismosa naman nito. Pulis nga nag iimbestiga pa, ano pa kaya ako 🥴. Nakita kong yumuko si Lucian.
"As of now, nag iimbestiga pa ang mga pulis. Ipaubaya nalang natin yun sa kanila"
"Waaaaahhh, ang scary naman kung may killer sa school. I should tell to my mother to transfer nalang ako sa St. Benedict Academy. Like duh, Jane is dead here." Sabi ni Quinn. Ang arte -_____- kung di ko lang to estudyante to nasampulan ko na ito ee.
"I guess natin sinong killer." Sabi ng iba. "Oo nga"
"Ako may guess na. I guess it Lucian. Look Lucian always wear black, mostly killer in kdrama wear black ee and beside he is a gang leader, he can do murder" Sydney said.
"Ahhhhh. We have a murderer classmate aaaaah"
"Hindi totoo yan! Hindi ko pinatay si Jane. Inosente ako. Kung ako man ang killer ikaw ang isusunod ko dahil jan sa dila mong ang daming sinasabi" Lucian said
"STOP!!! Sydney say sorry to Lucian."
"What?! Why would I?!" Pairap na sabi ng dalagita. Napaismid din ako sa sinabi nito. Mga mayayaman nga ang sasama naman ng ugali. Hindi ba tinuruan mga to ng GMRC sa bahay? -___-
"Dahil pinagbintangan mo sy---"
"Eh totoo naman baka nga sya ang pumatay dahil defensive sya"
"Once you interup me while talking, I will sure that you'll have to clean the CR of boys and girls" lukong bata to ahh. May kalalagyan talaga to sa akin.
"Sorry miss" oh edi tutungo ka ngayon sa akin.
"Mag sorry ka kase, una, wala ka namang proof na siya ang pumatay kay Jane. Pangalawa hindi porket nakasuot ng black sya na ang pumatay. Ibig sabihin pag nag suot ka ng black isa karin killer? Pangatlo. Wag tayong magconclude na may killer dito sa school dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon. Oh what are you waiting for Sydney?" Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi uubra sa akin mga kaartehan nyo hehe
"Sorry Lucian, miss is correct. I dont have any proof to say that. I really sorry" mukha namang sincere sya. Natakot ko ata 🤣
"You also." Sabay turo kay Lucian.
" What?" Aba pinagtanggol na kita wwhatin mo pa ko. Mga bata ngayon 🤦🏻♀️
"Say sorry to Sydney. Dahil sinabi mong isusunod mo sya"
Natahimik sya. Tinignan lang nya ako. Inantay ko syang magsalita. Hayyy. Ang taas naman ng pride ng bata to. "Lu---- ." "Sorry Sydney. What I did is wrong too"
Yieee ngumiti ako kase nakita kong namumula si Lucian. I smell fishy sa dalawang to dahil inirapan lang sya ni Sydney na medyo may ngiti. Koooowww may gusto sa isat isa. Yare kayo sa akin. Ililipat ko kayo ng seating arrangement🤣
Pero di nakatakas ang nakakalukong ngiti ni Ashton sa akin. Anong tinatago mo Ashton?
"Okay let's proceed to our lesson"
-------------------
Natapos ang klase namin ng matiwasay kahit kahit naman ganto ugali ng mga estudyante ko magagaling naman to nag eexcell sa lahat ng subject nila, medyo bagsak nga lang sa GMRC 🤦🏻♀️
Naglabasan na mga estudyante, huling lumabas si Ashton.
"Ashton, pwede mo ba akong tulungan dalhin to sa faculty?"
"Sige po Ma'am." Sabay ngiti nya sa akin
"Thank you Ashton" tinapik ko sya sa may balikat nya. "Kamusta ka naman nak?"
Parang nagulat sya sa tanong ko. "Okay lang naman po Maam" ngumiti sya pero yung mga mata nya parang ang daming gustong sabihin. "Hindi ka ba nahihirapan sa studies mo?"
"Naku maam. Kayang kaya ko po"
Tiwala naman ako sa sinabi nya dahil kahit nalalate etong batang to dahil nagsstudent working sya ay nakakasabay sya sa mga kaklase nya. "Wag pabayaan ang grades ha para pasok ka pa rin sa scholar"
"Oo naman maam, Pangarap ko pong makatapos ng pag aaral at makaahon sa buhay"
Napangiti ako ng pagak. Nakikitaan ko ng pag asa ang bata pero bakit nya nagawa ang bagay na yun?
"Anak, pag may problema ka, magsabi ka lang ha? Tawagan mo ko o di kaya puntahan mo ko sa faculty, okay?"
Natahimik sya. Napatulala. Parang may gustong sabihin.
"Maam may sasab---" "Maam Ellise"
"Oh Sir Blade?"
Bat ba bigla nalang nasulpot tong bading na to? Tumingin sya kay Ashton. Ano kayang problema?
"Ashton, ako na tutulong kay Maam Ellise mo malapit na rin naman ang faculty" sabi ni Blade
"Sige po Sir. Bye Maam and Sir" paalam nito
"Ashton, yung sinabi ko sayo ha, puntahan mo lang ako kung may problema ka. Salamat sa pagtulong sa akin."
Tumango si Ashton. At tuluyan na tong naglakad palayo.

YOU ARE READING
Ang Teacher Kong Secret Agent
ActionTeacher na secret agent? Meron bang ganun? Anong matutuklasan nya sa school na pinagtuturuan nya? Maiiligtas kaya nya ang mga estudyante nya? Anong pipiliin nya? Hustisya o ang magpatawad?