2A

2 0 0
                                    

EM's POV

1 week ago...  

Headquarters

Kanina pa ako pinapupunta dito ni Boss, dahil may panibago akong mission. Hayyy salamat naman at magkakamission na naman. 2 days na kase akong bakante. Para akong lalagnatin pag di nakahawak ng mission.

"HELLO PHIPPILINES, HELLO WORLD AND HELLO BOSSSSSSSSSS!

"Would you pls lower down you voice? Its disturbing." Naiiritang sabi ni boss. Pangitang pangita sa kunot niyang noo.

"HAHAHAH Boss, normal voice ko yun. Teacher remember?"

"Please sit down. I have something to tackle with you personally"

Inisnob yung sinabi ko. Suplado talaga tong si Boss. Gwapo sana kaso suplado. Hahaha

Anyway. Bat nga kaya personal pa kong kukuha ng mission kadalasan kase pag elite agent tulad namin ni Agent B aka Blade (B for bading HAHAH) pinadadala nalang via email thru a smart glasses na lumalabas sa harap namin pero kami lang nakakakita nun.  Depende na nga lang kung crucial ang mission na to.

"In what level?" Tanong ko kay boss.

Dito sa agency yung mission may tatlong level- 1st level yung parang nagbabalat ka lang ng mani in short madali lang. More on pag gguard o proteksyon  lang sa client.

2nd level- yung tipong namamasyal ka lang with equipment. Spy ang mga agent dito. Pinapasok ang mga dapat pasukin. Haluglugin ang dapat haluglugin. Pag may naka daupang palad ka na hahadlang sa mission. Mamimili ka kung papatayin mo o patutulugin mo lang.

3rd level- most dangerous.  Elite Agent lang ang nakakakuha ng gantong mission. Depende na nga lang kung nakakitaan ka na ni boss ng galing kahit junior agent ka palang para ibigay sayo ang gantong mission. Dahil di lang basta pagbabantay to. We will order to kill somebody. Yung mga salot sa lipunan. Yung may nagawang kasalanan. Tulad ng mga drug lord, serial killer, corrupt and etc.

Mahirap sa part namin. Dahil tao lang din kami. Ayaw din naming pumatay. Lalo ako. Teacher ako nagtuturo ako ng tama at mali tapos papatay lang ako? Bago ko kunin ang mission na ganto inaaral ko muna kung dapat ba talaga syang patayin o pag bayaran niya ang mga nagawa niya sa loob ng rehas. Fortunately, wala pa naman akong napapatay😂😂😂 laging diretso sa kulungan ang mga kumag😂😂

"Level 3" bigla akong nagseryoso. inabot sa akin ni Boss ang isang folder na naglalaman ng mission ko. Binasa ko to.

"Midelton Academy yung mission ko?" Ang lugar kung san ako nagtuturo. Bat naman dun🤨

"Oo, I have a call from the owner of that school and one of my friend na someone is texting him about the girls that been missing for several days or weeks. But recently, one of the girls is found out in the basement of your school. Dead and been rape according to the autopsy."

"Hindi lang to rape Boss, it might lead to serial killing? Tignan niyo Boss halos lahat ng nawawalang babae ee parehas ng height, have long black straight hair, fair skin, and most specially the mole in their face"

"Mole?"

"Yes sir. Look at the pictures. Lahat sila may mole. "

"Kaya ko sayo to pinahawak ee. You are very observant. Sino bang nag ayos ng papel na to? Kinaliligtaan ang mga important details."

"Nambola ka pa Boss, inborn na magaling to😂😂😂 Any leads?"

"Kahit mga pulis walang makuhang leads. Kaya sa atin na to pinaasikaso."

"Alam nung owner na ako ang pinadala mo?"

"Nope. Hindi niya alam na agent kita. So be careful"

"Back ups?"

Ang Teacher Kong Secret AgentWhere stories live. Discover now