Ellise's POV
Loka loka talaga tong baklang to. Bigla nalang tumatahimik. Wala naman akong nasabing hindi maganda. Wala nga ba? Oo wala kaya. Isipin mo pa baka meron. Wala nga wag ka ngang makulit. At teka! Sino ba yung sagot ng sagot sa mga sinasabi ko? Ako ang magandang konsensya mo. Bwahahahah. Che!
Napatigil ako saglit. Kaya naman napahinto rin siya. Naalala ko yung mga kamay naming magkahawak. Bigla akong napabitaw kaya naman lumingon siya sa akin. Alam kong namumula na ko ngayon. Ellise, bakla si Blade okay. Wag kang ano jan. Bakla nga ba? Eh bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? nakatingin sa akin yung mga students at iba pang teacher. Siniko ako ni Blade. "HINDIIII"
"Sorry po. Naapakan ko po kase siya" ang palusot niy sabay bulong sa akin "nabubuang ka na naman noh?"
"Blade bakla ka diba? Bakla ka?"
Tumingin siya sa akin ng titigan. Anong iniisip niya? Lalo pa ata akong namumula sa ginagawa niya. Sayang na bakla to. Look at the eyes, nangungusap parang ang daming gustong sabihin. Yung ilong sobrang pinagpala. Yung pilikmata niya dinaig pa ko sa haba. At yu-yung la-labi ang kissable. Bumalik lang ako sa ulirat ng pitikin niya yung noo ko. "Tara na male late ka na naman."
"Hoooo ang init! Bigla akong nauhaw. Una ka na bibili lang akong tu-" bigla na lang nyang binato sa akin ang isang water bottle at naglakad na paalis. Buti nalang mabilis reflexes ko at nasalo ko to kundi tama sa ulo ko. "Thank you" nag ok sign lang siya sa akin. Mabilis naman akong humabol sa kanya. "Sandali lang Blade"
"Aaaaaahhhhhhhhh" isang sigawan ang nagpatigil sa amin dalawa. Nagkatinginan muna kami bago kami kumaripas ng takbo papunta sa covered court na pinanggagalinan ng sigaw.
"Ahhhhhhh m-m-may patay"
"Huhuhuhu sinong gagawa nito kay Jane?"
Lahat ng tao sa covered court ay nakatingala. Tinignan ko ang tinitignan nila. Isang bangkay ng babae.
"Tumawag kayo ng pulis. SPG secure all the exit point of this court. Wala kayong papalabasin." Ang utos ko sa mga SPG dahil adviser nila ako. Nagkakagulo na ang mga babae. Nag iiyakan sila. Pinagmasdan ko ang paligid tinignan kung sino ang kahina hinala sa kanila. Isang lalaki ang nakita kong naka cap na itim ang tumungo ng makita niyang tumingin ako sa kanya. Nilapitan ko siya pero mabilis syang nakatakbo. Di ko na sya nahabol kase paniguradong huling krimen niya na to. Sinigurado ko na muna na lahat ng mga students ay kalmado at walang nawawala. Mahirap na.
"Tumabi kayo. Ibababa na namin ang bangkay" aba ang bilis ata ng pulis ngayon.
Ibinaba na nila ang bangkay ng babae. Dahan dahan naman akong lumapit para makichismis baka isa to sa mga mission ko. Nang tuluyan na nilang naibaba ang bangkay ay pinagmasdan ko to. Mayroon syang itim na mahabang buhok, fair skin, about 145cm ang height. Tumutugma sa mga biktima ng serial killing dito. Isa nalang kailangan ko para makumpirma. Lumapit pa ko para tignan ang mukha niya. At tama ang hinala ko she has a mole. Pero mas nagulat ako, estudyante ko ang batang eto Sumenyas ako kay Blade na isa siya biktima. Agad naman siyang nagpipindot sa cp niya at biglang tumunog ang phone ko.
She is Jane Ross Umali, your students and one of ROTC officer. She is missing for almost 12 hrs. Hindi dineclare ng pulis na missing dahil wala pang 24hrs. Nahuling umuwi kahapon dahil naglinis pa daw ng gamit sa ROTC Room.
Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko. Kung nahuli siya ng uwi paniguradong may pagkakataon nga ang killer na patayin siya.
"Maam" sabay saludo ng isang officer sa akin. Inisip ko muna kung sino siya ng mag hand gesture siya ng para lang sa agent. Umiling ako sa kanya. Baka may makahalata pa sa kanya buti nalang at maam ang tinawag niya sa akin. Junior agent. Agent Y isang pulis. Malaking bagay na pulis siya. Siya na ang lumulutas halimbawa ng mga nalaman namin. More on back up si Y. Agad kong pinasa sa kanya ang message sa akin ni Blade gamit ang smartwatch na naimbento ni Agent C. Napaka handy. Pasimple namin kinalikot ang relo namin. Kung titignan digital watch lang siya pero pag may pinindot kang button lalabas ang message na naka tap sa phone mo. Nag ok sign siya sa akin.
Kailangan ko ng mahanap kung sino man may gawa ng lahat ng to. Napalingon ako sa may kaliwa ko. Dalawang babae ang nagbubulungon. Palihim akong lumapit sa kanila.
"Nakita ko pa siyang kasama si Lucian kahapon."
"Parehas kase silang officer sa ROTC. Pero nauna na si Jane pag uwi kase nakasalubong ko pa siya kahapon."
"San ka galing?"
"Naiwan din kase kami ni Ashton sa computer lab. May tinapos kami. Nauna lang ako kay Ashton kase tinawagan na kase ako ni mommy at may emergency sa bahay. Nag sasave pa kase siya ng ginawa namin."
Lucian and Ashton. Iba talaga ang kutob ko sa mga batang eto. Lumapit ako kay Blade. Kailangan kong puntahan ang ROTC room at computer lab.
"Blade, puntahan ko lang yung sinasabi nung dalawang student dun. Be alert."
"Be careful" napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Yung tibok ng puso kooooooo.
"I will." Sabay kindat ko sa kanya.
Patakbo akong tumakbo papuntang ROTC room pero bago pa ko makarating dun ay nakita ko ang lalaking naka cap kanina sa covered court kalalabas lang sa room na yun. "Hoy!" Tumigil siya. Mabilis akong lumapit sa kanya. Mabilis naman yong tumakbo.
Mabilis akong kumilos. Tinanggal ko ang kwintas na suot ko at may pinindot na button sa lock nito. Mabilis na naging lubid to. Inikot sa ere at pinuntirya ang target. Never ako pumalya dito kaya inis na inis ako ng maiwasan niya ang lubid na hinagis ko sa kanya. I need to train again. Arrggh!
Pero I dont give up. I press some button under my shoes and it lighten up. I saw a softdrinks can. Pag sinuswerte ka nga naman. Mabilis ko tong sinipa at lumanding sa ulo niya. Bulls eye!
Agad ko naman siya dinambahan. "Who are you"
Nagpupumiglas siya. Pero sanay na ko sa gantong trabaho. Tinanggal ko ang cap niya at mask. "Lucian?" May hinala na ko na siya nga ang taong to, pero naniniwala ako na di niya kayang gawin ang mga pagpatay na to. "You need to come with me" patuloy parin siya nagpupumiglas. "Sorry pero I need to this ang kulit mo." May kinuha akong black powder sa loob ng bulsa ko at inihip ko sa mukha niya. Wala pang ilang segundo nakatulog na siya.Thanks to Agent C sa mga inventions niya.
Dinala ko si Lucian sa isang vacant room na hindi masyadong pinupuntahan ng mga students marami din kasing tambak na mga sirang upuan dito. Itinali ko na muna siya gamit yung necklace kong nagiging manipis na lubig. Baka mamaya magpumiglas ulit ee "Blade, please come over."
Hindi ko na kailangan sabihin kung saan may lalabas naman na tracker sa relo namin.
YOU ARE READING
Ang Teacher Kong Secret Agent
ActionTeacher na secret agent? Meron bang ganun? Anong matutuklasan nya sa school na pinagtuturuan nya? Maiiligtas kaya nya ang mga estudyante nya? Anong pipiliin nya? Hustisya o ang magpatawad?