5

1 0 0
                                    

EM's POV

"Anong ginawa mo sa kanya Ellise?!"

"Black magic." Matipid kong sagot sa kanya. Alam na niya kung anong nangyare. "Nagpupumiglas ee. "
Katahimikan. Siya naman ay may kinakalikot sa phone niya

"Nung nagkagulo na sa court tinignan ko ang buong paligid. May lalaking naka cap ang tumakbo palabas hahabulin ko sana pero inisip ko muna ang ibang estudyante. Neto lang papunta na ko sa ROTC room, nakita ko siyang palabas kaya tinawag ko siya at mabilis naman siyang tumakas pagtingin ko kung sino si Lucia---"

"Lucian Tyrel Cruz. Leader of a gang called Crow. And look naiwan nga siya kahapon pero makikita dito sa CCTV na may tinatakbuhan siya parang takot na takot."

"Dig more" ilang kalikot lang ginawa niya meron na agad. Sana ganun din ako kabilis. Gusto ko kase suntok agad ee😂😂😂

"Ayun dito, yung gang nila ay napasabak sa kung ano anong krimen, more on snatching and holdap."

Nanlaki ang mata ko. Ganung krimen na agad ang pinangungunahan niya? Ang bata pa niya.

"Hmm" gising na siya. "Pakawalan mo ko dito maam"

"Papakawalan kita kung sasagutin mo ko."

"Ipapapulis kita. Teacher ka pa naman. Pakawalan mo ko dito."

"Alam mo bang isa ka sa suspect sa pagpatay kay Jane?" Nanlaki ang mata niya. Naging balisa rin siya. "May nakakita sayo na ikaw ang huling kasama ni Jane kahapon, kung tutuusin ikaw ang prime suspect. At kung walang ibang makitang susupect. Ikaw ang ituturo nilang pumatay kay Jane"

"Hindi ako ang pumatay kay Jane!"

"Kung hindi ikaw bat ka tumakbo nung tinawag kita?"

Lalo pa siyang di mapakali sa upuan niya. Malikot ang mga mata niya. Tinitigan ko siya. Lumapit pa ko sa kanya. Hindi siya ang pumatay.

"Anong nakita mo? Alam kong may nakita ka ng gabing yun?"

Nagulat siya sa sinabi ko "P-paano mo nalaman?"

"Do you used drugs?" Tinitigan ko siya.

"Hahah. Nagpapatawa kaba mam?" Tumawa siya pero yung mata niya hindi makatingin sa akin. Pinagpapawisan na din siya.

"Kaya ka tumakbo kanina kase kinuha mo yung mga naiwan mo kagabi. Tama ba?" Kitang kita ang pagkagulat sa kanya. Nice try Ellise. Bwhahahah.

"Wala kang ebidensya!"

Bago ko pa sabihin kay Blade na kapkapan siya. Pumatak na sa jacket niya ang mga foil, lighter at ilang sachet ng shabu.

"See. Ayan na ang ebidensya oh. Pag nalaman to ni principal automatic kick out ka. Ano nalang kayang sasabihin ni Gov. Reyes kung ang kaisa-isahan niyang anak ay makikitaan ng shabu at pwede pang maging  suspect sa pagpatay."

"Please, dont say it to my dad. He will be disappointed if he find out about this."

"Then talk."

Ilang minuto na din syang tahimik na nakayuko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Baka nagbabalak tumakas. Naiinip ako.

"Hello, Governor" tumingin siya sa akin and he smirked. Akala ata ng batang to di totoo. Niloud speaker ko.

"Good morning Maam Cortez, bat po napatawag kayo?" Ako naman ang ngumisi sa kanya. Bigla siyang natakot.

"Its about your son, Lucian Tyrel."

"What about my son? May ginawa po  ba siyang kalokohan na naman"

Mukhang alam ng ama ang mga pinaggagawa ng anak niya. "I saw Lucian this morning Sir...."

"Wagggg!" Hinold ko ang tawag. "Naunang umalis si Jane sa akin." Pinatay ko na ang cellphone. Nagpasamalat ako kay Agent C. Siya talaga ang tinawagan ko isa ulit sa inventions niya voice changer. Malay ko ng number ni Gov. Hahaha

"Sinilip ko pa siya kung nakaalis na siya kase nasstress ako kailangan kong humithit baka bumalik pa siya. Pero pumasok siya sa computer lab pagkalabas nung isang babae. Ang tagal nga nya lumabas ee. Hinanda ko muna yung mga gamit ko at yun ang binalikan ko kanina. "

So tama nga ako, nagsha shabu ang batang to. Kainaman.

"Naiinip na ko. Para akong sasabog. Kaya pupuntahan ko na sana siya sa computer lab para tignan kung andun pa siya pero may lumabas na lalaki."

"Si Ashton ba?"

"P-paano mo ulit nalaman? Manghuhula ka ba?"

"Pfffttt" nagpipigil na tawa ni Blade, sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Dont mind him. What happened next?"

"Buhat niya si Jane walang malay. Kaya sinundan ko sila. Pumunta siya sa covered court at dun nya inumpisahang halayin si Jane navideohan ko pa nga."

"Where's your phone?"

"Nagpatak habang tumatakbo ako. Nahuli niya ako ng biglang tumunog yung phone ko."

"Tanda mo phone number mo?" Tanong ni Blade.

"Oo naman. 0938*******"

Agad naman nagkalikot ng kung ano si Blade sa phone niya. Siya na bahala dun.

"Nakita ka ba niya?"

"Hindi ako sigurado pero naka cap ako ng araw na yun at hindi ako nakauniform may face mask din akong suot. B-bakit? Ligtas pa ba ako maam?"

"Sa ngayon. Oo"

"Please maam, ayaw ko pang mamatay. Tulungan niyo po ako"

"Ellise," inabot niya sa akin ang phone niya. Nakita niya na agad? Ambilis naman.

Pinanood ko ang video. Paniguradong si Ashton nga ito. Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Makikita dito kung paano niya halayin si Jane. Sinong bata ang makakagawa nito?
"Send it to Agent Y?" Inabot ko na kay Blade ang phone niya  hindi ko kayang tapusin ang video.

Kasalanan ko to ee. There are my students. I should be aware with there life. Napaka walang kwenta kong adviser.

"Its not your fault. Its there choice to be like that. Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Huhulihin natin siya para di na siya makagawa ng gaya neto"

Wala pa man akong sinasabi alam na agad niya. "Thank you Blade"

Lumapit na ko kay Lucian. Pinakawalan ko na siya. "Umuwi ka na. Kami na ang bahala sa  mga pulis"

"P-pano kung nakita niya ako. P-pano kung nakilala niya ko. Baka patayin niya rin ako?"

"Dont worry. I'll ask someone to look on you. And besides you have  guards with you."

"Mauuna pang tumakbo yun kesa sa akin ee"

Napatawa naman ako.  "Palalagpasin ko ang mga nakita ko Lucian. I'll take this" kinuha ko yung mga ginagamit niya. "Wag mo ng subukang gumamit pa ulit neto at pag nalaman kong gumamit ka pa ulit neto. Ako na magdadala sayo sa mga pulis. Hindi ito sagot sa mga problema mo kung kailangan mo ng kausap nandito ako. Tutulungan kita." Hindi siya umimik kaya nagsimula na akong lumabas.

"Salamat Mam"

Ngumiti ako sa kanya. "You'll be safe. I promise" sabay kindat sa kanya.

Ang Teacher Kong Secret AgentWhere stories live. Discover now