3

1 0 0
                                    

Blade's POV

"Thank you"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang sinabi ni Ellise ang katagang yun. Pinagmasdan ko lang siya "Blade, Blade" hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila niya ako "Tara na, papagalitan na naman ako ni principal pag nakita niya late na naman ako"

Habang tuloy tuloy niya akong hinihila. Pinagmamadan ko ang kamay naming dalawa. Siguro naguguluhan na kayo. I'm not a gay. Siguro nung bata pa ako. Pero nagbago ang lahat nung nakilala ko si Ellise.

Flashback

"Aahhh bakla! Bakla!

"Umuwi ka na bakla!"

"Paano uuwi eh wala naman siyang magulang? Iniwan sa basurahan HAHAHAHA." Sabay bato sa akin ng latang nakita niya

Eto na naman sila, tinutukso ako. Kasalanan ko bang bakla ako? Nakayuko akong umiiyak sa sulok. Ano bang laban ko sa kanila? Bakla lang ako at marami sila.

"Ano bakla iiyak ka lang jan? Bakla ka talaga!"

"Wala ba kayong magawang matino? Pati mas maliit sa inyo pinapatulan niyo? Kung ako ang nilalabanan niyo!"

Napaangat ang ulo ko sa nagsalita. Isang batang babae? Nagpapatawa ba siya? Eh mas maliit pa siya sa akin ee. Anong laban niya sa kanila?

Tatayo na sana ako para awatin siya pero sumugod na agad yung matabang bata papunta na sa kanya. Babanggain niya yung bata. Hindi man lang siya natinag sa lalaking babangga sa kanya. Wala na akong magagawa kundi pumikit. Nakakaawang bata nadamay pa.

"Ahhh. Pano mo nagawa yun?"

Bigla akong nagmulat. Yung batang lalaki naka dapa na. Anong nangyare?

"Lampa ka kase"

"Wag mo na siyang galitin. Umalis kana." Sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Dont worry. Ako bahala sayo" sabay kindat sa akin ng nakangiti.

Ang Teacher Kong Secret AgentWhere stories live. Discover now