"krrrringggggg, krrrrrinnggggg!"
"Hello?!" Inaantok ko pang sagot sa umistrobo ng tulog ko. Ang aga aga tumawag kung sino man syang poncio pilato. 😑
"Aba naman Ellise May, kagigising mo lang? Alam mo ba kung anong oras na?"
"Ano bang oras na?" Pilosopo at inaantok ko pang sagot sa baklang kausap ko😑 ang aga aga binibwiset ako ee. Sabing magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising ee.
"6:30 lang naman po ng umaga Ma'am Ellise. Baka po nakakalimutan mong Monday ngayon at may mga estudyante ka na dito"
"Awwww shit" agad kong bangon kaya naman nauntog ako sa may head board ng kama ko "bat ngayon mo lang ako tinawagang bakla ka!" Sabi ko sa kanya habang kumukuha ng damit at nagdirediretso sa cr. "Sigee na see you in 15 minutes"
Dali dali akong naligo, ligong uwak na. Okay lang yun naligo naman ako ng ayos kagabi. At napasabak na naman sa gyera. Mamaya na tayo chumika male-late na naman kase ako hehe.
After 5 minutes tapos na akong maligo. Sabi sa inyo ee ligong uwak. Nagbihis agad ako. Naglagay ng kolerete sa mukha, nagsuklay, kinuha yung mga paperworks ko at bag and viola! Ready to go. Tinignan ko ang oras. 6:40 na. May 10 minutes pa ko para makarating sa school. 6:50 ang call time ng mga teachers sa faculty ee. Kung mag jejeep ako aabutin ako ng siyam siyam. Pero kung gagamitin ko si Ruby wala pang 10 minutes andun na ko. Nag isip muna ako saglit. Ayyyy bahala na. Agad kong kinuha si Ruby sa ibabaw ng tv. Pinindot ang on at bigla nalang lumaki ang kotse na keychain. Agad kong binuksn ang pinto ni Ruby at basta ko nalang tinapon mga gamit ko sa loob at dali daling pinaandar si Ruby. Ang latest model ng Porsche 718 Boxster keychain edition. Saka ko na ipapaliwanag ang tungkol kay Ruby kase talagang malelate na koooooooo.
6:45 konti nalang malapit na ko sa school pero sa kasamaang palad traffic pa. Pag minamalas ka nga naman. Tinignan ko yung gilid ko may building pero may kaunting space. motor lang ang kasya. Dapat pala si BumbleBee ang ginamit ko, ang aking yellow Ducati monster yellow 821 of course keychain edition.
Gawa kase ng gamit sa school ee and besides Monday ngayon naka skirt ako. Sayang 😑
"Hmmmm, di naman sinabing bawal dumaan sa pader ng building ee."
Agad kong inapakan ang gas ni Ruby. At may pinindot na button and charaannnnn! ! Naka tagilid na si Ruby ready ng umardar. Pina andar ko na si Ruby sa pader ng building at mabilis akong nakalusot sa traffic. Rinig ko pa ang palakpakan at pagkamangha ng mga tao sa likod ko. Di ko na sila pinansin at mabilis ko ng pinaharurot ang kotse papunta sa school.
6:48. 2 minutes before the time. Bumaba agad ko kay Ruby. Kinuha lahat ng gamit ko at pinindot ko ang off at bumalik na sa pagiging keychain si Ruby. Dali dali akong tumakbo papunta sa Faculty. Shit talaga bat ang layo ata ng faculty ngayon?
"Good morning maam Ellise." Bati sa akin ng isang estudyante.
" Good morning din" sigaw kong sagot sa kanya dahil malayo na ko sa kanya dahil ng pagtakbo. "Papilahin mo na mga classmate mo malapit ng mag flag ceremony. Ako mag lelead" sabay kindat ko sa kanya.
"Opo mam"
6:49 nakikita ko na ang pinto ng faculty. Konting konti nalang andddddddd
"Krrrrinnnnngggg, krrrriiiiinnnngggg" tunog ng school bell.
Yessssss. Abot ako. Walang kaltas yun. Kumembot kembot pa ko pagpasok ko ng faculty room. Sabay hampas naman sa akin ng kung sino man.
"Gaga ka. Muntik ka na namang malate. Sabi sayong isang late na naman sayo. Office ka. Daig mo pa mga estudyante mo." Mahabang lintana ng vaklang to. Hahahaha
YOU ARE READING
Ang Teacher Kong Secret Agent
ActionTeacher na secret agent? Meron bang ganun? Anong matutuklasan nya sa school na pinagtuturuan nya? Maiiligtas kaya nya ang mga estudyante nya? Anong pipiliin nya? Hustisya o ang magpatawad?