"I'm gonna miss you!"
Niyakap ko ng mahigpit si Trevor. He laughed at niyakap din akong mahigpit, naramdaman ko pang hinalikan nito ang ulo ko.
"Isama mo nalang kasi ako," pag iinarte ko pa sa kanya, I even pouted hoping it'd help.
He chuckled and shook his head. "My parents are gonna be there and as much as I'd love to, may surgery din kayo, diba?"
"Ano ba yan," reklamo ko pa, isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Mag-ZaZambales tayo eh," pag iyak ko pa.
Tumatawa lang si Trevor habang niyayakap pa din ako. Nakahilera na sa likod niya ang mga bagahe niya. They had a business emergency na kailangan asikasuhin sa Croatia, sakto pang tinext din ako ng mga seniors ko na may surgery kami. "Babawi tayo, okay?" he cupped my cheeks with both of his hands at pinatingala ako sa kanya. I pouted still.
"Isama mo nalang kasi ako," I whined.
"Next time," he planted a soft kiss on my lips. "You need this para makapag fellowship ka na."
I heaved a sad sigh and pulled away from our hug. Naiiyak akong nakatingin kay Trevor na umalis ng condo niya.
A week went by at hindi pa din umuuwi si Trevor. Maxine offered to teach me how to drive while he was gone, she was a terrible teacher by the way. I've had three successful surgeries sa isang linggo, sobrang saya ko dahil natapos din. "I miss your sisig, and your nilagang baka, and your sinigang," pagrereklamo ko kay Trevor. I looked at the ceiling of my room at napabuntong hininga nalamang sa lungkot. "Hindi ka pa ba uuwi?" dagdag ko pa.
I heard him chuckled on the other line. "Lulutuin natin lahat 'yan pagkabalik ko."
"Kelan?" I pouted.
"Hindi ko pa din alam, Hope. Busy pa kasi sila dad eh," he responded, he tried to hide the sadness in his voice but I still heard it.
"Ano ba yan," I heaved a sad sigh again. Namimiss ko na siya. Kasalanan ko din kasi sinanay ko ang sarili ko na kasama siya palagi. "Magt-two weeks ka na diyan ah."
He chuckled. "Wag ka na malungkot, Nadia ko," malambing nitong sagot sa akin. "Babalik ako, I promise."
"Hindi pa din siya bumabalik," pag iyak ko kay Maxine. Tatlong linggo ng wala si Trevor. Magpapasko na wala pa din siya.
I glared at her when she laughed. "Baka iniwan ka na," she teased me.
Inirapan ko nalamang siya at ininom ang wine at binabad ang mga paa ko sa pool namin dito sa mansion. "Hindi ako iiwan nun. Nagpromise kaya siya sa akin," malungkot kong sabi, still hopeful that he's not going to leave me.
She giggled at inakbayan ako, she leaned her head on my shoulder. "Joke lang. Tinatawagan ka pa naman diba, tinetext ka pa, busy lang talaga siya babalik din 'yon." pagbawi nito sa sinabi niya.
I know. I know na babalik siya.
I decided to sleep in his condo that night dahil nangungulila na ako kay Trevor. Sinuot ko pa ang damit niya na nasa dirty laundry basket dahil amoy na amoy ko pa ang perfume niya, nilagay ko din ang isa niyang damit sa unan at niyakap ang unan.
"Hey, my Nadia."
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng mga halik sa pisngi at balikat ko. "You're finally home," I happily said despite my heavy eyelids. "I missed you," hinarap ko si Trevor at agad na hinalikan. He's real. He's here.
YOU ARE READING
The Innocent Sex Goddess
General Fiction#BaezSeries7 Everyone is deceived by the innocence and angelic beauty of Nadia Jillian Baez but little do they know, she hides her secrets very well, the secret that she is a sex goddess. (Feb 16, 2020 - Nov 14, 2022)