"Tara, pasok kayo"
Pag aaya ni Aidan sa amin na nauna nang pumasok sa mansion nila. Nakasunod lang kami ni Prince, Reign and Lester sa kanya. This is our first time to enter their house pero palagi namin ito nakikita sa Magazines kasi mayaman sila. Aidan Baez's parents own the prestigious empire in the Philippines.
My parents, Reign's parents, and his parents are also business partners.
"Grabe, tol. Laki ng bahay niyo, nagkikita pa ba kayo dito?" Lester asked as he roamed his eyes inside the mansion.
The house is huge, luxurious and spacious. The typical mansion.
Aidan laughed. "Oo naman, gago. Tara sa entertainment room tayo para makapagbilliard tayo doon," pag aaya niya. Sumunod ulit kami sa kanya na umakyat.
"Aidan, pakain ka naman nagugutom na ako eh," reklamo ko kay Aidan habang papaakyat kami.
He stopped walking and faced me, may pilyo pa itong ngiti sa mukha. "Mamaya na, may tao pa eh" he joked.
"Gago!" natatawang singhal ko sa kanya. They all laughed.
"Espadahan ang nais!" natatawang sabi din ni Reign.
"Mga siraulo! Pero seryoso, tomguts na tol!" I told Aidan
"Yeah, don't worry bro, I'll call our maids to bring us some foods," he nonchalantly said at naglakad na papunta sa isang itim na pintuan.
Aidan was about to open the door when the door at the end of the hallway opened at niluwa nun ang isang babae. Napalingon agad kaming lahat sa kanya. I know her, I have seen her in billboards and magazines pero tangina, iba pala ganda niya sa personal.
"Oh, sorry," she mumbled when she saw us at papasok na sana ulit sa kwarto niya pero tinawag siya ni Aidan.
"Hey, Nadia, these are my college friends I've been telling you about," Aidan said to her, nilakasan niya pa ang boses niya para marinig siya dahil medyo malayo siya sa amin.
"Oh," she nodded and smiled at us. Lumabas na siya sa kwarto niya at sinarado iyon.
I couldn't take my eyes off her as she walked towards us while tying her hair into a ponytail. She's wearing a big silk pink pajamas na parang XL ata ang size kahit mukhang S naman siya. Nakapajama pa siya kahit alas kwatro na ng hapon.
"Hi," she greeted us and gave us a small smile.
"Guys, this is my twin, Nadia," Aidan introduced her to us. "Si Prince, Lester, Reign, and Trevor," pagpapakilala nito sa amin sa kanya.
"Nice to meet you, guys," matamis na nakangiti niyang sabi sa amin at inisa isa kaming kinamayan.
Napangisi ako nang maghawak ang kamay namin. Napaisip tuloy ako ng mga magandang simbahan sa Pilipinas at mga magagandang pangalan ng anak. Putangina, ang ganda pala ni Aidan maging babae!
"So you're the one who's been giving Aidan a headache 'cause he has to drive you to your school," nakangiti kong sabi sa kanya. Ang sakit na ng panga ko kakangiti dahil sa kilig.
She laughed at agad na tumango. "I guess," she shrugged her shoulders, halatang nahihiya pa ito. "Anyway, I'll leave you guys alone. I gotta eat my late breakfast," pagpapaalam niya sa amin, she sweetly smiled at us again before she left. I looked at her as she walked downstairs. Napangiti nalamang ako, paka ganda niya.
"Tangina," Lester suddenly laughed as we entered their entertainment room. Bumungad agad ang tatlong arcade game, isang billiard table, dalawang foosball table at malaking monitor para sa xbox.
"So you're the one who's been giving Aidan a headache 'cause he has to drive you to your school," Lester mocked me, inartehan niya pa ang boses niya. Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa niya at mahinang sinuntok siya sa braso. "Ano yon, Trevor Valentin Ongpauco?" tawang tawa na bulyaw nito sa akin.
"Oo nga, masyadong papansin," natatawang sabi ni Aidan habang kinukuha niya ang cue stick at isa isang binigay iyon sa amin. He even playfully rolled his eyes.
"Gago, ganda mo pala maging babae 'tol," nakangiti kong sabi kay Aidan at hinapit ang bewang niya. I wiggled my brows at kinindatan pa siya.
Siniko niya agad ako sa ginawa ko at lumayo sa akin. "Upakan kita diyan eh!"
"So bet mo na naman?" Reign said at umupo sa arm ng isang leather couch.
"Anong na naman? Loyal ako kay Nadia ah!" I nonchalantly said na may ngiti pa sa mukha. Tinukod ko ang cue stick at put my weight onto it.
"Kakalandi mo lang sa nursing student kahapon ah," sabat ni Prince na inaayos ang mga bola ng bilyar.
I laughed when I remembered it, palagi din naman kami lumalandi noon lalo na nung single pa si Aidan.
Umiling naman ako, "iba na ngayon 'tol. Ang sarap pakinggan ng Nadia Baez Ongpauco," I dreamingly said. Kinikilig pa rin sa paghahawakan namin ng kamay ni Nadia kanina.
"Parang wala lang ako dito ah!" pagmamaangas ni Aidan, umiiling iling pa rin ito habang may ngiti sa labi.
"Payag ka nun tol, bayaw mo si Trevor," Lester said while laughing. He positioned himself para tirahin ang mga bola ng bilyar.
We all looked at Aidan as he laughed. "I will fucking kill you first, Trevor."
He was smiling when he said it but I know he was dead serious.
Simula noong araw na 'yon, pabiro ko nang tinatawag na bayaw si Aidan. Ayaw na ayaw niya, minsan nga napipikon na siya. Everytime he complains about driving for Nadia on her one hour away school, nagprepresenta ako na ako nalang ang sumundo o humatid pero matalim niya lang akong tinitignan.
Minsan pag-gumagala kami kila Aidan tapos nandoon si Nadia, hindi ko mapigilang mapatitig sa ganda niya. Minsan nga napapatingin din siya sa akin pero agad din naman nag iiwas ng tingin. Ang cute niya tuloy, sarap niya ibulsa at iuwi sa amin!
Hindi ko talaga maexplain, there's something about that girl that bothers me in a good way. She looks so angelic and innocent, hindi siya makabasag pinggan.
YOU ARE READING
The Innocent Sex Goddess
General Fiction#BaezSeries7 Everyone is deceived by the innocence and angelic beauty of Nadia Jillian Baez but little do they know, she hides her secrets very well, the secret that she is a sex goddess. (Feb 16, 2020 - Nov 14, 2022)