"Merry Christmas."
I giggled when Trevor greeted me as he opened his door. Napairap na lamang ako sa kanya kasi sa makalawa pa ang pasko. We last minute decided to spend our Christmas together kasi pupunta kami sa rest house namin sa La Union, it's our family's tradition to spend Christmas in that place.
"Advance Merry Christmas!" I gladly said. Tumingkayad agad ako para yakapin siya sa leeg at halikan siya sa labi.
He wrapped his arm around me as we kissed para papasukin ako sa condo niya. Sinara niya agad ang pinto at isinandal ako doon.
Trevor was the one to pull away from our kisses. Napanganga nalamang ako sa gulat nang ipakita niya ang isa niyang kamay na nakalagay sa likod niya, may hawak itong pulang rectangular box.
"Oh my gosh," I said with full of amusement.
"For you," nakangiti nitong sabi. "Open it."
Napakagat ako sa labi ko nang kuhanin ko iyon. Trevor was all smiles as he stared at me untying the white ribbon. Naeexcite ang buong katawan ko habang binubuksan ko iyon. I love surprises so much!
"Hope," pagbasa ko sa pendant na nakalagay sa silver bracelet. Nagtatakang napatingin agad ako kay Trevor. "Maling babae yata nabigyan mo."
He suddenly burst out a laugh with what I just said. "Sira," natatawa nitong sabi. "Nadia means hope, diba?"
Napanganga ako at agad na natawa when I realized how dumb I am. Bakit hindi ko naisip yon?
"That's 'cause are my hope," he genuinely smiled at me. Pakiramdam ko tuloy ay sinusumpong ako ng hika dahil sa sinabi ni Trevor, it made my heart fluttered. "And you give me hope."
Napalabi nalamang ako. "Thank you!" I said in a high pitch tone, niyakap ko agad si Trevor.
"You're welcome!" he mocked me, tininisan niya pa ang boses niya. Napairap nalamang ako sa kanya at mahinang hinampas ang bewang niya.
"Buti nalang may gift din ako," I scrunched my nose. Binuksan ko agad ang bag ko at kinuha ang isang black and white handwoven braided bracelet. "Sorry, it's not silver or gold. Wala pa akong budget," natatawa kong sabi nang ibigay ko iyon sa kanya. "Max and I passed by an old man who's selling that, he's an Ifugao. And when I saw that I remembered you kasi kaya binili ko."
Nakaramdam ako ng saya nang makita ang malaking ngiti ni Trevor habang tinititigan iyon. Then he looked at me in the eye, he looked so happy. "It's already my favorite bracelet."
I pressed my lips to stifle a kilig smile. Bakas kasi talaga sa mukha niya na naappreciate niya iyon. Singkwenta lang ang bili ko sa bracelet pero para bang nagkakahalaga iyon ng isang milyon kung makangiti siya.
"Thank you," he sincerely said. Napalabi nalamang ulit ako nang yakapin niya ako at halikan sa noo. "Tara, kain na tayo."
We then went to his balcony kung saan nakaset up na naman ang korean barbecue. Nagkwekwentuhan lang kami sa kung anong gagawin namin sa pasko at any random stuff na maisipan namin pag-usapan.
"Sasama niyo daw si Zia sa Elyu?" Trevor suddenly asked habang nakahiga kami sa kama niya. Dahil busog kaming dalawa, nakatitig lang kami sa kisame habang nakahiga ako sa braso niya.
"Yes, I invited her kasi this is our first time to have her around," I explained.
Nilingon naman ako nito kaya napatingin ako sa kanya. "Ako? hindi mo isasama?" nakangisi nitong tanong.
YOU ARE READING
The Innocent Sex Goddess
General Fiction#BaezSeries7 Everyone is deceived by the innocence and angelic beauty of Nadia Jillian Baez but little do they know, she hides her secrets very well, the secret that she is a sex goddess. (Feb 16, 2020 - Nov 14, 2022)