3rd: Strange Town

464 24 4
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Third Person's POV"

.

Liblib na bayan ang Dameris kahit na malapit ito sa main city. Kasi kung ihahambing ito roon ay sobrang iba talaga. Ang pagkakagawa ng daan dito at mga pader ay ibang-iba sa kung ano ang nasa siyudad. The walls are carved with symbols and writings that doesn't make any sense to a normal people. Because those markings means something to the villagers of this town.

.

The whole town was also protected with a boundery wall, hindi nga lang kagaya ng sa Charm Academy na sobrang tayog. May dalawang entry and exit points ang town. Ang south gate at ang east gate and most of the houses are semi-concrete although ang ibang bahay dito ay purong konkreto at mala mansyon o villa ang dating. Mainly those houses are owned by rich and influencial families. Isa na dito ang pamilya ng mga Isolet na may-ari ng iilan sa mga malalaking establishments sa kanugnog na siyudad. Isolet family are well respected hindi lang sa yaman nila... Kundi dahil sa mga bagay na higit pa roon. Things that will totally freak the hell out of an ordinary man.

.

Dameris town is not the normal one as you all expect it to be! There are secrets that  hides behind it's beauty. A dark mystery!...

.

I am one of them.... A villager of Dameris.. A halfling!...

.

"Maria's POV"

Hindi ko alam kung anong oras o ilang oras akong nakatulog dito sa sala. Nakaupo lang ako sa malambot na sofa at bahagyang naka-lean ang aking likod dito. Last thing I remembered was that I'm healing myself using my charm. Kaso nga lang, my charm has it's limitations. I can't effectively cure myself using my water healing. Yun ang sekreto ko... I am a healer but I can't heal my own illness properly. Mas maigi ko pang nagagamit ang aking ability for offensive. Kagaya ng pakikipaglaban ko sa mga forest spirits back at Charm Academy nung tumubo ang gubat ng Agaria dito.

.

Marahan akong nag-unat at bumangon na para tumungo sa kusina. I rushed to the fridge para kumuha ng fresh milk at makakain. Medyo nagutom kasi ako eh at medyo nanghihina pa. Hindi ko na lang inisip ang tungkol kagabi dahil baka sumakit lang ulit ang ulo ko.

.

          Mamayang gabi pa ulit kami pababalikin sa hotel same time nung interview hours. Kaya naman I decided to stroll around the village. Medyo nahihiwagaan kasi ako sa lugar na ito. Kakaiba ang pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa village compare to the city outside. Isa akong Charmer at hindi ordinaryong tao kaya nararamdaman kong hindi ordinaryo ang lugar na ito. Merong kakaiba sa pakiramdam, it's like I'm in someone else's teritory..

.

          Ngayon as I am walking outside the street ay medyo pansin ko na ang physical appearance ng mga kalye. Ang sidewalk ay gawa lang sa mga maliliit na bato at pebles habang ang main road ay gawa sa mga pang 18th century materials o medieval period pa. Ibang-iba sa kalsada pagkalabas ng main gate ng baryo na yari sa semento at aspalto. Ang mga puno naman sa tabi ng kalye ay sobrang malalago na nagmistula na itong isang bubong. Kasi naman ay natatakpan na nito ang kalangitan kaya palaging may shade dito.

.

    And the surroundings... It's beautiful. May mga benches everywhere at mga pantay na damuhan at halaman na halatang may nagme-maintain na hardinero. Pero teka– asan nga ba ang mga tao dito? Bakit ang tahimik, eh umagang-umaga pa lang..?

The Water Bearer (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon