All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
"Maria's POV"
Hindi ko inaasahan na ang napagbuksan ko ng pinto ay walang iba kundi si Vince, my childish ex boyfriend! Kaya hayun napagsarhan ko kaagad ng pinto.
"Hey! Open up.. I'm not gonna bite, eat your brain or something like that!" ughh! Heto na naman siya sa mga banat niyang wala sa timing.
.
”Ayoko nga!" matigas kong sabi habang nakasandal sa pinto ang likod.
"Uy, sige na naman oh! Promise magiging good boy ako, just let me inplease!" sabi niya in a not so convincing tone.
.
Wala din naman akong choice eh. If I don't let him in, makakapasok parin siya. He can just teleport inside once makita niya ang anyo ng loob ng bahay sa pamamagitan ng pagsilip sa bintana. That is his charm, to teleport faster than light!
"Fine, get in!" hindi ko na binuksan ang pinto. Dumistansiya na lang ako palayo sa pinto at hinintay siyang makapasok.
.
"Hindi mo ba bubuksan ang pinto for me?" biglang tanong nito.
.
"For what? Kaya mo namang pumasok even if the door is close diba?" nakakainis talaga tong lalaking ito.
.
After a second ay pumihit pabukas ang pinto at pumasok na siya. Napansin kong medyo may slight na pagbabago sa kanya. Medyo buff at medyo kinulang ng suklay ang buhok pero maayos parin tignan. Medyo malamlam ang mga mata na parang pagod. Ganito ang itsura niya sa tuwing kagagaling sa puspusang physical at technical training. At may isa pa akong napansin, there is something wrong or not right sa kanya. Hindi ko lang ma-sort out kung ano basta may naiba na.
.
"Hindi ko inaasahan na ikaw ang ipapadala dito. Ang akala ko ay isa kina Jett, Collin or Leon." sabi ko ng makaupo ito sa couch.
.
"May mission silang iba ngayon.!" tipid nitong sagot sa akin with a serious gaze.
.
"Ah, ok.." wala sa mood kong sagot.
"Yan lang ba ang masasabi mo?" medyo lumungkot ang tono ng boses niya nang sambitin ang mga katagang iyon. May hindi nga tama sa kanya... Hindi na siya tulad ng dati.. Or not?
.
"Hindi mo ba ako namiss man lang. It's been like a month na hindi mo ako pinapansin ah. Nakakasakit na yung treatment mo..." sa ganoon paring tone na pagkakasabi nito.
.
"Ah... Uhm—" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil muli itong nagsalita.
.
"Where can I put my things? May extra room ba dito?" this time his face lighten up. Biglang nag switch ng mood. Ang bilis ah!
.
"May isa pang unused room just next to mine. Just take thay way at kumanan ka, yung pinto sa kaliwa ang room mo." itinuro ko ang direksiyon ng kanyang kwarto.
.
Ngumiti ito sa akin ng bahagya at nagsimulang tumayo. Naglakad ito patungo sa akin bitbit ang bag na naglalaman ng mga gamit niya. Nang makalapit siya sa akin ay muli itong magsalita.
"It's nice to see you again!" sabi ni Vince at nilagpasan ako.
.
"Magpapahinga lang ako. Don't bother waking me up nakakain na ako kanina. And thanks for the hospitality!..." sabi nito ng hindi ako nililingon bago ito lumiko pakanan at nawala.
BINABASA MO ANG
The Water Bearer (Slow Update)
Fantasy? ? Maria Claudette Escalante, a woman with gift and extra ordinary ability. A CHARMER. An ELEMENTAL user..... And a HEALER!. Ano nga ba ang lihim ng kanyang pagkatao? Ano ang mga bagay na nakatakdang mangyari sa kanya. Ngayong nakikisalamuha na si...
