8th: The Arrival

429 24 2
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Will this work?" tanong ng isang binatang nakatayo sa gitna ng isang magical platform na yari sa CHARM.

.

"It will, magtiwala ka lang bata." sagot ng isq sa mga nakakatandang lalaki na nakatayo sa labas ng platform.

.

"Kailangan ba talaga itong gawin Sir?" muli nitong tanong. Apat na tao ang nasa labas ng platform at nakapalibot sa kanya ngayon.

.

Mga guro ito ng Charm Academy at kasama din nila ang punong guro nito na si Serena. They are performing an ancient spell that can transfer angelic and demonic energies into a catalyst.

.

"This is needed for your mission boy. Kaya wag ka nang umangal okay!" saad ni Serena.

Tumango na lang ang binata at tumahimik. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang apat sa seremonyas na gagawin. Sinuot na ng binata ang medalyon na magsisilbing catalyst at pumikit. Nagsimula na sa pagliliwanag ang mga simbolong nakaukit sa plaform na kinalalagyan ng binata maging ang suot nitong medalyon. Umusal ng mga sinaunang salita si Francis Hugo Eridanus at umigting pa ang pagliliwanag ng medalyon at ng platform. Sumunod na sa pag-usal ng dasal ang tatlo pa nitong kasama na sila Chase, Evergreen at Serena....

.

Lumipas ang ilang minuto at natapos rin ang kanilang seremonyas ng maayos. Napagtagumpayan nilang maisalin ang summoned essence ng holy at unholy beings sa medalion na suot ni Vince Toledo (The Teleporter). Nawalan ng malay ang binata matapos gawin ang pagsasalin pero maayos naman ang lagay nito. Nanghina lang ang katawan nito dahil sa hindi pamilyar na kapangyarihang naramdaman mula sa suot nitong medalion.

.

5 Days Later....

.

"Alis na po ako!" masiglang sabi ni Vince sa mga guro at ilan sa miyembro ng Magic Council.

.

"Good Luck sa mission mo bata! Ikamusta mo kaming lahat kay Maria." bilin ni Sir Hugo dito.

.

"Always report everything to us para may knowledge kami sa mga nangyayari. And be cautious sa paggamit ng hiram mong kapangyarihan. Don't let your guard down Vince especially when you're with the enemy." sabi naman ni Principal Serena. "And promise me one thing,..." pinutol muna nito ang sinasabi upang humugot ng hininga.

"Ano po yun?" tanong ni Vince.

"Don't let anything happenn to her. Ilayo mo siya sa kapahamakan!" seryoso ang boses ni Serena habang sinasabi yon sa binata.

.

Tumango lang ito at kaagad na naglaho ng parang bula sa harapan nilang lahat...

.

"Vince POV"

It's been five days since umalis si Maria sa Charm Academy. Biglaan yun at hindi ko man lang nalaman. Hindi kasi ito nagpaalam sa akin. She's been acting cold since nung breakup namin two weeks ago. She broke up with me dahil lang sa isang mababaw na dahilan. Dahil daw sa pagiging childish ko kaya siya nakipaghiwalay.

.

"Ang babaw niya talaga! Tss!" hindi naman ako childish ah. Playful, palabiro, hyper at socially active ako. At hindi yun pagiging childish! God!

The Water Bearer (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon