6th: The Real Reason

336 24 5
                                        

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Maria's POV"

Masakit ang ulo ko ng magising sa aking malambot na kama. Agad kong tinignan kung anong oras na. Lagpas 3pm na ng hapon ng mga oras na iyon. But wait! Why am I here? Ang huli kong naalaa ay—

"Shit! Paano ako nakauwi dito?" bigla kong naitanong sa sarili.

.

May ginawa yung nilalang na tumulong sa akin kanina na nagpawala ng aking kamalayan. And my wounds, wala na... Kahit yung mga punit sa damit ko wala narin. Alam ko eh wala akong kakayahang magrestore ng mga nasirang bagay.

Siguro dinala ako ng kung sinuman na tumulong sa akin kanina pauwi. Hindi ko na ipagtataka kung bakit nito nalaman ang mga ganoong impormasyon na patungkol sa akin. Those beings are superior than us. But why did he helped me back there?

Marami pa talaga akong kailangang matutunan kung gusto kong tumagal dito sa lugar na ito. Siguro naman they follow some sort of rules here. Baka merong tumatayong pinuno sa kanila at nagpapanatili ng kaayusan ng mga naninirahang Halflings dito sa village.

.

Napatingin ako sa side table na nasa gilid ng aking kama. May note akong nakita. Isang note na nakasulat sa isang magandang klase ng papel. Kinuha ko ito at binuklat para basahin.

"Take a rest! It's your first day at work tonight. Don't wander alone again. It's not safe for someone like you....

See you tonight, Claudette.."

Ito lang ang nakalagay sa note. Ang dami na agad nitong alam sa akin pero ako ay wala kahit katiting na idea about his identity. Pero sabi nito na magkita na lang daw kami mamayang gabi. Ibig ba nitong sabihin na maaaring isa siya sa mga may-ari ng hotel?

.

Sa pagkakaalam ko ay pag-aari ng pamilyang Isolet ang hotel at iilan pang mga establisyemento sa bayan. Pero little by little ay makikilala ko rin ang mga ito since sa kanila ako magtatrabaho. Ano ba itong napasukan kong bagay?.

.

Bigla kong naisip ang sulat na binigay ni Miss Serena sa akin. Bubuksan ko na ito nang maliwanagan ako...

.

"It's time for me to open it."

Tinago ko ang sulat sa ilalim ng drawer. Nakaipit sa isang maliit na notebook. Agqd ko itong kinuha at dinala sa labas ng kwarto. Nakaramdam narin kasi ako ng gutom kaya dumiretso ako sa kusina.

I placed the letter at the top of the round table and get some foods. Kumuha narin ako ng maiinom saka umupo sa upuan. I started eating at nung malapit ko ng maubos ang kinakain ay binuksan ko na ang sulat....

Sulat kamay ito ni Miss Serena...

Ito ang nilalaman ng sulat nang basahin ko....

**************************

Dear Maria,

Marahil ay may natuklasan ka nang kakaiba sa nayan kung saan kita pinapunta. I told you to read this letter when the right time comes. And now is that time, lilinawin ko lang ang ilan sa mga bagay na marahil bumabagabag sa'yo.

Dameris is just like the magic world kung nasaan matatagpuan ang apat na magic sectors (Greven, Mirandi, Augury at Saphiro). Sa lugar na iyan nakatira ang mga Halflings at ibang lower beings. You are there for a purpose Maria.

I know you want to discover your past. And I have or I am the key to that information. Maria alam kong mahalaga sayo na malaman ito, wala lang akong lakas ng loob na sabihin sayo ang lahat. But now that you are old enough ay ipagtatapat ko na sayo.

.

Maria, I knew your mother. Emerald ang pangalan niya and she is a citizen of Dameris. She is a NEPHALEM, a being possessing both Angelic and Demonic origin. A supreme being...

My brother Meynard was your father, you are a mixture of a Nephalem and a pure blood Charmer. At dahil doon naging komplikado ang lahat. Nangamba ang konseho ng mga Halflings. Hindi sila nakikipaghalubilo sa iba gaya ng mga normal at sa mga gaya natin. For them hindi tayo nararapat o nababagay sa kanila.

Ang relasyon ng ama mo sa iyong ina ay isang ipinagbabawal na ugnayan. They broke the law at pinagbayaran nila ito ng kanilang mga buhay. After matuklasan ng council at nang tumatayong DOMINUS nila noon ay kaagad na pinaghiwalay nila ang mga magulang mo. Unfortunately ay nagmatigas si Meynard at pinilit na makita si Emerald. Nilabanan niya ang mga Nephelim at Cambion na tagasunod ng kanilang Dominus. Isang makapangyarihang CHARMER ang iyong ama. He possess the water element charm, gaya ng sayo. You got it from him Maria. Nakapatay ang ama mo ng maraming mga halflings pero wala siyang naging laban sa tumatayong leader ng mga kaaway. Napatay siya nito.

Your mother gave birth to you months later at ihinabilin ka sa akin. I lived for several years sa Dameris at doon ka pinalaki until you turned 6 years old. You started showing signs of CHARM activity. Hindi ka nagpamalas ng ibang ability na kagaya ng sa kanila. You were exiled. Dahil sa hindi ka nagkaroon ng ability na gaya ng sa iyong ina kaya pinaalis tayo sa Dameris and moved to Greven. Hindi pa ako ang tumatayong principal ng Charm Academy noong mga panahong iyon. I removed all your memories para mawala na sa isipan mo ang mga bagay na kumokonekta sayo sa mga Halflings o sa village. And I'm sorry for that,..

I hope you're not mad at me for not telling you the truth.

.

Hanggang doon na lang muna ang sasabihin ko...

You can always contact us here sa Academy if you need anything else. I treated you just like my own child...
Mag-iingat ka palagi...

Don't make any reckless decisions...

.


PS:

I'm sending someone to accompany you! More like your bodyguard...

Wala akong maisip na iba...
Besides may pinagsamahan naman kayo kahit papaano eh...

.

**************************

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksiyon ko sa mga nabasa kong rebelasyon sa sulat..

As in tulala ako sa mga nalaman...

Di ko na lang namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata....

Bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan at pangungulila sa mga magulang na hindi ko man lang nasilayan...

.

I also felt anger! Sa mga halflings na naging dahilan ng pagiging ulila ko sa aking mga magulang...

.

"Ipaghihiganti ko kayo, papa at mama! I won't rest untill that bastard paid for all that he did!" naikuyom ko ang aking mga kamao.

.

Sino ba ang Dominus na iyon? Could it be possible na ito parin ang tumatayong pinuno nila ngayon. Isang Nephalem, o isang immortal being na halong demonyo at anghel.

"Tutuklasin ko kung sino ka man! Gagawin ko ang lahat to make you suffer!" naibulalas ko...

.

.

End of Chapter....

All right! So ano na sa tingin niyo?

Nakikita niyo na ba ang magiging kahihinatnan ng kwento?

Comment and vote lang.....

The Water Bearer (Slow Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon