Talagang mapaglaro si destiny~ also known as tadhana.
Matapos ang mga nangyari sa resto-bar akala ko hindi na muling magtatagpo ang aming landas.
Isang maling akala.
Lirienne Celeste Wynsige, ang bagong propesora dito sa CCU. Dahil sa kanyang kab...
Habang inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga garbage bags dito sa dumpster dahil bukas ang araw ng paghahakot ng truck ng mga basura.
Napagtanto kong magpapasukan na ulit at matatapos na ang mga araw kong walang inambag sa lipunan dahil nakahilata lang ako magdamag.
Nang matapos ay agad kong pinaliguan ng alcohol ang mga kamay. At naglakad ng pabalik sa loob ng resto-bar.
Tahimik kong binabagtas ang parking lot nitong resto-bar ni Tito Renz kung saan ako nagtatrabaho bilang bartender at waiter. Dalawa ang binigay na trabaho sa akin dahil bagong bukas pa lamang itong resto-bar niya, tinanggap ko rin dahil triple ang bayad sa’kin. Bukod sa malakas ako kay Tito Renz e kailangan ko ng pera para maging poor kid na may pang jabili.
Nadaanan ko pa ang mag-ama na si Tatang Guard at Manong Guard na nagkakape at kumakain ng snack pampawala antok dahil alas onse na rin ng gabi.
Mula sa tahimik na paligid at pagtiktik ng butiki hanggang sa may hindi kalakasang pagsigaw ng babae, oo babae dahil mahinhin.
“I’m not interested in whatever you have to say.”
Kasunod ang mga yabag na sa tingin ko ay nagmumula sa mga takong.
“I’m so sorry I hurt you. I promise to be more considerate in the future. Please!”, boses ng lalaki.
Wow spokening dollars with aussie accent pa.
Pero bakit parang pamilyar?
Dahil ako’y mabuting nilalang at isang introvert, nakitsismis ako sa lover’s quarrel nila.
Natanaw ko sila banda sa isang White Mercedes-Benz C-Class.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Grabe ang angas!
Kung ako ‘yan, Bench & Bath towel lang afford ko.
Hanggang sa tuluyan kong naaninag ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Anak ng tokwa!
Ang babaeng pashnea na imbis magpasalamat, sampal ang inabot ko, at ang makulit na hator na naman.
Makasibat na nga!
Parang naramdaman ko na naman yung sampal ng pashneang babaita.
Kailangan ko ng makaalis bago pa nila ako makita, bahala na sila sa lq nila.
Kaya naman sa pang-limang sasakyan simula sa mga nag-aaway na made in another nations, dumaan ako sa likuran nitong 2023 Audi R8 Spyder.
Pero dahil sa labis na pagkamangha tiningnan ko na pati ang bandang driver’s seat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kapag talagang sinampal ka ng kahirapan magiging thankful ka na lang na kumpleto kuko mo sa paa at walang ingrown.
Sa sobrang astig willing akong magpasagasa kung ganito kaganda at kaangas ang sasakyan. Hihilata pa ako sa dadaanan.
Nakapamulsa ako habang pasimpleng tinitingnan na halos kumikinang ang mga mata sa labis na paghanga sa kotse.
Naririnig ko pa rin ang pagtatalo ng dalawa, pero wala na akong pakialam dahil lubos kong hinahangaan ang sasakyang nasa harap ko.
“I’m not interested in you, I'm already committed to someone else.”
“I can’t believe you just said that!”
“I’m telling you the truth. She’s right here.”
“She?!…Wait, you mean her?”
Eh?
Bakit parang ang lapit ng mga boses nila?
Paglingon ko sa aking gilid, ang napakagandang mukha ng pashneang babae ang bumungad sa’kin.
Napamaang na lang ako sa sumunod na nangyari...
Isang malambot na labi ang nakalapat sa aking labi?
Tekaaaa...!
Anong nangyayari?
Pigil hininga kong pinoproseso kung talaga bang hinahalikan ako ng babaeng ito.
Napasandal akong tuluyan sa sasakyang kanina ko pa tinititigan.
Tampalasan!
Sa mga engkantong nandito pakilayo ho ako sa enkantadang ito.
Hindi porket napakaganda mo e pwede ka ng manghalik basta.
Aba!
Anong karapatan mo?!
Napapikit ako ng tuluyan sa biglaang pagkagat nito sa lower lip ko na tila nanggigil pa. Kasabay ang pagpulupot ng mga braso nito sa aking leeg na mas nagpalapit sa aming mga katawan.
Hala sya! Maghunos dili ka!
Parang noong isang gabi lang e sinampal mo ako tapos ngayon walang kagatol-gatol mong nilalapastangan ang mga labi kong birhen.
Parang konti na lang malalagutan na ako ng hininga, kaya napatugon ako at ramdam kong napangiti pa ito.
Naputol ang paghalik niya sa’kin, dahil parehas na rin kaming naghahabol hininga. Nagkatitigan kami at kita ko sa mga mata nito ang pagkamangha, kasabay ang mapaglarong ngiting nakasilay sa mga labi nito.
Lintik na 'yan!
Parang gusto kong masaniban ni Medusa at gawing bato ang mga tao ngayon.
“I know I made you wait, bae, but I'm sure you're glad you did when you feel my lips on yours.”
Habang haplos ang aking kaliwang pisngi kung saan banda niya rin ako sinampal, binigyan niya ito ng masuyong halik na tila ba pampalubag loob sa pagsampal sa akin.
Pero teka, ano raw? Bey? Beywang na garlic kapag may braces ang nagsabi o Beywang ng sexbomb na sumasakit?
Ang kornik talaga ng utak ko madalas.
Baka huntingin ako nitong hator! Mukhang delikado ang tahimik kong buhay.