EINS

682 46 4
                                    

“Wow! That’s... something else. It’s almost impressive how awful it is!”

Hindi makapaniwalang sambit ng isa.

Nandito pa pala ang hator na sa sobrang gulat e halos magkasing laki na sila ng bibig ni Pennywise.

“Honestly, you could do way better. You deserve someone truly amazing...like, well, me, for example.” Sabi pa nito.

Kunot noo kong tiningnan itong hator.

“Ano bang pinagsasabi nito e mukhang mas mahaba pa kikiam kaysa diyan sa tinatago mo.” Bulong ko at batid kong narinig nitong nakayakap na estranghare sa’kin dahil nakarinig ako ng mabining pagtawa.

Gandang musika sa tenga.

Pero why ka naman ganiyan Lord, bakit hindi ganiyan kaganda ang akin?

Favoritism!

Ikaw na ang babaeng pinagpala sa lahat. Hinakot ba naman lahat noong nagpaulan ng blessings.

Habang nagrereklamo ang utak ko, naramdaman kong kumalas ang estranghera mula sa pagkakayakap sa akin. At hinarap ang hator.

“Your backhanded compliment is as transparent as your intentions. I am not a damsel in distress, nor am I a prize to be won. I am a self-sufficient and independent woman who is perfectly capable of living my life without the need for a man, let alone a boy like you. Your advances are as unwelcome as a maggot on a platter of gold. If you don't cut it out, things are gonna get serious!” With a glazed expression on her breathtaking face.

Bakas sa mukha ng hator ang gulat at pagkapahiya.

Binigyan niya pa ito ng nakakainsultong tingin na parang isang insekto ang nasa harap.

“One more thing...”

“You are the human embodiment of a bad case of diarrhea, a foul-smelling mess that is impossible to get rid of. You are a blight on society, and your existence is a testament to the absurdity of the universe. You are the reason why a god created the middle finger, and he is clearly using you as a cosmic joke.”

Grabe ‘yon, a biting remark with finesse. Mapapakanta ka na lang talaga ng pretty pretty savage.

Humalukipkip pa ito habang nag-aabang sa sasabihin pa ng lalaki.

Labis na inis ang makikita kay hator ngayon.

Tiningnan niya ako at dinuro.

“Bakit?… Dahil ba dito sa babaeng ‘to? She’s a gold digger. She’s just after your money.”

Napagbintangan pa nga sa bagay ni hindi ko naman ginagawa, wala namang minahan dito ng ginto kaya paano ako maghuhukay, pauso rin e.

Tiningnan pa nito ang kabuuan ko at ngumisi ang mokong, feeling niya ata pogi siya sa part na ‘yon, nagmumukha lang siyang bingot.

Nakipagtitigan ako habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

“Come on Celeste, isang tulad lang talaga nito? Eh mukhang hindi pa ata ‘to napalaking maayos ng magulang niya.”

Napapitlag ako sa huling sinabi ng hator. Wala naman akong pakialam kung anong sabihin patungkol sa’kin, pero idamay ang pamilya kong nananahimik na…ibang usapan ‘yon. Hindi ko na mapapalampas pa.

I sear him with a gaze that leaves an indelible mark on his psyche.

Ramdam ko namang nakatingin sa akin si Celeste, kung tama ang pagkakarinig kong iyon ang pangalan niya.

Humakbang ako patungo sa pwesto ni hator na siyang ikinaatras nito. Tanging hakbang lang ng mga paa ko ang maririnig.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalapit ako rito.

“What?!…Lalaban ka?”

Nilagpasan ko lamang ito at ikinumpas ang kamay. Hanggang sa ito’y matumba. Seryoso ko itong pinakatitigan habang walang malay sa sahig.

Ginamitan ko lang naman siya ng isang pinagbabawal na teknik.

I deliver a precise blow to the vagus nerve in his neck, sending him into a deep slumber.

“You’re the kind of fighter that I’d love to take out on a date after the match”, she said with amusement.

Napaharap tuloy ako sa kanya. Kita ang nakakabighaning ngiti nito na dahilan para maalala ko na naman ang paghalik niya. Napasuklay na lang ako sa buhok kong hanggang balikat para maibsan ang hiyang nadarama.

“Now, tell me your name, bae.”

Sa tonong parang nang-aakit, o baka sa pandinig ko lang at ako’y nabibingi na. Sabay lakad palapit sa kinaroroonan ko, na siyang aking ikinataranta dahil hindi ko na kinakaya ang babaeng ito.

“No habla ingles, ah.........hasta la vista. Babu!” Sabay karipas ng takbo papuntang office.

“Hey, wait!” sabi pa nito pero hindi ko na nilingon.

Nakarating ako sa office at nagmamadaling kinuha ang bag. Tinungo ko na kung saan nakaparada ang bisikleta ko. Panatag naman ang aking loob na hindi kami magkikita nung enkantada dahil malayo-layo ito sa parking lot ng mga kotse.

Magcha-chat na lang ako sa kanila pagkauwi. Importante makalayo muna ako rito, masyadong magulo ang sistema ko ngayon dahil sa pashneang babae na ‘yon.






___________________________________________________

“Running away from me is not a wise move, bae. Let’s see each other again soon”, I said smiling.










LacunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon