Panibagong semestre na naman ang nagsimula, at dahil masipag akong nilalang unang araw pa lang late ako.
Kampante lang akong naglalakad papasok sa gate ng CCU dahil panigurado namang wala pang ipapagawa ang mga propesor kung sakali.
“Magandang umaga sa matikas na guard at walang kupas ang kakisigan.”
Pang-uuto ko para hindi ako sermonan dahil napakaaga ko nga naman para mamayang hapon.
Habang nakasaludong animong uma-attend ng CAT noong high school pero lagi namang nagpapalusot na kung ano-anong masakit sa katawan makaiwas lang sa training.
“Third-year college ka na ineng at wala ka pa ring pinagbago.” Kasabay ang pag-iling nito.
“Pumasok ka na, pasalamat ka at may meeting ang mga propesor kaya bakante kayo ngayon.”
Kaya pala medyo marami-rami ang mga nagkakalat na estudyante, may mga bagong mukha at sa wari ko’y freshman na hinayaang makapaglibot sa unibersidad.
Mabuti naman kung ganoon dahil hindi ko pa naman alam kung terror ba ang unang propesor namin.
Ang bait ng langit sa’kin ngayon ah.
“Naks naman updated Kuya Guard, sige ho papasok na ako.”
“Dismiss.”
Ako na nag-dismiss sa sarili ko, sariling sikap dahil pinagtatawanan lang naman ako ni Kuyang Guard.
Sabay baba ng kamay kong nakasaludo sa kanya kanina at nagmartsa na papasok. Ganto ang madalas kong gawin kahit noong first-year ko pa lamang lalo na kung late na talaga ako.
Happy pill talaga ako nito ni Kuya Guard kahit noon pa.
______________________________________________________
“Bakit ka pa pumasok?”
Ang napakagandang bungad ni Oral sa’kin pagpasok ko sa classroom.
Akala mo hindi nanggulo noong bakasyon sa apartment at inubos lahat ng pagkain ko na simot miski mumo.
“Bakit?…Ano bang meron? Ang sabi sa akin ni Kuya Guard may meeting yung mga professors kaya bakante ngayon.”
“Ah, hindi sinabi ni Kuya Guard na may meeting lang tayong mga estudyante mamayang ala una sa auditorium.”
Naisahan ako ah.
Madalas kasi kay Kuya Guard na ako nakuha ng mga impormasyon at alam din niyang uuwi agad ako lalo’t meeting lang ang gagawin.
Paano ba naman kasi, nakakaantok dahil sa haba ng sinasabi pero wala akong naiintindihan at yung mga mata ko hinehele lang ng hangin para pumikit, pwede ko na lang naman itanong sa mga boang yung napag-usapan sa meeting.
Speaking of boang kulang pa kami.
“Oy Oral, asan naman si Polen?”
“Inutusan ni Miss Ferriera.” Walang tinging wika nya dahil busy sa ml.
Tumayo ako sa harap nito at tiningnan kung sino ang gamit na hero.
“Anong klaseng ss iyan Oral, gaig kalaban ang tamaan mo hindi yung damo, what if asintahin mo kaya. Sayang skill, basic na nga ni Gatot gamitin e.”
BINABASA MO ANG
Lacuna
OverigTalagang mapaglaro si destiny~ also known as tadhana. Matapos ang mga nangyari sa resto-bar akala ko hindi na muling magtatagpo ang aming landas. Isang maling akala. Lirienne Celeste Wynsige, ang bagong propesora dito sa CCU. Dahil sa kanyang kab...