DREI

533 38 34
                                    

Sumunod na rin kami at naupo sa swivel chair.

Pumunta si Sir Lex sa harap. May binigay siyang brown folder sa aming tatlo.

“I gave you the file to read over. You can look at it when you get home.”

Nilagay ko na sa bag ang folder at baka makalimutan ko pa, delikado na. Nakita kong ganoon din ang ginawa ng dalawa.

“Alright, let’s get started with our meeting. Alam naman nating pare-pareho na binigay ng mga seniors niyo ang korona at responsibilad nila sa inyo dito sa SSC.” Panimula ni Sir Lex na siyang SSC advisor.

“Mas lamang nga lang ang istris.” Pabulong na hirit ni Oral pero dinig naman naming lahat.

“We discussed it and agreed because we all know you are responsible, smart, and capable of your positions. And also sumang-ayon ang lahat na hanggang fourth-year niyo e kayo pa rin ang SSC president, vice, and secretary.”

Napatango na lang kami dahil totoo naman ang mga sinabi ni Sir at isa pa napagtulungan kami ng mga seniors namin kaya hindi na kami nakaangal.

Total mga paladesisyon sa buhay ang mga iyon, tinanggap na lang namin nang hindi bukal sa aming mga kaloob-looban, balun-balunan, at atay.

Kaya heto kailangan maging isang butihing estudyante lalo na sa mga freshman ngayong school year.

Ginawang ala una ang Freshie Orientation and Welcome Assembly para bigyan oras ang mga freshman na makapaglibot at maging familiar sa university.”

Taimtim lang kaming nakikinig habang ang secretary namang si Polen ay busy sa pagsulat ng meeting minutes. Buti na lang talaga may kaibigan kaming masipag kahit na paminsan wala sa wisyo ang isang ‘to.

“Obligado ang bawat estudyante na umattend mamaya dahil may announcement ang Chancellor.”

“Ano ‘yon Sir?” Halatang mahilig sa tsismis si Oral kaya hindi dapat tinutularan.

“Oo nga Sir anong chika?” Sunod namang tanong ko. Habang si Paulyne ay nakatingin na rin kay Sir at naghihintay.

So eto na nga ang tea.”

Pumilantik na ang daliri ni Sir Lex hindi katulad kanina na akala mo e kung sinong straight na hindi naghahanap ng abs. Kapag ganito na ang pananalita ni Sir, cheese mode na.

Dumating na yung bagong hahawak nitong university, and gusto niyang magturo para masuri at mapag-aralang mabuti kung ano bang mga dapat gawin at baguhin dito. Para sa kapakanan ng mga estudyante, professors, at iba pang personnel ng university. Mas madali raw makakuha ng impormasyon kung nakakasalamuha niya ang mga tao dito." 

Pagpapatuloy pa ni Alexa habang may palakad-lakad effect at tila nagmomodel. Lex sa umaga, Alexa sa gabi.

Sabagay may point nga naman.

“At ang pasabog pa…”

Pangbibitin pa niya. At ang sabi ng instinct ko isang masamang pangitain.

“Isa siya sa magiging professors niyo. Good luck girls!” Sabay ngiti na tila ba natutuwa dahil may parating na delubyo.

“Ang creepy naman ng pagkakangiti mo Sir.” Komento ni Polen na tinawanan lang nito.

Tawang-tawa Sir? Kapag anak nga naman ng dibil.

“Don’t worry girls credible si Miss Wynsige na maging professor niyo sa major subjects. Beauty and brain with Victoria’s secret model na body kaya alam kong marami ang sisipagin mag-aral. I’m sure na marami kayong matututunan sa kanya. Huwag niyo lang paiinitin ang ulo dahil mukhang laging si anger ang may control ng buttons.”

Sabay iling. Pero sa pagkakasabi ni Sir Lex na halatang proud ay talagang nakuha nito ang atensyon namin.

Wynsige? Kamag-anak ba nina Miss Janiya at Miss Keila ‘yon?” Hindi ko napigilang itanong dahil sa kuryusidad.

“Yes, magpipinsan ang tatlo.”

“Anong buong pangalan Sir?” Tanong naman ni Oral.

“Miss Lirienne Celeste Wynsige.”

“Halatang yayamanin si Miss, pangalan pa lang kabog na. Close kayo Sir?” Sigundang tanong ni Polen.

“Yes, we’re friends, actually childhood friends. And no, hindi ko pa nasasabing pusong dalaga ako. Inunahan ko na kayo dahil sure naman akong iyan ang sunod niyong itatanong. Kitang-kita sa hilatsa ng mga pagmumukha niyo.” Matinis na mahabang lintanya ni Sir sa amin.

Oo nga halatang expensive si Miss Wynsige.

Sana lang hindi ako bumagsak sa kanya.

Lalo na mukhang hindi lang iisang major subject ang hawak niya sa'min.

Pagkatapos magbigay ni Sir ng cheese pumunta na kaming  cafeteria nitong university. Tulad ng sabi ni Oral nilibre niya ako.

Galit-galit muna dahil sa gutom.





________________________________________________________

Pagsapit ng ala una, nag-umpisa na ang Freshie Orientation and Welcome Assembly.

Tulad noong freshman kami tinalakay ang history, DOs and DON’Ts ng university. Sa dress code, as long as disente at hindi nakikita ang mga maiitim na kaluluwa ay malaya kang makakapasok.

Hanggang sa matapos at maubos ang mga katanungan ng frehsman.

Next naman gaganapin ang Freshman welcome party na kaming mga nasa SSC ang mag-oorganize.

Tungkol naman sa announcement ni Mr. Chancellor ay hindi natuloy dahil sa may biglaang meeting daw ito kaya isasabay na lang next week sa welcome party.

Parang lagi namang wala si Mr. Chancellor kapag may meeting. Kaya madalas hindi na rin ako naniniwala na required umattend ng meeting dahil may announcement daw si Mr. Chancellor, budol madalas.

Nakauwi na kami ng bandang alas singko at napag-usapang magkita mamayang ala siyete ng gabi sa resto-bar ni Tito Renz kung saan kami nagtatrabaho bilang bartender at waiter.

Kaya matutulog muna ako para may lakas mamayang gabi. Baka may makasagupa na naman akong kababalaghan.

LacunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon