Bigla na lang ako napabalikwas nang bangon dahil sa may kung anong bumagsak sa bandang tiyan ko.
Nakita ko ang pusang bilugan na pwede ng gawing bowling ball, na pasimpleng bumaba ng kama at akala mo walang krimeng ginawa.
Napakabigat mo kayang pashnea ka.
Habang kumakain, tiningnan ko ang folder na binigay ni Sir Lex kanina. Lahat ng impormasyon ay detalyadong nakalagay.
Leticia Celeste Wynsige
Dahil siya'y paboritong anak ng langit at talagang pinagpala pati sa katalinuhan.
Prodigy.
Advanced ang studies at ang dami ng achievements niya.
"Hanep." Tanging nasabi ko na lang sa pagkamangha dahil napakahusay nito.
"Kung ganito ba naman ang profile ng bagong professor matik na mahihirapan ang mga petiks na estudyante, lalo na si pancit canton lang ambag."
Nasa panglimang pahina pa lamang ako ng file nang tumunog ang alarm ko.
"Ipagpapatuloy ko na lang ang pagbabasa bukas." May ten pages ba naman ang file, siksik at liglig sa information ang folder.
Mapapasaludo na lang talaga ako sa taglay niyang galing bilang informant.
Self-proclaimed HUMINT.
Mas cool daw pakinggan kapag iyon ang tawag.
Dahil sa pagiging perfectionist ni Sir in a good way, ang mga essay na pinapagawa niya daig pa speech ng presidente ng bansa sa haba.
Talagang mapipiga hindi lang utak, pati mga laman loob para sa mga highfalutin words na alam mo.
Napapakiusapan naman si Sir minsan, at sa minsan na iyon e mas malabo pa sa Ilog Pasig.
Masagi lang sa isip ko ang pa-essay niya, nagiging blangko na agad utak ko. Kung baga kapag nananaginip hindi na maalam magbasa at magbilang.
Nagiging anemic na ata ako kakagawa ng essay na palong-palo sa english.
Noong minsang pinagawa kami ng essay nilagyan namin ng lyrics at quotes para magmukhang mahaba.
Ayon nahuli kami, akala namin hindi niya binabasa dahil puro pagawa lang kasi si Sir Lex dati ng essay. Akala ko makakalusot sa sobrang dami, maling akala.
Hays, good old memories.
Ngayon natuto na kami. Hindi na lyrics nilalagay namin, bible verses na para hindi makapagreklamo si Sir.
Perks ng pagiging matalimad (matalinong tamad).
________________
Bilang isang pinoy na laging dumarating sa takdang oras, pasado 6:45 p.m nasa resto-bar na ako.
Samantalang ang mga kasama kong mala-disney princess sa bagal kumilos, malamang sa malamang maghihintay na naman ako.
Mapapabuntong hininga ka na lang kung ganito mga kasama mong mortal.
Nag-send na ako ng message sa group chat namin na bilisan nila bago ko pa maging kamag-anak lahat ng lamok dito.
Habang busy sa pagtipa sa cellphone may naaninag akong pamilyar na pigura na lumabas mula sa kotse.
Tanaw kasi mula sa pwesto ko ang parking lot.
Pero hindi lang ako sure kung siya ba ang taong inaakala kong naaaninag ng mga mata kong may twenty-twenty vision.
BINABASA MO ANG
Lacuna
RandomTalagang mapaglaro si destiny~ also known as tadhana. Matapos ang mga nangyari sa resto-bar akala ko hindi na muling magtatagpo ang aming landas. Isang maling akala. Lirienne Celeste Wynsige, ang bagong propesora dito sa CCU. Dahil sa kanyang kab...