First day of class again. Di kasi nakamove on ang buong academy sa sobrang saya kahapon kaya nag-party-party sila.
Eil, Lyv and me started our way to our first subject, and this subject is the subject I hate the most. Slap me now if I tell you Mathematics is boring and crazy. Di ba kasi simple math lang naman gamit natin sa everyday living natin? Tell me, would you use Pythagorean theorem para bilangin ang sukli mo? O di kaya Quadratic formula para bilangin ilang itlog ang nilabas ng inahin? Don't get mad at me ha? Ganun lang talaga ang pananaw ko. Ehe. Kasi nga I hate Math because Math will never love me back, binasted niya ako.
By the way magkasama na pala kame ni Eil sa dorm. Yeepee! Hehe. Kasi Eil took the one remaining room of our dormitory. Isa nalang kasi may dumating kasi kahapon, but I never had the chance to meet her yet. Babae raw sabi ni Eil.
"Lyv, mahilig ka ba sa boring na Math?"
"Hoy! Wag mong binoboring-boring ang Math. Don't you know that life is full of math? Ang math ay lahat-lahat. Math is love."
Hala. May tagapagtanggol ng Matematika. Tahimik na nga lang. Baka awayin pa ako ng tatlong to. Kasi nga 3 in 1 siya di ba? Parang nescafe lang.
"Sige nga define Math in 3 words." Mukhang nakikisakay na rin si Eil.
"Math is blind."
Nagtawanan kame ni Eil sa sinagot niya. Sakit sa panga. Haha Math is blind daw.
"Di ba dapat love is blind yun?" Tanong ko na di ko parin mapigil tawa ko.
"Kung ang love nga ay blind hindi niyo na tinatanong bakit, pero kung ang Math ay blind tatanungin niyo pa bakit? Basta. Math is blind."
"Hay naku! Labo mong kausap." I commented with a sarcastic laugh.
Pumasok na kame ng room. Then we sat down at the back and continued our none sense chitchats. Push parin talaga ni Lyv ang Math is blind niya. Tapos bigla nalang naghiyawan ang mga babae at nagtakbuhan sila palabas.
"Paparating na dito ang Royalties!!"
Tapos yung mga naiwan sa loob, nagtakbuhan rin palabas. Tapos nagtilian sa pagdating ng mga Royalties. Ay sus! Gasgas na yang ganyang scene. Paulit-ulit ko na yang napapanood sa mga movies at nababasa ko rin lagi. Kaya kameng tatlo nanatiling nagchikahan. Pake namin kung magaling sila, kahit naman tilian ko sila sa tenga, di naman nila ako kilala. Sayang lang boses ko.
Sa pag-uusap namin, bigla nalang nagliyab ang buhok ko. The h*ck! My hair us on fire. This girl is on fire. Pareho kameng nataranta. Napatayo sina Lyv at Eil. Ako? Para akong inahing na naloka takbo dito takbo doon. Ang inet! I'm literally hot and on fire. Ako na ngayon ang center of attraction. Nabaling sakin ang atensyon ng mga gods. Nagtawanan sila sa freak show ngayon. Kainis! Kakalbuhin ko ang may gawa nito I swear! Napatakbo ako sa nearest faucet. Tapos naagapan rin ang sunog. Sa wakas! Ang init non. Pwede akong malitson sa ganun.
Halos maluha ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Sunog na sunog ang buhok ko. Sirang-sira ang buhok ko. Daig ko pa ang babaeng nasunog ang buhok dahil sa rebond. Ang buhok ko! Ang maganda kong buhok! Napadeath glare ako sa taong pinagsususpetsahan kong may gawa ng karumaldumal na krimeng to. Di ako pwedeng magkamali. Siya talaga ang may gawa nito.
Nagtatawanan parin yung mga tao sa akin. Sino nga bang hindi? Sa itsura kong ito. Instant clown. Sa sobrang inis ko, napaiyak ako. I unconsciously made my way to the person who did this.
"Ano bang problema mo ha?!" I shouted at him.
"Me?" Painosente niyang tanong.
"Oo ikaw ang kausap ko. Bakit mo sinunog ang buhok ko ha? Ano bang problema mo?" I said and hissed at him.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy: The Legend Of Unbeknowest
FantasyOlympus Academy: The Academe of gods and goddesses Thus, the legend is foretold. A god and a goddess meant to come forth in a time never known. Two people meant for each other, meant to be one. If successful, chosen gods and goddesses can have the g...