Aalis na sana ako pero bigla niya ako hinawakan sa braso.
"Bakit wala kang seal?" Tanong niya.
"Ha? Ah.. Ano.. Kasi po..."
Itong tanong nanaman? Bakit ba ang hirap sagutin nito?
"Miss Sophia. Kasi po.. Hindi ko din po alam eh."
Yun naman talaga. Diba? Yun lang pala ang sagot sa tanong na yun. Crazy ko talaga. Haha
"Oh.. It must be the system. But it's strange. Hindi pa nagkakamali ang system sa pag detect ng isang god."
"Baka panget ko po kaya ayaw niya ako idetect. Hehe" nice alibi.
"Don't worry, I'll talk to Mr. Bryce Hermes to redetect you."
"Thank you po Miss Sophia."
"No problem. You know what? I like you. Magaan kasi ang loob ko sayo. You remind me of my sister nung nasa mortal world."
"Talaga po?"
"And you're acting exactly like her" natawa siya.
Ilang oras din ako pinastay sa room na yun, dahil oobserbahan daw ang reaction ng buhok ko sa healing powers ni Miss Pretty. Minsan raw kasi okay ang first hour nito but magiging ala-Elizabeth Ramsey daw kapag hindi hiyang ang buhok sa healing process na ginawa. Successful naman kahit papaano. Nung natapos akong pagalingin ni Miss Sophia, bumalik na ako sa room, pinabalik raw kasi nung nurse sila Eil sa room nung makapasok ako. Ayun at nagsisimula na pala ang class. Pinapasok na ako ng prof. Huh. So we're classmates huh. The airheaded Royalties. Di ni ko sila pinansin dumeretso ako sa pag-upo. Halatang lahat ng mata ng gods ay nasa akin. Ano? Mas maganda na ako noh? Behlat kayo. Hahaha.
Nung makaupo ako. Ay Jusmio! Ano bang Math class to? Bakit nasa calculus kame agad? Nganga lang ako sa board.
"Okay class that's all for your basic math. Goodbye now."
Huwat? Basic tawag niya dun? Eh halos mapuno ng muta ang mata ko kakatitig sa blackboard na puno ng hindi ko maintindihang calculations. Aba't Matinde! I admit isa nga akong Athena pero hello?! Ubiquitous lang po ang kind ko.Maaaring matalino ako pero hindi sa lahat ng bagay matalino ang mga tulad ko.
"Eil, bakit ano bang ponchopilatong nangyayari dito? Bakit ganyan ang turo ng professor?"
"Oo nga! Aba't ako'y magaling sa math pero luluwa mata ko sa basics ninyo. Kalerkey! Idagdag mo pa itong kapatid ko na nakikita na sana ang future ayaw pa sabihin ang sagot.....- Ewan ko sayo! Di ba sabi ko mag-aral ka sa math ang problema kasi sayo tamad ka mag-aral ng matematika. Aba? Sumosobra ka na ata. Simula elementary hanggang high school ako ang ginagamit mo para sa katalinuhan mo sa math." Malamang si Vydia at Lyvidia ang nag-aaway. Haha. Nakakatawa siyang tignan.
By the way alam na ni Eil ang tungkol sa kanya kaya di na siya nagtaka. Natawa nalang kame sa ginagawa niyang pagsampal at pagsabunot sa sarili niya.
"Ganun ang turo ni prof kasi ganun ang turo saming mga Royalties. Ang curriculum niyo kasi ay napalitan rin ng tulad sa amin dahil sa declaration kahapon."
So ito pala ang Curriculum Royale. Ang curriculum ng mga Royalties. Wow ha? Di ko akalaing ganito pala kahirap ang training nila.
"Giving up huh ugly?" Said Percza.
Her and her b*tchy voice is getting into every inch of my nerves. Isama mo pa itong si Asungot. Hay naku! Para akong nakakain ng adjinomoto. Makakalbo ako sa kunsumisyon!
"Who said so? Oh my! Why am I talking to a gorilla?" I said with sarcasm on my tone.
Nagalit siya sa sinabi ko. Why do witches like her always get angry with none sense jokes? Parang sa movies. Masyado ng cliché ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy: The Legend Of Unbeknowest
FantasyOlympus Academy: The Academe of gods and goddesses Thus, the legend is foretold. A god and a goddess meant to come forth in a time never known. Two people meant for each other, meant to be one. If successful, chosen gods and goddesses can have the g...