Chapter 33

2.6K 92 0
                                    


Jashea

"That was awful!" Sabi habang nakaupo sa isang bench malapit sa cafeteria. Shit! Hinihingal pa rin kami dahil sa pagtakbo ng mabilis. Alam naman ni Jerson na matatakutin ako pero sinsadya niya atang takutin ako.

"Tarantado ka eh! Tignan mo tuloy hinihingal tuloy tayo.Nakakapagod." Sabi ko habang hinahampas ko siya ng libro.

"Stop it! It's not a ghost Jash! Tao 'yung nakita natin!" Sabi niya. Aba, siya pa 'yung may lakas ng loob na magalit saakin? Halos maihi na nga ako sa palda ko dahil sa takot.

"Guy?! Anong guy ang pinagsasabi mo? Jusko naman Jerson! It's a hunted place bakit ba 'yon pupuntahan ng mga tao? That was definitely a ghost." Inayos ko ang damit ko. Shit, nasira tuloy 'yung beauty rest ko.  "If it's hunted how come you managed to sleep there?" Tanong niya. I rolled my eyes at him and try to think of what to tell him. "K-kasi malamig doon at h-hindi maingay." I sounded like I wasn't sure of my answer but whatever screw that place. I'm never going back to that scary garden!

"That's the point!  Edi hindi siya pinamumugaran ng mga multo. May hunted garden bang ganoon kalinis at kaganda?" Tanong uli niya saakin and this time nakapameywang na siya.

"Wait nga lang. Hindi ba dapat I should be the one asking you about that question? Bakit parang kasalanan ko? Natulog lang naman ako ah! Hindi ako 'yung nakakita sa multo." I said in frustration. Para kasing sinisisi niya pa ako na tumakbo ako. Buti nga at ginawa ko 'yon. I just saved our life. "Obvious naman. That's part of the ghost's plan! Planado niya lahat 'yon kasi gusto niyang makaakit ng tao that's why he or she made the place beautiful. To think naloko niya tayo," I pinched the bridge of my nose. I think I'm going to have a headache. 

"Tsk. Multo multo! Wala nga kasing multo."

"Meron kasi! Bakit ba ayaw mong maniwala saakin?" Pagdadabog ko. It's true! I myself, saw a ghost when I was still a kid.

"Tsk. Halika ka na nga lang. Nagugutom ako." Hinila niya ako papasok sa cafeteria. Anong oras na ba? I immediately check the time on my watch. Nagulat ako nang pasado alos na ng hapon. Ang habang ng tulog ko! "Jerson, absent tayo sa dalawang subjects?" Tanong ko kay Jerson na kasalukuyang bumibili ng pagkain.

"Three subjects to be exact. Included na rin 'yung subject sa time na ito." Sabi niya. So aware pala siya sa oras bakit hindi niya ako ginising? I heard my tummy rumbled. Gutom din pala ako. I sighed. "Nakakagutom din pala 'yung habulin ka ng multo."I ordered spaghetti and ice cream while Jerson ordered the hard meal. 

"Ang tagal pala nating nanatili doon 'no?" We sat at our favorite spot and indulge ourselves with the delicious meal. "Yeah." He answered.

Siya kasi may kasalanan nitong lahat eh! Kung hindi lang siya sumigaw hindi sana mapuputuloy at masisira 'yung beauty rest ko. Search ko nga mamaya kung anong effect ng naaantalang beauty rest sa beauty ko. Naalala ko rin na may kausap si Jerson kanina sa garden, mukhang si Lenon ata 'yung nasa kabilang linya. Matagal ba silang nagusap? Anong pinaguusapan nila? Tanungin ko na nga lang si Jerson. 

"Hindi ba kausap mo si Lenon kanina?" 

"Yeah. Bakit?" That question got his attention. Ibinaba niya ang dala niyang inumin at tumingin saakin. 

"Anong pinagusapan n'yo?"

"Punong-puno na naman ng tanong 'yang ulo mo 'no?"Balik niya saakin.

"Hey! Why answer a question with a question? It's unfair." I rolled my eyes at him. Gusto ko sana siyang sigawan kaso baka paalisin ako ng mga tao. Nagaaral kasi 'yung iba rito habang 'yung iba naman ay nanonood ng kung ano.

"Wala kaming importanteng pinagusapan at kakatawag lang niya saakin nung bigla akong sumigaw." Sabi niya. Nabasa ba niya 'yung nasa utak ko?

"Hindi ko nabasa." Napatakip ako sa aking bibig.

"What?" Waaah! May superpowers ang kaibigan ko! He can read the minds of others.

"I don't have any super powers." Sabi niya.

"Pero bakit mo alam ang nasa isip ko? Aber?"

"It's easy to read. Tinigan ko lang 'yung expression ng mukha mo at alam ko na 'yung iniisip mo." 

"Woah! Edward Cullen is that you?" Pagbibiro ko. Nakakatawa talaga itong bestfriend ko! Nasobrahan ata ito sa talino kaya minsan nagmumukha nang sintu-sinto.

"Hey Jash! Bakit mo ina-underestimate 'yung sarili mo? Mas maganda ka naman sakanya." Sabi ko sa sarili ko.

"Jash? Jash? Are you listening?" Nagbalik ang diwa ko nang hampasin ako ni Jerson sa mukha. "Aray." Sambit ko. Kahit na mahina 'yung pagkakahampas niya naramdaman ko pa rin 'yung sakit.

"What?" I asked.

"After nito mauna kanang umuwi." Sabi niya.

"But why? Sabay na tayo." Pagpupumilit ko. Ano bang plano niya?

"I can't. May gagawin pa ako." I rolled my eyes at him. Sus, ang sabihin niya makikipagkita siya doon sa captain ng basketball team. Dami-dami namang type ng baklang 'to. 

"Okaaaaay!" Pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Wala na akong magagawa.  Ayaw niyang sumama saakin so susundin ko 'yung sinasabi niya.

Hindi na kami pumasok sa last subject namin sa halip ay nanatili lang kami sa cafeteria at walang ibang ginawa kundi mag facebook. Well, ako lang kas si Jerson nagbabasa na naman ng libro. "Tara." Nauna ng  tumayo si Jerson.

"Saan?" I asked.

"Umuwi kana. It's getting late." Sabi niya after niyang tignan ang kanyang relo.

"Okay, honey." Tumayo na ako at iniligpit ang mga gamit ko. Inilabas ko kasi 'yung notes ko para mabasa ni Jerson.

"Sige, dito na tayo maghiwalay."Sabi ni Jerson pagkalabas namin ng gate.

"Hindi ka papasok sa campus?" Tanong ko.

"Papasok, hinatid lang kita dito para siguraduhin na lumabas ka talaga ng school. Mag-ingat ka ha. Kumuha ka ng cab kung gusto mo, basta 'wag kang maglakad mag-isa." Sabi niya. Tumango lang ako.

"Mag text ka saakin 'pag nakarating kana sa bahay niyo." Bilin niya.

"Kailangan pa ba 'yon?" Tanong ko naman.

"Yeah. Baka kasi 'di ka umuwi sa inyo at mag bar hopping ka pa. Loka-loka ka pa naman." Nakakainis ha! Hindi kaya ako ganon. Pektusan ko siya diyan eh.

"Hoy! Hind kaya ako ganon. Sige, uuwi na ako." Sabi ko.

Naglakad na siya papasok sa gate then he waved his right hand at while the other is on his pocket. I just smiled. "Take care, bessy." Sabi ko.

Aalis   na sana ako nang may mahagip ang aking mata at nakakuha sa atensyon ko. Nakakita ako ng lalaki na naglalakad sa hallway. His back is so familiar pati na rin 'yung hubog ng katawan niya, kulay ng balat at height. Sobrang pamilyar. Teka lang, nakita ko na siya noon ngunit hindi ko lang matandaan

"Think Jash, think! Kailangan mong maalala 'yon bago ka umuwi." Sabi ko sa sarili ko.

"Shit, naalala ko na." 

Nakita ko na siya before pero hindi ako sigurado sa itsura ng mukha niya. But his figure, I can't forget. Siya 'yung nakabangga kay Jerson noong isang araw habang kumakain kami sa cafeteria.


Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon