Chapter 42

2.2K 77 3
                                    

[VOTE/COMMENT/BE A FAN] 


Day 2 


 ***Jerson's POV 

 Maaga akong nagising so nanood na muna ako ng tv sa sala. 

 "Good morning baby, hindi ka papasok?" Gising na pala si mommy and it looks like aalis na naman siya. 

 "Papasok po ako. Ang aga pa kasi." I answered. 

"Oh? Kumain kana ba?" She asked while putting on her earings and necklace. 

 "Yup. Kayo po ba? Where are you going by the way? Bihis na bihis ka kasi mommy." 

 "Ah. May meeting lang ako with our new clients. Sige baby, late na ako. Good bye, take care." Sabi niya then she went outside. 

 Sobrang busy ng parents ko no? Know what? Isang buwan ko ng hindi nakikita si daddy, busy kasi siya. Ngayon nasa Macau siya tapos bukas pupunta na naman siyang Korea. Alam mo yun? Parang routine nalang niya ang pagpunta sa kahit saan? After matapos ang movie na pinapanood ko ay umakyat na ako sa taas at naligo, nagbihis. Nagpahatid ako sa school. 

 Marami naring tao sa loob ng campus. Yung iba nasa mga booth nag ga-gala. Yung booth pala namin tapos na, ayun punong-puno ng kulay pula at hugis pusong mga design. 

 (Kring! Kring!) 

Nabigla ako nang biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko agad kung sino ang tumatawag. Then I smiled. 

 "Hi." I answered the call. 

 (Good morning, I miss you.) Panimula niya. 

 "Good morning. I miss you too." 

 (Hahaha. Sorry ha ngayon lang ako nakatawag sayo.) 

 "It's okay. Alam ko namang busy ka rin." Sabi ko. 

 (May gagawin ka ba mamaya?) He asked. 

"Mamaya? Bakit? Saan mo na naman ako dadalhin?" I laughed. 

 (Hahaha punta ka dito sa school namin.) 

 "Oh? May affair din kasi kami dito sa school." Sabi ko. 

 (Tss. Iniiwasan mo ba ako?) 

 "Huh? Iniiwasan? Hoy tabachoy ano na naman iniisip mo diyan? Di ba nasabi ng kapatid mo na may affair din kami dito sa school namin?" 

 (Tsk. Namiss na kasi kita, gusto lang naman kitang makasama.) 

 "Sus! Ikaw ha, ano nalang sasabihin ng fiancée mo pagnalaman niyang magkasama tayo?"

(Bakit? Hindi naman yun magagalit kasi lalaki naman ang kasama ko. Pwera nalang kung sabihin kong boyfriend ko ang kasama ko. Hahaha) Hala tumawa ka pa. 

 "Tss. Sige na, pupunta ako diyan mamaya. Magpapa check lang ako ng attendance." Sabi ko. 

(Really? Sige sunduin na kita?) 

 "Ikaw bahala?" 

(Okay. I'll pick you up around 9, okay lang ba?) 

"Sure. Sige, bye." I ended the call. 

 Ano na naman 'to? Friendly date? Haha. Pero mas okay na yun kesa naman nandito ako sa school diba? Nagtungo na ako sa classroom. As usual busy na naman ang mga classmates ko. Wala ngang nakapansin saakin. Wala rin si Jashea at si Lenon sa loob. Baka late? Or busy? 

Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon