[VOTE|COMMENT|BE A FAN]
***Lenon's POV
Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakatingin sa papel na dala ko.
"Pinabibigay ni Precy." Inabot ko 'to.
"Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya, hindi man lang siya tumingin sa mga mata ko.
"Je..Jerson." Bulong ko.
The fuck! Ang bilis ng mga pangyayari at sa sobrang bilis hindi ko na naintindihan kung ano ang nangyari saamin, naging malabo.
"Sobrang labo." Umupo ako sa seat ko.
Oo, hindi na kami magkatabi, pinakiusapan niya kasi ang president namin na makipag palit ng seat dahil hindi DAW siya nakaka focus sa discussion. Lame reason.
"Okay ka lang?" Umiling ako, saka siya umupo sa tabi ko.
"Napapansin ko atang hindi mo kasama si Jerson ngayon. Nag-away ba kayo?"
"Jashea, masaya kami before nung araw na sinabi niya saakin na ayaw na niya." Para akong lumulutang sa ere kahit na nakaupo ako. Parang pasan ko ang buong mundo dahil sa sakit at kirot na dinarama ko.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Hindi nga niya pala alam ang tungkol saamin.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" Atsaka siya ngumiti. Lumabas kami sa classroom at nagtungo sa garden.
"So tell me, anong nangyari?" Tanong niya. Kung maka interview parang close kami. Honestly, ngayon ko lang uli siya nakausap. I don't know with Jerson kung nakausap na niya ba si Jash.
"Wala ka bang napapansin saamin ni Jerson?" Tanong ko.
"To tell you frankly, nagtataka ako kung bakit napaka close nyo ni Jerson. Like close na close talaga. Napansin ko nga na naiinis ka saakin."
"Hmm."
"Bakit? Dahil ba kay Elmar? Alam mo naman diba kung ano si Jerson? And the fact na close kayo means you've accepted him for what he is. At gusto niya si Elmar, it's my fault. Galit si Jerson saakin kasi hindi ko sinabi agad sakanya ang totoo at ang relationship namin ni Elmar."
"Past is past Jashea. Okay lang naman kayo ni Elmar diba? And I think Jerson doesn't care about it anymore."
"Hindi kami okay ni Elmar."
"Huh?" Agad naman akong napatingin sakanya.
"Pero napana swee--"
"We broke up. Na realize ko na ayaw kong magbago ang pagtingin at pakikitungo ni Jerson saakin, napaka gaga ko lang kasi hindi ko na realize agad. Pero okay lang, nag break na kami at alam ko sa sarili ko na mas mahal ko ang bestfriend ko kesa sakanya yun nga lang huli na."
"Wow that's very disappointing. Alam mo? Masaya sana kami ni Jerson ngayon."
"Sana? Bakit? Ano bang nangyari sainyong dalawa?"
"Ewan ko. Biglang nag iba ang ihip ng hangin. Yung relasyon namin, okay na sana yun eh. Okay na okay na!" Biglang tumulo ang luha ko. Bahala nang may makakita saakin, di ko na kasi kaya mas mabuti pang ibuhos ko na ang lahat lahat.
BINABASA MO ANG
Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)
Teen FictionNothing To Regret BL novel by BlackFiffy (Chabbi). STATUS: COMPLETED/UNEDITED