Chapter 38

2.2K 85 1
                                    

Jerson

Bakit kaya nagbalik 'yung Samuel na 'yon? Bakit 'di niya ipinagpatuloy 'yung pag-aaral niya sa States? Ang labo naman ni Samuel. Good opportunity na 'yon tapos binalewala lang niya.

"Hoy!"

"AY TABACHOY!" Napatalon ako sa takot. Putragis! Bakit kasi nanggugulat ang isang 'to eh.

"Anong tabachoy?"

"Bakit ka ba kasi nanggugulat ha? Lenon?" I asked. I'm embarrassed na patalon pa talaga ako sa gulat.

"You didn't answer my question." He said. He's too bossy and I hate it.

"Why should I? Hindi mo rin naman sinagot 'yung tanong ko." I said back.

"But I asked you first." Then he smirked.  This guy is annoying!  We heard the bell kaya naman ay na-excite ako.

"Glad!" I said then went to our classroom.

Naging smooth naman 'yung discussion namin ng teacher pero mas maganda sana kung hindi ako kinukulit ni Lenon. 

"Sino? Sino? Sino?" Pabulong niyang sabi habang kinakalabit ako.

"Ano ba?! Tumahimik ka na nga diyan! Nakakainis ka na ah!" Napatayo ako. Ako na naman ang naging center of attention ng mga kaklase ko.

"I'm sorry." I said then nag peace sign ako. Umupo ako at hindi na ulit pinansin si Lenon. Nakakainis 'tong taong ito. Binaling ko nalang ang tingin ko sa bulletin board sa labas.

Wait? Speaking of bulletin board, hindi ko pa nakikita si Elmar ngayon ah? At pati na rin si Jashea! Saan kaya pumunta ang lukaret na iyon? Tatanungin ko pa sana siya kung bakit sila magkasama kanina ni Elmar. Something's bothering me. I placed my hands in my chest. Why? I'm feeling sad, broken deep inside but I don't know why. It's a sudden feeling.

"May masakit ba sa dibdib mo?"

"Wala." I put down my hands. Tapos na pala 'yung klase. Ilang oras minuto ba ako nag spaced out? 

"Kain tayo ng lunch? Libre kita!" Pagkatapos ay inakbayan ako ni Lenon.

"Sorry pero may kasabay na ako." I said in a boring tone. Parang magkakasakit ata ako, bakit kaya? Hay ewan. I have this weird feeling na may masamang mangyayari. I hope wala lang 'to.

"Sino? Sino?" Huminto ako sa ginagawa ko.

"Pati ba naman dito susundan mo pa rin ako? Ano ka ba? May sariling buhay ka! Shuuu!" Tinaboy-taboy ko siya. Nakakainis na ah! Sunod nang sunod saakin. Parang aso.

"A-yo-ko." Sabi niya.

"Ewan ko sa'yo." Then I walked away.

Nagvibrate 'yung phone ko. It's Jash.

"Honey mauna kana mag lunch okay? Busy pa kasi ako eh. Tch"


"Hay." -_- I'm alone AGAIN.

I continue walking hanggang sa makarating ako sa gate. Nasa waiting shed ako naghihintay kay Samuel nang may nagtext saakin.

It's him again, bakit baa ng kulit niya?

Lenon texted me and said, "Sinong kasama mo? Saan kayo naglu-lunch? Can I eat my lunch with you? I'm all alone here ya' know."

Hindi ko nalang pinansin ang text message niya saakin. Kung pasasamahin namin siya eh parang hindi na date. Date?! Kaloka, ano ba itong pinagsasabi ko. Hays.

"Teka? Diba si Elmar yun?" Pabulong kong sabi nang makita ko si Elmar. He's waiting for someone. Then he suddenly picked up his phone and called someone. He hurriedly ride on a taxi. Saan kaya siya pupunta? Hay miss ko na kaya siya. Miss? Wala namang kami drama ko talaga. Psh.

"Hoy!" Nagbalik ang diwa ko nang may taong humarang sa paningin ko.

"Manglilibre ka ba talaga o hindi? Kanina pa ako hintay ng hintay dito oh!" Inis kong sabi.

"Sorry naman. Na traffic lang, at salamat dahil hinintay mo ako, alam ko namang mahal mo talaga ako eh." Sabay kindat pa. Aba tong gagong 'to sapakin ko na ito eh, naku! kung hindi mo lang ako ililibre ng pagkain matagal ka ng wala dito sa mundong ibabaw. -_-" 

"Mahal? Pangilabutan ka nga sa sinasabi mo! Hindi tayo talo tol baka matamaan ka ng kidlat sa pinagsasabi mo. Tara na nga~" Sabay hatak sakanya at pumara ng taxi.

"Oh? Saan tayo kakain?" He asked.

"Saan ko gusto? Sa moon café nalang." Sabi ko then sumakay. Yes! Makakalibre na naman ako ng lunch nito. Gustong-gusto ko kaya ang mga pagkain dun sa moon café.

"Okay. Kuya sa moon café po, doon kami mag la-lunch ng girlfriend ko." Sinapak ko talaga siya at siniko pagkatapos niyang sabihin yun. Nakakahiya tong gagong 'to baka ano sabihin ni manong driver. At tumawa naman yung driver at kinindatan ako chaka. Haha at nagpunta na kami sa moon café.

Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon