Jerson
Naglalakad kaming dalawa papunta sa cafeteria. Sumama pa kasi saakin 'tong taong ito at ang sabi niya ituloy nalang daw namin ang ginagawa namin sa cafeteria. While walking I saw Seth.
"Seth!" I called him, he was busy talking with some girls. And yeah pinapalibutan siya ng mga babae. "Oy Jerson! Kumusta ka na? Okay na ba ang mga pasa mo?"
"Ha?! Anong pasa? Saan ako nauntog? Baka ikaw nauntog." Sinenyasan ko siya na 'wag sabihin ang nangyari dahil may kasama ako at ayokong umabot ito okay mommy.
"Ah. Nevermind." Iniwas nalang niya ang tingin niya saakin at ibinaling sa isa sa mga babae niya. "Ahh oo nga pala your brother came and he asked me to give this to you." Tapos inabot ko sakanya ang gamit niya.
"Talaga? Buti hinatid niya. Akala ko hindi niya ihahatid. Ano kayang nakain ng kapatid ko at naisipan niyang pumunta rito?" Pagtataka niya.
"And by the way thank you pala dito ah?" Tinaas niya ang gamit niya. Tumango lang ako. Napansin kong may kumalabit sakin and when I turned around nakita ko ang bored and annoyed na mukha ni Lenon. He's so cute. Ops! Jerson 'wag mong ipahalata na ano ka.
"Let's go?" Natatawang tanong ko. "Tss." Nagsimula na kaming maglakad.
"Bakit kasi hindi mo sinabi na naiinip ka na. Sana binilisan ko ang pagbigay ko sakanya nung mga gamit niya."
"I tried but you didn't listen. Busy ka sa kakausap sa gagong 'yon." Naiinis niyang sabi. Grabe naman 'to, hindi naman 'yon ganon katagal. Kung mapakapagsalita naman 'to! Wala namang nagawang masama ang 'yung tao sakanya. Bipolar ata 'to si Lenon.
"Sus! Selos naman agad ang student ko haha." Tinawanan ko lang siya.
"Student?" Pagtataka niya.
"Yes, student because I will teach you those lessons that you've missed. So I'm your teacher now." Sabi ko. Parang gusto ko 'yung salitang teacher. Should I study I study education in college? We'll see about that. "I don't like it. " Diretsong sabi niya.
"Huh? Eh anong gusto mo?" Tanong ko.
"I want you to call me baby" Sabay hawak niya sa baba niya para bang nagpapa-cute.
"What? Baby?! Eww! Sagwa mo pre, hindi tayo talo!" Then I punched him on his shoulder.
Tawa lang siya nang tawa habang ako naman ay naiilang habang itinatago ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya. Buti nalang at wala masyadong tao at walang nakarinig sa pinaguusapan namin dahil 'pag nagkaton tiyak pagiisipan na naman kami ng masama.
Dumating kami sa cafeteria.
"Baby, baby, baby!" Pangungulit ni Lenon habang itinatapat niya 'yung nakangusong mukha niya sa'kin. Tangina ano kayang nahithit nito?
"Tigil-tigilan mo nga ako Lenon. Naiinis na ako, nakakahiya na. Baka masapak kita diyan sige ka." Naiinis portion ako ngayon, kailangan mag drama-dramahan ako para tumigil natong taong 'to. "Okay," He paused for a while so I face him, "Baby." Gago ka talaga Lenon Lombart! Bigla niyang kinurot 'yung pisngi ko dahilan upang sumigaw ako at mapunta sa'kin ang atensyon ng lahat ng tao. "Punyemas!" Daing ko.
Tumayo ako then suddenly napansin kong bumukas ang glass door ng cafeteria kaya nabaling doon ang paningin ko and then I saw Elmar went inside with, "Jashea?" Pabulong kong tanong. Napaupo agad ako but hindi ko inalis ang tingin ko sakanila. What the heck? Magkasama sila? Bakit hindi ko alam? And they went to the counter at nag order ng pagkain. Ang saya nilang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)
Teen FictionNothing To Regret BL novel by BlackFiffy (Chabbi). STATUS: COMPLETED/UNEDITED