[VOTE|COMMENT|BE A FAN]
***Lenon's POV
Sabi nila, when you love someone you will really fight for that person. Even if it costs your own life. For the past years that I've lived and breathed I never felt the real love that I wanted to feel, until today. Nakakagulat kasi naramdaman ko ang pagmamahal na'yon sa taong kapwa ko lalaki. The society, obviously think that it is wrong. But for me, there's really nothing wrong about loving someone. It's the love, the kindness, the attitude that you can see in a person not the gender.
Hindi ako nagsisisi na minahal ko si Jerson, hindi ako nagsisisi sa mga nangyari sa buhay ko simula nang makilala ko si Jerson. That's because I love him, yung pagmamahal na hindi mabibili ng pera, hindi masukat-sukat at kailan man ay hinding-hindi matitibag ng kahit na anong criticism mula sa mga taong nakatingin sa amin.
"Hijo, magpahinga ka muna." Tumingala ako at nakita ko ang mukha ng magandang babae na may bakas ng kalungkutan sa kaniyang mga mata.
"It's okay tita." Sabi ko habang mahinang pinipisil ang kamay ng taong mahal ko.
"Mahal, gising na." Bulong ko.
"Sige na Lenon. Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala dito." Tinapik niya ang balikat ko.
"Okay. Salamat tita."
"Babalik ako mamaya." Hinalikan ko ang kamay ni Jerson saka tumayo at lumabas ng room. Ilang araw na ring nakahiga si Jerson, walang malay. Si Jashea, nasa ICU pa dahil malala ang nangyari sakanya, nabaril daw siya ni Elmar. Naawa nga ako sakanya at kay Jerson din. Hindi ko alam kung makakaya ba niya kung malaman niyang malubha ang kalagayan ng bestfriend nya. Hindi pa rin alam ng papa ni Jerson na may relasyon kami. Sa ngayon ang mama niya lang ang may-alam. Pero ang mas importante ngayon ay ang mabilis na pagaling ni Jerson.
"Lenon?"
"Oh? Ikaw pala." I fake a smile.
"Uuwi ka? Hatid na kita sa inyo. Wag ka ng magmaneho, alam ko namang hindi ka natulog ng maayos." Sabi niya. Tumango lang ako at sumunod sakanya.
"Salamat nga pala Ric ha." Sabi ko.
"Ano ka ba, okay lang yun."
"Sorry sa inasal ko before. I wish makabawi ako sa mga nagawa ko."
"Well, may magagawa ka nga para makabawi saakin." Napatingin ako sakanya.
"Talaga? Ano naman?"
"Hiwalayan mo si Jerson. Ibigay mo siya saakin." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"A..ano?"
"Hahaha ano ka ba biro lang, 'wag ka ngang mataranta diyan. Alam kong mahal ka ni Jerson, he's happy to have you in his life. And I'm also happy for him. Ayokong malungkot siya dahil umalis ka."
"Wag kang mag-aalala, aalagaan ko siya. Dahil mahal na mahal ko siya." Sabi ko.
"Good. Pero tandaan mo 'to, sa oras na sasaktan mo si Jerson. Trust me, I'll do my very best para mabawi siya mula sayo." Alam kong hindi siya nagbibiro at ganon din ako.
"Syempre. Hinding-hindi ko siya sasaktan. Mamahalin ko siya, at hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maagaw siya." Ngumiti ako. Jerson, please gumising kana. Miss na miss na kita.
BINABASA MO ANG
Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)
Teen FictionNothing To Regret BL novel by BlackFiffy (Chabbi). STATUS: COMPLETED/UNEDITED