—
Van's POV
Halos tatlong araw ng tulog si JD. Hindi parin gumagaling ang mga pasa at sugat sa katawan niya. Stable na siya sabi ng doctor pero kailangan daw talaga niya ng mahabang pahinga
"Pre nakausap mo na ba sina tita?" umupo si Caleb sa tabi ko at nagsindi ng sigarilyo. Nasa hospital kaming lahat. Wala pang umuuwe samin simula ng dalhin dito si JD
"Oo. Pero hindi daw sila makakauwe kasi maraming kailangang gawin sa company. Gustong umuwe ni Claire pero sabi ko okay na naman si Jd"
"E si Riel nakausap mo na? nung isang araw pa siyang tawag ng tawag kay jac"
Napatahimik na lang ako. Actually hindi ko alam ang sasabihin ko kay riel. Halos bumigay siya nung unang nagkaganito si JD. Paano pa kaya ngayon kung makikita niya ang ichura nito. Isa ito sa ikinakatakot namin sa relasyon nila. Paano matatanggap ni riel na laging nasa peligro ang buhay ng boyfriend niya
"Paps gising na si Jac!" Sigaw ni Seven. Nasa may veranda kami kaya naman mabilis kaming pumasok sa loob
Tahimik lang na nakatingin samin si Jd. Siguro ang wala pa siyang lakas para magsalita
"Jac okay ka na ba?" Seven
"May masakit ba sayo?" Tres
"Are you hungry?" Dust
"Gusto mo bang tawagin ko ang doctor?" gray
Walang sinagot ni isa sakanila si jd. Pinagmamasdan niya lang kami isa-isa
"Are you guys okay?"
Napatahimik kaming lahat sa sinbi niya. Siya ang nakahiga sa hospital bed pero ang mga kasamahan parin niya ang tinatanong niya kung ayos lang. baliw talaga
BINABASA MO ANG
My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)
Fiksi RemajaSometimes the perfect person for us is that whom we least expected to be. And who knew that this person will change my life.. FOREVER!