Who let the Cyron out?!

1.4K 29 3
                                    

--

"Ay  ang hudas talaga!" nasabi ko na lang pagkalabas ko ng bahay

Ang tanga lang!

Pinapapunta niya ako e hindi ko naman alam kung saan ako pupunta -_______-

Anak ng!

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si JDevil at sakto naman na may message, inopen ko yun at binasa, isang address mula sa unknown number at sa pagkakaalam ko number yun ni JD

Buti naman at naisip niya ang katangahan niya -_______-

Sumakay ako ng taxi at sinabi ang address sa text message

Ng makarating kami sa address na yun isang private village ang napuntahan namin

"Ma'am saan po ang punta niyo?" tanong ng guard na humarang samin sa gate

"Kay JD Dela Vega po"

May lumapit na isa pang guard at may sinabi doon sa isa pang guard, pagkatapos nito ay pinapasok na ang taxing sinasakyan ko

Maraming liko-liko na daraanan, halos mahilo na nga ako sa laki ng village na ito

"Miss nandito na po tayo" sabi ng taxi driver kaya naman binayaran ko na si kuya at bumaba sa taxi niya

Pagbaba ko bumungad sakin ang isang magandang bahay, hindi ito katulad ng bahay ng kambal na sobrang mansion pero malaki din ito at maganda talaga *O*

Lumapit ako sa doorbell at pinindot ito, at ilang sandali pa ay may lumabas na isang matandang babae

"u-hm si JD po?"

"Pasok ka iha, tulog si Jaden e"

Jaden?

"Jaden? Sino po yun?" ?_?

Ang alam ko si JD ang hinahanap ko

Tumawa yung matanda na para bang nasisiraan ako ng bait ._.

"Si JD yun ineng"

Si JD?

JD?Jaden?

"Talaga po? Yun ba ang tunay niyang pangalan?"

"Ay hindi, ang tunay niyang pangalan ay Jac Daven Dela Vega" :)

Wow!

JD naging Jaden tapos nagin Jac Daven Dela Vega!

Syalen! XD

"eh bakit po jaden?" usisa ko. curious lang ako noh bat kayo ba hindi >___>

"Jaden, Ja sa jac tapos Den sa daven?"

Psh

Oo nga naman =_______=

"yun na ang tawag ko sakanya simula maliit pa lamang siya, ako na kasi ang nagpalaki sa batang iyon"

"Ganon po ba"

tumango-tango ako dahil ang dami kong nalalaman tungkol kay JDevil :D

"ay teka ineng sino ka nga pala?"

:O

Si manang masyadong makwento e hindi pa nga pala niya ako kilala! XD

"Riel po, pinapunta po ako dito ni JD" :)

"Ah siya pasok ka, masyado ata akong naging makwento"

Ngumiti na lang ako pero ang gusto kong sabihin ay

 Oo nga po manang, pag nalaman ni JDevil na kinikwento niyo sakin ang buhay at tunay niyang pangalan baka ibitin niya tayo ng patiwarik pareho XD

Ng makapasok ako sa loob, grabe mas namangha pa ako, glass wall kasi yung unahan ng bahay, kitang-kita sa labas kung gaano kalaki at kaganda ang loob nito

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon