Save your date, we have a mission! (Part 3)

1.2K 26 4
                                    

--

Part 1

Caleb’s POV

Sinundan namin ang sasakyang sinasakyan nina JD. Sinugurado kong may ilang sasakyan sa pagitan namin para hindi kami mahalata ng mga lalaking kumuha sakanila. Tulad ng inpormasyong nakuha ko, pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdivision. Naghintay ako ng limang minuto bago sumunod  pero hinarang na agad kami ng mga security guards pagdating namin sa mismong gate

“Sir, ano pong kailangan nila?” tanong ng dalawang guards na may mga hawak na shot gun

Kinuha ni Gray ang i.d niya at ibinigay sakanila. Sabay nilang tiningnan ito at sabay ding nanlaki ang mga mata nila

“Sorry sir, anak po pala kayo ni General Walker. Pwede na po kayong pumasok”

Nag-okay sign yung dalawang sikyo sa dalawa pa nilang kasamahan at itinaas ng mga ito ang bakal na nakarang para makapasok kami. Tumango ako sakanila at pumasok na sa loob ng subdivision. May bahay dito ang tatay ni Gray kaya naman ayun ang ginamit naming access para makapasok. Itinigil ko ang sasakyan ko dalawang kanto malapit sa mansion ni Mr.cho

“Dito ko na lang kayo hihintayin” sabi ko sa dalawa na ngayon ay nag-aayos ng mga baril nila

“Saan ba kami magsisimula?” tanong ni Gray habang nilalagyan ng silencer ang baril na gagamitin niya

“Dyan na mismo sa unahan. Nahack ko na ang mga cctv nila kaya wala na kayong iintindihin pa. automatic na bumubukas ang gate ng mansion kapag nadidetect nito ang simbolo ni Mr.cho na nakadikit sa mga sasakyan ng tauhan niya. Pero dahil magaling ako, nakontrol ko na din ang pagbukas at pagsara ng gate ng kaharian niya ” ngumisi na lang si Gray at napailing na lang si Dust sakin. Para san pa na tinatawag nila kong geek kung hindi ko kayang gawin ang mga ito diba (~~.)

Pinalitan ko ang software ng cctv nila. Kung titingnan sa loob normal ang nangyayari sa labas pero hindi nila alam, inuubos na pala namin sila. Bumaba na yung dalawa at nangsimula ng maglakad papunta sa mansion ni Mr.cho, ng makita kong nasa tapat na sila ng mismong gate ay pinindot ko na ang control button at ilang saglit pa ay unti-unti na itong bumubukas. Mula sa video 2 at 3 ay nakikitang kong nagulat ang mga tauhan ni Mr.cho na nasa labas dahil sa pagpasok ng dalawa. Tumawa si Gray at hinalikan ang dalawang baril na hawak niya

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon